Entry 19: TRS4: CLYDE

299 30 2
                                    

Author's Note: Hi guys! Galing tong whole chapter sa The Rebel Slam 4: CLYDE of @SyanaJane. She's the author of the Rebel Slam series kung saan ko hinugot yung Diary ng Casanova. Since, operator ako ni Clyde Joseph Cortez, ginawan ko ng mas malinaw na Point-of-View si Clyde at ito ngang Diary ng Casanova ang kinalabasan. :) Happy reading!

~*~

Hanggang sa makarating si Nhica sa bahay nila ay nagkukukot pa rin ang loob niya. Naba-badtrip pa rin siya kay Clyde. Napakagaling nitong manira ng araw!

Hindi dumating ang propesor nila kanina kaya lumabas din siya kaagad ng room. Nang silipin niya ang kabilang room na pinag-iwanan niya sa lalaki ay wala na ito. Pati ang mga hitad na babae ay wala na rin doon!

Malamang nakikipaglandian na naman siya sa mga babaeng iyon! Ang lalaking iyon talaga!' inis na saisip niya. Nililigawan kunwari siya pero kung kani-kaninong babae naman sumasama! At saka ni minsan ay wala siyang natatandaan na binigyan siya nito ng bulaklak!

Dahil wala sa nilalakaran ang utak ay natalisod siya sa nakakalat na bato. Muntik na siyang mapasubsob sa pathway ng garden nila.

Sapat na iyon para mapag-isip-isip niya ang itinatakbo ng utak niya. Napahinto siya sa pagpasok ng bahay nila.

Hindi ba't ayaw niyang magpaligaw kay Clyde? Bakit ngayon ay tila hinahanap niya ang pagbibigay ng bulaklak nito? At bakit ba siya biglang nabad-trip nang ngitian nito ang mga babaeng iyon kanina? Baka akalain pa nito sa mga ikinilos niya kanina na nagsiselos siya.

Hindi nga ba? Anang isang tinig sa isip niya.

Malakas na ipinilig niya ang ulo. Bakasakaling magising ang mga braincells niya.

Syempre hindi! Hinding-hindi siya magsiselos kung si Clyde lang naman ang involve.

Pero bakit tila iba ang sinasabi ng puso niya?

'At ano namang sinasabi ng puso mo aber?' anang atribidang tinig sa utak niya.

Ilang sandali pa niyang kinapa ang laman ng dibdib. Hindi niya nagustuhan kung paanong tumitibok-tibok ang kanyang puso nang maalala ang nakangiting mukha ni Clyde.

Mariing pumikit siya. Hindi pa nakuntento at tinapik-tapik pa niya ang magkabilang pisngi niya.

'Gumising ka, Nhica! Hindi mo gusto ang lalaking iyon! Nililigawan ka lang niyon dahil na-challenge siya sa iyo! Wake up!'

Minsan pa niyang tinapik ang mga pisngi.

"Nhica Marae?"

Agad na nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang tinig ng ama. Nakatayo si Norman, ang daddy niya sa front door. Hindi niya napansin na bumukas iyon.

"Ayos ka lang, anak? Kanina mo pa sinasampal ang sarili mo. Masakit ba ang ngipin mo?" alalang tanong nito.

Napapahiyang nginitian niya ito.

"H-hindi naman po, dad. Ano lang kasi... ahm, may nakalimutan ako sa school kaya nainis ako sa sarili ko at tinampal ko ang pisngi ko." Mabuti na lang at mabilis siyang makapag-isip ng alibi.

"Ganoon ba? Gusto mong balikan natin?"

"Hindi nap o, dad. Bukas na lang. Hindi naman poi yon mawawala doon."

"O siya, sige. Pasok na. Masama ang mood ng mama mo ngayon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa umuuwi ang kapatid mo. Gusto yatang madagdagan ang parusa niya. Alam mob a kung nasaan siya?"

Sabay silang pumasok ng ama.

Sinipat niya ang wristwatch niya. Mag-aalas syete na. Hanggang alas sais lang ang curfew nito. Siguradong masasabon na naman ito ng walang banwalan. Kailangan niyang umaksyon para sa kapatid.

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon