Entry 16

322 37 9
                                    

Nandito ako ngayon sa party ni Krizhia, birthday niya kasi. Kumpleto ang barkada with their girlfriends. Though si 'tol Kyle nagpapakipot pa kay Jazmine, halata naman ng mahal niya si Jaz. Kailan kaya matatauhan ang isang yun?

"Ang galing mo talagang kakanta, Jazmine labs! Pakiss nga!" bago ko pa malapitan si Jazmine hinarang na ko ng nakabusangot na si Kyle. Tingnan niyo nga, yan ba ang walang pakialam? Denial din to si 'tol Kyle eh.

"Mackey, itali mo nga itong si Clyde sa mga babae niya. May Kyle na si Jazmine," tatawa-tawang sabi ni Grendle habang nakaakbay kay Donita.

Nakaupo kami ngayon sa pinareserve na table ni Krizhia.

"Dude baka gusto mong i-correct? Kay Nhica ko dapat itinatali ang isang ito." Ginulo ni Mackey ang buhok ko. Tinabig ko yung kamay niya. Anak naman kasi ng tokwa, yung kagwapuhan ko nadi-dis-align eh. Kantiin na yung kuko ko huwag lang yung napakagwapo kong muka na pinagpapantasyahan ng lahat at yung buhok ko.

"Good idea , 'tol Mackey! Dalhin mo ang handcuff ng daddy mo sa school. Iposas mo ako sa kaniya." Seryoso ako sa sinabi ko. Isipin ko pa lang na mapoposas kaming dalawa, naeexcite na ko.

"Sure! No problemo." Ito yung gusto ko kay 'tol Mackey eh, partner in crime ko siya. Sa kanilang apat, siya yung karugtong ng bituka ko.

"Teka... Nhica? Don't tell me, siya yung masungit na classmate nina Kyle?" Singit ni Jazmine.

"Oo, iyon nga. Nakita ko silang magkahawak-kamay kahapon sa school," tignan mo tong si 'tol Kyle, kunwari nagsusungit pa kay Jaz eh siya naman yung nasagot sa lahat ng tanong ni Jaz.

"Talaga? Bilib na talaga ako sa kamandag mo, Clyde! Ikaw na ang bahala sa kanya ha, ha? Iganti mo kami ni Kyle," nakangiting sabi ni Jazmine. Kung hindi lang Malabo yung mata niya, cute sana siya eh. Di hamak naman kasing mas gwapo ako kay 'tol Kyle.

"Ang bad mong mag-isip," saway naman ni Donita sa sinabi ni Jaz. "Boyfie, sabi mo, binasted nun si Clyde?"

"Uh-huh. Ilang beses na."

Grabe! Ang hard ng dalawang to sa kagwapuhan ko eh. Sarap pektusan ng dalawang to.

"So, dude Clyde. Ano bang nangyari kahapo? May holding hands na kaagad, ah? May improvement na ba kayo? Kayo na ba?" May pagkatsismoso din tong si dude Mackey.

"Agad-agad? Napaka-advance mo naming mag-isip, Mackey." Si Donita.

"Nagpa-practice lang, Donita. Malay natin, magbago bigla ang ihip ng hangin," ngiting aso si dude Mackey.

"Yeah, everything's possible," sang-ayon ni Grendle kay Mackey. Oo naman, everything is possible. Dadating yung araw na mapapasagot ko din si Nhica. Ako si Clyde Joseph Cortez, wala pang babae ang nakatanggi sa kagwapuhan ko.

"Dude, ikwento mo na nga ang nangyari kahapon. Para naman may pambawi. Napi-feel kong sa basted-an na naman pupunta iyan, eh."

"Gago!" Binatukan ko si Mackey. Isa pa to sa kagagatong eh.

Nangalumbaba ako. Nabibitter yata ako sa mga magnobyo sa paligid ko. Kami na lang ni dude Mackey yung walang seryosong girlfriend. Yung tatlo ayun, di magkandaugaga sa kasweetan. Kailan kaya magiging ganto si Nhica sakin? Anak ng tupa. Ang dami daming may gusto sakin sa paligid, bakit ba o namomroblema?

"Nangyari kahapon? Iyon. Inihatid ko siya pauwi."

Oo nagpahatid si Nhica sa bahay nila, pero hindi naman ako kinikibo. Tanging direksyon lang ang lumalabas sa bibig niya. Ni hindi man lang kumapit sa bewang ko, pero ayos lang kahit sa balikat at least may body contact. Hindi rin tumalab yung pagpapacute ko sa kaniya. Ni hindi man lang ako nakabanat ng pick-up line. Ano bang nangyayari kay Nhica? Sinasayang niya yung opportunity niya na makasama ako eh. Sa gwapo kong to.

