"Wait!" Habol ko sa kaniya. Ngunit hindi na siya lumingon kaya naman dali dali ko siyang sinundan. Bitbit ko yung paper bag na may lamang baked mac.
"Ikaw talaga, lagi mo na lang akong pinapahabol," sabi ko sa kaniya ng maabutan ko siya.
"Sinabi ko bang humabol ka sakin?" Mataray niyang sabi.
"Oo."
"Nag-iilusyon ka na naman. Patingin ka sa psychiatrist." Ang cute niya talaga. Siya yata yung babaeng mas gumaganda sa twing nagagalit.
"Sure. Basta ba sasamahan mo ko." Wala na akong balak magpatalo. Ngayon pang napapansin na niya ko.
"Ano ako? Baliw?"
"Baliw sakin? Oo." Konting kulit pa. Bago niya pa ko masopla, inunahan ko na siya.
"Ihahatid na kita pauwi," sabi ko. Kahit anong mangyari kailangang may progress ang araw ko ngayon.
"Ayoko."
"Come on, Nhic—"
"No." Sakit naman. Kailangan kong dumiskarte.
"Okay, ganito na lang—"
"Sinabi ng ayoko."
"Let me finish first." Panimula ko. I put my finger on her lips para mapigilan siya sa pagsasalita.
"Tutal ibinigay mo sakin tong baked mac mo, I'm now returning the favor. Ihahatid kita sa inyo. Tapos quits na tayo. Parang walang nangyari. Na hindi mo ko binigyan at hindi kita inihatid."
Mukha naman siyang napaisip sa sinabi ko. Kaya naman patay malisya ako sa mga iniisip ko. After this day, araw-araw ko na siyang malalapitan ng hindi kami nagbabangayan.
"Siguraduhin mo lang yang mga pinagsasabi mo, Clyde. Kung hindi, naku! Makakatikim ka talaga sakin!" Yun naman! Pumayag siya! Napangiti ako ng wala sa oras. This is it! The beginning.
"Sure! Takot ko lang sayo! So, it's a yes?" Paninigurado ko. Mamaya magbipolar na naman siya.
"Hindi mo babanggitin kahit kanino ang nangyari ngayon?" Nakataas kilay na paninigurado niya.
"Not a word." Pagbibigay ko ng assurance sa kaniya. I even raised by right hand. "Promise."
"Good. Kapag hindi ka tumupad—"
"Punch me. Slap me. Do whatever you want." Putol ko sa sinasabi niya. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon. Binuhos ko na ang 100% na pacute aura ko. Nakatitig lang siya. Parang nahipnotismo. Syet. Gwapo ko talaga.
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi yata kinaya yung kagwapuhan ko. Nakaready rin ako kung sakaling himatayin siya dahil sa sobrang pagkakilig. Biruin mo naman, nagpacute ako sa kaniya ng 100%.
"Ano, tara na!" Yaya ko sa kaniha ng wala pa rin siyang reaksyon. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila papunta sa parking lot.
"Teka! Hindi pa ako umu-oo ah!" Sinubukan niyang hatakin yung kamay niya pero mas hinigpitan ko pa yung pagkakahawak ko. "Clyde!" Ang ganda talaga pakinggan kapag siya yung nagsasabi sa pangalan ko.
"According to the law of the Philippines, silence means consent."
"May nalalaman ka pang law of the Philippines jan! Sipain kaya kita!"
Umakto siyang sisipain niya ko kaya lang natigilan siya. Napansin kong nagmasid siya sa paligid. Marahil dahil marami na kaming estudyanteng nakakasalubong. Iniisip niya siguro na baka mapahamak na naman siya oras na may makakita na sinaktan niya ko.
"Bitiwan mo nga ang kamay ko! Baka kung ano na naman ang isipin ng mga babae mo," pabulong ngunit madiin niyang sabi.
"Don't mind them." Sabi ko habang relaks na relaks na naglalakad. Nasang lupalop pa sila tol at dude ng makita nila yung progress ko.
"Madali sayong sabihin yan dahil hindi naman ikaw ang masusug—"
"Hindi ka magagalaw hanggat kasama mo ko. Kaya lagi ka dapat dumidikit sakin," tiningnan ko siya. This time, seryoso ako sa sinabi ko na palagi siyang dumikit sakin.
