Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pesteng pagkakagusto ni Nhica Marae kay Grendle. Hindi pa ko sure pero mas pinaniniwalaan na ng sarili ko na totoo nga. Yung kagwapuhan ko, nababawasan. Letsugas.
Pero mas sure naman ako na walang gusto si 'tol Grendle sa kaniya at hindi ipagpapalit ni Gredle si Donita. Hindi rin naman siya gusto ni Mackey, so ako lang talaga ang interesado sa kaniya. So what kung gusto niya si Grendle? Di hamak namang mas gwapo at mas macho ako sa kaniya kaya kayang kaya kong makuha si Nhica Marae. Tiis lang.
Mag-aalauna na pero katatapos pa lang ng klase ko sa Management. Nagtungo ako agad sa cafeteria para hanapin si Nhica Marae, nagmamadali ako dahil baka hindi ko siya maabutan. Kung ako ba naman ang magpapapansin, walang makakahindi. Sa gwapo ko ba namang to eh.
Malayo pa lang tanaw ko na si Nhica Marae, kahit nakatalikod siya kabisado ko na yung postura niya. May kasama siyang lalaki at sa harap niya, si Krizhia yata, yung girlfriend ng kaibigan kong si Aser.
Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Yung student council secretary na si Sean pala yung kasama ni Nhica. At bakit naman sila magkasama?
"Ang totoo, hindi ko naman talaga type si Clyde. Wala akong balak na sagutin siya o paasahin. Actually, kung liligawan ako ngayon ni Sean, mas may pag-asa pang si Sean ang sagutin ko kaysa kay Clyde."
Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng marinig kong sinabi yun ni Nhica Marae. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko.
"So mas pipiliin mo si Sean kesa kay Clyde?" Tanong pa ni Krizhia sa kaniya.
"Of course!" Walang gatol na sabi ni Nhica Marae. Sa mga oras na to, gusto kong manuntok.
"Ouch! Ang sakit nun para kay Clyde," nakangiwing sabi ni Krizhia. "Seryoso ka?" Dagdag tanong niya pa.
Some part of me is wishing that she will say na "Joke lang. Ang gwapo ni Clyde, kaya siya yung pipiliin ko."
"Hundred percent," napahinga ako ng malalim. Naiinis na ko sa nangyayari. Hindi lang dahil sa ego ko kundi dahil sa kirot na unti-unting nararamdaman ko sa puso ko. Tangina.
"Paano bay an, Clyde? Si Sean ang pinili eh. Pang-ilang pagkakabasted mo na ito?" Nakangising sabi ni Krizhia sakin.
Hindi ako umiimik. Nandun lang ako, nakatayo sa likod ni Nhica Marae. Hinihintay na bawiin niya yung sinabi niya.
"Sorry, Clyde. Hindi ko naman alam na ako pala ang gusto niya. But don't worry, if you really like her, pwede naman nating pag-usapan iyon." Sean stated. Nagpipigil lang ako. Kanina ko pa siya gusting sapakin. Kung hindi lang siya kaibigan ni Krizhia, kanina ko pa siya binigwasan.
"Ano na Clyde? Tounge-tied lang?" Bakit ba ang lakas mang-alaska ng girlfriend ni Aser na to? Ipatapon ko kaya silang magkasintahan sa planet Mars.
Ano na nga ba yung gagawin ko? Nabato na ko dito. Babae lang siya, at sanay akong manguha ng mga babae. Act normal, Clyde.
"Well, it's fine. Hindi naman siya type ni Sean." Walang kagatol gatol kong sabi. I know its harsh pero, t*ngina, nagseselos na ko.
Hinarap niya ko at saka pumameywang. "Paano mo naman nalaman na hindi ako type ni Sean? Sinabi niya ba sa'yo?"
"Hindi. Alam ko lang," humalukipkip ako at saka tinitigan siya sa mata. Sa mga oras na to, gusto kong marealize niya na ako lang ang gwapo sa buong mundo. Ako lang, wala ng iba.
