Entry 14: August 04, 2014

369 38 44
                                    

Isang napakagandang umaga na naman ang dumating sa buhay ko. Pagmulat ba naman ng mga mata ko, nakita ko na agad ang mas lalo pang gumagwapo kong mukha. Yung mga mata kong kung tumingin e parang nangungusap, paganda pa ng paganda. Ang mga labi kong pinapangarap ng lahat e mas lalo pang nagiging kissable. Syet, ako na talaga ang gwapo.

Pagtayo ko sa kama, napatingin naman ako sa salamin sa pintuan ng walk-in closet ko. Damn. Yung biceps ko, proportion na proportion. Yung 6-pack abs ko, pafirm pa ng pafirm. Even my lower body is proportionate to my upper body. In short, I'm the epitome of adonis. Paking teyp.

Bago pa ko tuluyang malate, nagmadali na kong maligo at magbihis. Paniguradong hinihintay na ko ng mga fan clubs ko.

Pagdating ko sa university, nakatayo na sa parking lot yung iba't-ibang fan clubs ko. Alam niyo na, gwapo eh. Ngiti ko lang, masaya na sila. Sana ganun din siya. Ay peste, bakit siya na naman.

Pagdating ko sa klase, nandun na yung Prof. sa Filipino, si Prof. Cruz. Patay ako nito, lalaki pa man din to. Hindi to tatalaban ng charm ko. Sa likod na lang ako ng classroom dadaan. Pagpunta ko sa likod na pintuan, naka-lock. Kung minamalas ka nga naman. No choice ako.

"Magandang umaga Propesor Cruz," bati ko sa kaniya habang nakangiti at patay malisya sa oras.

"Magandang umaga din Ginoong Cortez. Umaga pa lang, may kiss mark ka na agad sa pisngi. Naalala ko tuloy sa'yo yung kabataan ko," watdapak. Napatingin ako sa kaniya.

"Ganiyan ako kagwapo dati," hudahel si Prof para sabihing kapantay niya ang kagwapuhan ko? FYI ako lang ang nagtaglay ng gantong mukha.

"Weh?" Rinig ko namang sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko.

"Prof. ipis ka ba?" Pak. Bat ba hindi ko mapigilan yung sarili ko.

"Ha? Bakit?" Sarap mo kasing hambalusin ng matauhan. Bwahahahahahaha.

"Lakas mo kasing magpatili! Hahaha. Prof. grabe kagwapuhan natin no?" Pang-uuto ko pa kay Prof. ng hindi masita yung pagkalate ko. Uto uto din pag may time.

"Osige na, maupo na ka Clyde." Yun naman!

Tatlong oras akong magtyatyaga sa pakikinig sa kaniya.

"Fafa Clyde, gising na." Tapik sakin ng kaklase ko.

"OMG! He's like an angel."

"Hot pa rin kahit natutulog."

"Siya na talaga."

"Wait! Magsiselfie ako sa kaniya."

"Ako rin, ako rin!"

Nag-angat ako ng paningin at saka ngumiti sa kanila.

"S-sorry. Nagising ka tuloy namin."

"Sorry, babe."

"Honey, pwedeng magpapicture."

"Oh sure, babes." Tumayo ako at saka bigla naman silang pumalibot sakin. Tinawag nila yung isa naming kaklase na lalaki at nagpakuha ng larawan.

Pagkatapos ay nagdiretso ako sa Political Science Building. Sasabay na lang ako kay Grendle maglunch. Panigurado naman sa restaurant nila Donita siya kakain. Namimiss ko na yung mga pagkain dun.

Pagdating ko sa PolSci, nakausap ko agad si GJ kaso nga lang may lakad na pala yung dalawa. Ayaw man lang magsama ng chaperone. Hmp. Makapanchicks na nga lang.