Hinuhuli ko yung tingin niya. At ayun! Binigyan ko siya ng isang pamatay na ngiti ng isang Clyde Joseph Cortez. Gusto kong malaman kung ano yung iniisip niya habang tinitignan ako. Parehas kaya kami? Nararamdaman na rin kaya niya?
"Masaya ka! Pagkatapos nito wag ka na ulit lalapit sakin." Gamit ang isang kamay, ipiniling niya ang ulo ko paharap sa daan.
"Ah ...... Tungkol dyan," umakto akong nag-iisip. "Pag-iisipan ko pa," sabi ko.
Huminto siya sa paglalakad at nagsalubong ang mga kilay niya. Ang ganda niya talaga.
"Ano kamo?"
"Nhica baby nama—"
"Huwag mo ako sabi tawaging baby!"
"Okay, Nhica Marae," pagtatama ko sa sinabi ko. Akala ko naman okay na. Hinarap ko siya at umaktong nasasaktan.
"Seriously, bakit mo ba ako pinapalayo sayo? You're being unfair with me! Ano pa bang kailangan kong gawin?" Drama pa more. Tinitigan ko lang siya at nagpuppy eyes para mas magmukhang totoo yung arte ko.
"Sinabi ko na sayo ang dahilan. Kailangan bang paulit-ulitin ko?" Tinangka na naman niyang hatakin yung kamay niya pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko dun. "Bitawan mo ang kamay ko!"
"Clyde." Napalingon ako nang may tumawag sakin at humawak sa balikat ko. Si tol Kyle lang pala.
"Oh tol Kyle! Long time no see! Kamusta ka na?" Masayang bati ko sa kaniya.
"Kakikita lang natin kanina." Seryosong saad niya. Pakatumal talaga ng buhay neto ni tol Kyle eh. Napansin kong napatingin si tol Kyle sa kamay namin ni Nhica Marae na magkahawak.
"Kanina lang ba yun tol?" Tanong ko. Hinila naman ni Nhica Marae yung kamay niya ng mapansing nakatingin si tol Kyle. Marahil ay nahihiya. Kaya hinayaan ko ng makalas yung pagkakahawak kamay namin.
"Nakakaistorbo ba ko?" Bored at puno ng kaantukan na naman yung mukha ni tol Kyle. Grabe talaga tong isang to.
"Obvious ba tol? Bakit ka ba nandito?" Pagbibiro ko kay tol Kyle.
"Ah, wala naman. Gusto ko lang mang-istorbo ng nagde-date. Sige, susunduin ko pa si Jazmine."
"Nagde-"
"Ikaw talaga tol Kyle!" Putol ko sa sinasabi ni Nhica Marae. Magrereklamo na naman siya panigurado.
Walang pasabi na tinalikuran kami ni tol Kyle.
"Ang gulo talaga ng isang yun. Tsk."
"Clyde." Rinig kong tawag niya kaya naman nilingon ko siya.
"Nhica Marae, huwag mong pansinin iyong si Kyle. Wala lang magawa yun sa buhay. Palibhasa sila na ni Jazmine. Lika na," hahawakan ko na sana ulit yung kamay niya kaso lang iniiwas na niya. Bipolar mode.
"Clyde—"
"I really like the way you say my name." Pagpapacute ko na naman sa kaniya.
"Pwede ba itigil mo yan?" Nabigla ako ng bigla niya akong kwinelyuhan. Putspa. Amazona mode naman ngayon. "Just to make it clear. Hindi tayo nagdi-date."
Dapat pala palagi ko siya ginagalit para parati niya rin akong kinukwelyuhan. Sa gantong way, sobrang lapit niya sakin. A smile formed on my lips. Pilyong ngiti.
"Ano?" Tanong niya at tila yata napagtanto niya yung kung bakit ako napangiti. Bigla niya kong binitawan.
"Loud and clear!" Sabi ko at saka sumaludo sa kaniya.
=•=•=•=•=•=•=•=
Today's Lesson: Always keep right.
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Fiksi RemajaAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.