Damn. What's happening to me? Hindi na ako to.
"Bakit hindi natin siya tanungin ngayon?" Oh crap. Mali pa yung dating sa kaniya ng sinabi ko. Binalingan niya si Sean. "Type mo ba ako o hindi?"
Nabaling lahat ng tingin naming kay Sean, hinihintay na sumagot siya.
"Kung may hindi kayo pinagkakaunawaan -"
"Sagutin mo lang ako Sean!" Tumaas na yung boses ni Nhica Marae.
Tumikhim si Sean. "Actually -"
"Nevermind," putol ko kay Sean. Ayokong marinig. Paano kung, oo? "I don't have to hear his answer. Basta ang alam ko hindi ka niya type. Tapos!"
"Aba't ang yabang mo talaga!"
"Huwag ka nang magpacute kay Sean dahil hindi ka cute. Huwag mo ring kinakausap si Krizhia, mahawa ka pa sa kapraningan niyan."
"Hey!" Protesta ni Krizhia. Napailing na lang ako.
"Tara na. Ihahatid na kita sa room mo. Male-late ka pa sa klase ng dahil sa Sean na yan."
Bago pa siya may masabi, hinili ko na siya papunta sa klase nila. Masama yung loob ko.
Nang makarating na kami sa classroom nila, binitawan ko na siya.
"Ano bang problema mo?" gigil niyang singhal sakin.
"Are you really asking me what my problem is?" Hindi pa ba obvious?
"Karirinig mo lang diba?" There she goes again, her masungit side.
Sa totoo lang, gusto ko siyang pagalitan. Gusto ko siyang sigawan. King ina pero sa di ko maipaliwanag na dahilan, nawala na lang bigla yung inis ko. Bipolar na ba ko?
"Nothing. I just don't know why you like that Sean. Nerd 'yon. Mas mamahalin pa niya yung salamin niya sa mata kesa sayo."
"Kung makapanlait ka, akala mo kung sino ka!" Phew. Depending him that much, eh?
"I'm just telling the truth."
"Matino, matalino at mabait si Sean! Ikaw, ano bang maipagmamalaki mo?"
"Marami! Di hamak namang mas magandang lalaki ako, mas matangkad, at mas ma-appeal kesa doon. May abs ba yon?" Kailangan ko ba bang isa-isahin? Eh nagsusumigaw na nga ang kagwapuhan ko.
"Nuknukan ka talaga ng kayabangan!"
Unti-unti nang gumagaan yung atmosphere between the two of us.
"Hindi ka naninawala? Why don't you ask them?" Kinawayan ko yung grupo ng mga babae sa kabilang classroom na kanina pa panay ang panakaw na tingin at picture sakin. Agad naman silang nagsitilian. Yan, yan ang sinasabi kong kagwapuhan ko. Kaway pa lang yan ah, tinitilian na.
"Hi, Clyde! Ang gwapo mo!"
"Sa tuwing pumupunta ka ditto, nabubuo ang araw ko!"
"Pwedeng makuha ang number mo Fafa Clyde?"
"Dito ka na lang samin kung inaaway ka ng girlfriend mo. Kwentuhan tayo."
Ganiyan ako kagwapo at kung pagkaguluhan ng mga babae.
"See?" Nakangisi akong bumaling sa kaniya. "Makita lang nila ang mukhang to, masaya na sila-"
"Nakikita ko nga! Tutal sila naman ang masayang makita ka, edi don ka sa kanila! Punta na! Magsama-sama kayo!" Itinulak niya ko sa mga babaeng nagkakagulo sakin.
Pfft. Kung hindi ko lang narinig yung mga sinabi niya kanina, iisipin kong nagseselos siya sa mga fans ko eh. Mahirap talaga maging gwapo, pero kung magiging kami naman, itataga ko sa mga abs ko na magiging loyal ako.
=-=-=-=-=-=-=-=
Today's Lesson: Eavesdropping is painful.
A/N: Huwag kalimutang mag-VOTE ^_^

BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Teen FictionAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.