Paglabas ko sa building nila nakita ko si Nhica Marae. Tignan mo nga naman, everything happens for a reason talaga eh. Kung tinanggihan man ako ng dalawa na yun na isama ako sa date nila, eto naman ang kapalit. Hindi porket hindi mo nakuha yung gusto mo, wala nang magandang mangyayari. Minsan, hindi Niya lang talaga binibigay satin yung mga gusto natin kasi may inilaan Siyang mas higit pa sa dun. We just need to wait.

"Maganda ka pa sa hapon, Nhica Marae!" bati ko sa kaniya ng malapitan ko na siya. Ang kailangan ko lang gawin eh ang magpapansin at kulitin siya.

Hindi siya sumagot. Iniiwas niya lang yung paningin niya sakin. Sungit mode siya ngayon.

"O, ang ganda ng araw, nakasingamot ka naman. Ngiti ka naman jan!" Naupo ako sa tabi niya.

"Nasisira ang araw ko sa tuwing nakikita kita kaya nawawalan ako ng ganang ngumiti," tsk tsk. Imbes na mainis ako sa coldness na pinapakita niya, natatawa pa ko. Patience is a virtue. Relaks lang ako. Kelangan ko lang magpapansin at mangulit.

Umusog siya palayo sa tabi ko at saka may inilagay na pink paperbag sa pagitan namin.

"Anong nakakatawa?" Tanong niya. Napatigil naman ako sa pagtawa.

"Nothing, I just found you amusing as ever. Ang cute mo talaga!" Pipisilin ko sana yung pisngi niya kaso naunahan na naman niya ako sa pagpigil. Natapik niya agad yung kamay ko.

"Lumayas ka nga dito Clyde. Hindi ako natutuwa sa mga pagpapacute mo," watdapak. Sa cute kong to di pa siya nacucutan?

I pouted my lips at umaktong parang nagtatampo. Tatalab to. Tiwala lang. Nak ng tokwa, inalisan lang ako ng tingin. Paano pa ba ko magpapansin sa kaniya?

Yung paperbag naman ngayon ang napagdiskitahan ko.

"Ito naman. Parang binibiro ka lang. Ano ba tong dala mo? Amoy masarap ah!" Kinuha ko yung laman nung paperbag. Tupperware pala.

"Ano bang - Teka!" Pigil niya sakin kaso nailayo ko na yung tupperware.

"Wow baked mac! Tamang tama! Paborito ko to." Nabuksan ko na yung tupperware.

"Akina nga yan! Hindi naman yan para sa iyo ah!" Sigaw niya. Akmang tatayo ako ng bigla niyang hatakin yung braso ko na siyang muntik ko ng ikahulog sa upuan. Hanep. Brutal talaga siya. Nabawi na niya yung tupperware.

"Pakialero ka talaga"

"Sang amazon tribe ka ba galing? Bakit ang lakas mo?" Putspa. Yung pwet ko nasaktan.

"Ewan ko sayo! Maghanap ka ng kausap mo."

Busy pa rin ako sa paghilot ng pwet kong nasaktan dahil sa paghila niya sakin. Grabe tong babaeng to.

Pag-angat ko ng paningin, nakita ko siyang tumingin sakin. So I flashed my most seductive smile.

"Ang ganda ng song ano? Matagal ng kanta yan ng Paramore pero kada-download ko pa lang," sabi ko sabay sinasabayan ko ng paghimig yung kanta.

"Itigil mo nga yan." Malamig na sabi niya. Ano naman kaya ang problema niya ngayon.

"Why? Ang ganda nga eh," tanong ko sa kaniya. Hindi na siya sumagot sa halip ipinatong niya lang yung paperbag sa tabi ko at saka tumayo paalis.

"Hey, Nhica Marae! Naiwan mo ang baked mac mo!" Tawag ko sa kaniya. Tignan mo yung babaeng yun, matapos akong saktan iiwan lang pala yung baked mac.

"Iyo na lang." Did i hear her right? Akin na lang daw?


=•=•=•=•=•=•=•=•=


Today's Lesson: Huwag basta basta mang-aagaw. Pwede kang masaktan.

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon