"Clyde" paulit ulit nag-eecho sa pandinig ko ang boses ni Nhica Marae. Sanay akong tawagin sa gwapo kong pangalan pero iba ngayon, parang ngayon ko lang narinig yung pangalan ko sa mas gwapong pagkakabigkas.
Aaminin ko, natuwa ako ng marinig kong binanggit niya yung pangalan ko. Masarap sa pandinig. Para tuloy ngayon lang ako tinawag sa pangalan ko.
Hay buhay, ano na nga bang nangyayari sakin? I am really hooked into her. Gusto kong sabihin na nachachallenge lang ako sa kaniya kaso yung puso ko umieksena na. Gusto ko siyang kilalanin pa at gusto kong ipakilala sa kaniya yung tunay na ako.
Paano ko naman gagawin yun kung ayaw niya naman akong bigyan ng pagkakataon? Mahirap bang paniwalaan na ang isang napakagwapong katulad ko ay magkakagusto sa kaniya? Well, hindi ko siya masisisi na isipin yung bagay na yun, wala naman kasing mas gugwapo pa sakin.
Gusto kong patunayan yung sarili ko sa kaniya. Gusto kong gustuhin niya rin ako hindi lang dahil sa kagwapuhan ko kundi dahil sa pagkatao ko. Takte! Napapala ko kasasama kila Tol eh, nagiging alien na ko.
Muli na naman akong napatitig sa cellphone ko, nandun yung larawan niya habang naglalakad. Gusto ko siyang makitang ngumiti. Ngumiti na ako ang dahilan. Putspa, Clyde! Anong nangyayari sakin?
Gusto ko na ba siya ng higit pa sa mga nakarelasyon ko? Stage Two of liking na ba to? Dapat na ba akong kabahan para sa sarili ko?
Hays, bahala na nga. Come what may. Ang mahalaga naman yung kasalukuyan. One at a time. Sa ngayon, alam kong gusto ko siya, stage two na to. Gagawin ko ang lahat para lang maiparamdam sa kaniya na gusto ko na talaga siya.
Ayokong magplano, dahil kadalasan ng mga nagpaplano, hindi nangyayari. Bahala na kung anong kalabasan ng mga gagawin ko. ^_^
Maghahanda na ko para sa practice mamaya, may tugtog kami bukas sa VJ's bar. Kailangan kong magpractice ng maigi dahil puno na naman yun ng mga fans ko.
=•=•=•=•=•=•=•=
"Dude, tahimik mo yata?" rinig kong saad ni Dude Mackey. Hindi ko namalayan, napatulala na naman pala ako sa pag-iisip.
"Tol, kailangan ka ba naming ipatawas? Naengkanto ka ba?" dagdag panunudyo pa ni Tol Aser.
"Itapon na lang sa bangin ng hindi na natin isipin yang si Clyde," anak ng tipaklong talaga tong si Kyle eh.
"Clyde, magugustuhan ka rin nun," buti pa to si Grendle, matino kausap. Pasalamat ako kay Donita at napatino niya si Tol Grendle.
"Pustahan tayo, dalawang libong beses mababasted yan si Clyde bago tigilan yung wirdo kong kaklase,"
"Saklap naman nun Dude! Pero sige, pupusta ko ng limang piso, mapapaoo yan ni Dude Clyde," anak ng ewan tong Kyle at Mackey na to. Problemado na nga ako eh, kalokohan pa rin yung iniisip.
"Mga tol at dude, paano ba manligaw?" Wala sa loob na naisatinig ko. Lahat sila napatahimik at napatitig sakin. Anong problema ng mga to? May mali ba sa sinabi ko?
"Tol! Sa ating lahat, ikaw ang pinakamaraming naging girlfriend. Sa isang araw kaya mong maka-apat. Tapos ngayon kami ang tatanungin mo kung pano manligaw?" palatak ni Aser.
"Mackey, pabasbasan mo si Clyde. Dalhin mo sa simabahan," buset talaga tong si Tol Kyle eh.
"Teka baka hindi tanggapin yan sa simbahan, sa ermitanyo ko na lang dadalhin," sakay pa ni Mackey sa kalokohan ni Kyle. Wala talaga kong mapapala sa mga to eh. Dapat hindi na ko nagtanong.
"Tol, make her special," sagot naman ni Grendle.
"Eh lahat naman ng babae kay Clyde special. Hahahaha. Ano pang gagawin niya para maging special si ano, ano na nga bang pangalan nun?" Gatong ni Aser.
"Ewan ko sa inyo, kalimutan niyo na yung sinabi ko. Tara, simulan na natin," ano nga bang gagawin ko? Marami akong naging girlfriend pero wala naman akong niligawan maski isa sa mga yun. Kusa silang lumalapit sakin.
"Nak ng pusa! Inspire si Dude!"
"Dude Mackey, magaling na talaga ko magdrums, hindi na kelangan ng inspiration," napailing nalang ako. Ayaw paawat ng mga kolokoy na to. Porket sila happy na ang lovelife. Happy din naman yung sakin ah, mas sasaya nga lang siguro kapag napansin na ko ni Nhica Marae.
Bahala na.
=•=•=•=•=•=•=•=
Today's Lesson:
Make someone feel special.
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Novela JuvenilAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.