Dear What-ever-you-are,
Hello! I'm Clyde, ang pinakagwapong nilalang sa balat ng kalawakan.
Pinanganak na gwapo at mabango.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang dapat isulat sa isang tulad mo.
Anong ilalagay ko sayo?
At in fairness, ikaw lang ang nakatitigan kong wala man lang karea-reaksyon. >.<
Ang hirap makipagtitigan sa papel. -_-
Ano bang ilalagay ko sayo? Anong isusulat ko?Bahala na nga.
Sabi sa internet, isulat ko daw yung nararamdaman ko araw-araw pati na rin yung mga nangyayari lalo na yung mga kakaiba.
Ano bang nangyari kanina? Maliban sa pinagkaguluhan ako, wala naman ng kakaibang nangyari. Normal nang pag-umpukan ako ng mga babae.*binuklat yung diary ni Mama*
Sabi ni Mama sa diary niya, ituring daw kitang Parang kaibigan.
Paano ko naman magagawa yun eh hindi ka naman nakakapagsalita.
Wala ka rin namang magiging reaction sa mga sasabihin ko.*phone rings*
Nagtext si Grendle, isa sa mga matatalik kong kaibigan. May practice daw kaming ng banda mamaya dahil may gig kami sa darating na Friday. Pwede na bang entry sayo yun? Hay nakakabaliw ka naman, kinakausap kita kahit wala naman akong nakukuhang sagot mula sayo.
Sige, mamaya na lang ulit. Kukwentuhan na lang kita pagbalik ko :)
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Genç KurguAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.