"Nag-iiba na talaga ang ihip ng hangin! Akalain mong pumayag siyang ihatid mo? Ano pang nangyari, dude?"
"I've already told you. Kailangan ko pa bang idetalye?"

"O, bakit nagagalit ka?" Nakangising sabi ni Mackey na medyo nagpainis sakin. Hays, akala ko pa naman kasi jackpot na kahapon eh.

Pero at least may improvement.

"Huhulaan ko," singit ng kadarating na si Aser kasama si Krizhia. "Binasted ka na naman, ano?"

"Wow, 'tol! Kadarating mo lang, alam mo na agad ang pinag-uusapan naming!" Sarkastiko kong sabi. Bakit ako ang sentro ngayong gabi? Ako ba may birthday?

"Ang lalakas niyo kayang mag-usap. So, basted ka nga?" Si Krizhia.

"Hindi. In fact, wala nga siyang binanggit kahit isang salita eh," ang lakas talagang mang-asar nitong girlfriend ni Aser eh. Kung makapagtanong, tagos gang buto. "Dapat in-invite mosi Nhica Marae sa party mo. Para naman may iba akong nakakausap maliban sa inyo." Unti-unti ng nalulukot yung poging pogi kong mukha. Lalo pa kong naasar ng bigla silang nagtawanan lahat.

"Huwag na. Concerned din naman ako sa'yo paminsan-minsan. Masama sa kalusugan ang palaging nababasted." Si Aser. "Ta,a ka dyan Loves!" At nag high five pa silang magnobyo. Ang sarap pag-untugin.

"Besides, hindi pa kami friends ni Nhica. Hindi ko pa rin siya formally name-meet."

"In short, wala siyang friend ditto," ani Kyle. Bigwasan ko kaya to.

"But I'm beginning to like her sa pagpapahirap niya dito kay Clyde." Sabin i Jazmine na sinang-ayunan naman ng lahat. Hindi, nakakatuwa.

"Yeah, right! Mga kaibigan ko nga kayo. Ang gagaling niyo magpalakas ng loob!" Tuluyan ng nadedeformed ang kagwapuhan ko sa mga pinagsasabi nila.

"Don't worry, dude. Mahu-hook din sayo iyon. Tiwala lang."

"Sus! Marami nang namatay dahil sa 'tiwala lang' nay an," buska ni Krizhia. Grabe talaga bibig niya eh.

"Pero seriously, bakit ba palagi niyang binabasted si Clyde?" Anak naman ng ewan! Ang dami daming wag ng pagtatanong, sa ganung way pa tinanong ni Donita.

Napapitik sa hangin si Jazmine. Napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Baka naman may iba nang gusto si Nhica?"

Natigilan ako. Sa totoo lang, I'm already having a conclusion na meron nga pero kanino.

Iniiwas ko yung tingin ko sa kanila at hindi sinasadyang dumako yung tingin k okay Grendle na nakatitig kay Donita.

That stare reminded me of something. Nag-flash back sa isip ko yung time na nahulog ni Nhica Marae yung mga plates na dala dala niya. Yung biglang dumating si Grendle. Yung biglang pagbabago sa mood ni Nhica Marae. Yung tingin niya kay Grendle. Yung time na may hinihintay si Nhica Marae sa labas ng building nila Grendle. Yung baked mac ...

Could it be?

Damn. Dapat dati pa napansin ko na yun! How stupid of me.

Nagsink in lahat sakin yung mga nangari. I felt a little bit of pain. What the hell is happening to me? Ang plano ko lang naman eh ang mapansin niya, wala naman ng iba. But, damn. Ngayon lang ako, nag-isip ng gantong bagay sa isang babae. Kadalasan, wala naman akong pakialam sa nararamdaman nila, pero ngayon, bakit?

Gising Clyde!

Tila natauhan naman ako sa sigaw ng ego ko. Tama, lakas ng loob lang ang kailangan ko.

So what kung may gusto si Nhica Marae kay Grendle? Maapektuhan ba ko? At isa pa, wala naman siyang pag-asa kay Grendle dahil loyal yun sa girlfriend niya.

'So that leaves her to me.'

=-=-=-=-=-=-=-=

Today's Lesson: Huwag maging bitter, nakakapangit.




=-=-=-=-=

A/N: Guys, sorry sa matagal na pag-uupdate :) Promise, babawi ako ^_^

Huwag niyo sanang kalimutang mag-VOTE :) Thank you sa mga naghihintay!

Please do support din po yung two other stories ko :) Pavote na rin.

-When A Gay Becomes A Man

-Move Along

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon