Entry 25

276 8 1
                                    

Guess what WEYA. She thanked me! Ewan pero masaya lang ako kasi kahit papaano nakakausap ko na siya ng matino, hindi na niya ko iniiwasan. Is this the start? Syet, 'yong kagwapuhan ko umiepekto na! Thank you Lord sa ibinigay mong kagwapuhan sakin. Tingin ko, malapit na niya akong mahalin.

You know what, WEYA? Bidang-bida na naman 'yong kagwapuhan at kamachohan ko sa university. I was about to be the Mr. Engineering kaso I turned it down. Biruin mo ba naman, my supposed to be muse eh inaway si Nhica mylabs. Nhica Marae almost fell on the floor pero buti na lang ang gwapong ako eh macho kaya naman nasalo ko siya agad.

At first, akala ko kung sino lang 'yong babaeng muntik tumumba sa sahig, 'yon pala si Nhica Marae na! Buti na lang ang gwapo ko. She bumped with Charmaine, 'yong muse na patay na patay sakin. She fired unpleasant words to Nhica Marae. Hindi na ako nakapagtimpi kaya ako na 'yong sumagot sa kaniya. 

I told her that Nhica's my girlfriend. Sarap sa feeling ^_^ Sana totoo na lang. At akalain niyo 'yon ang sabi ba naman sa kagwapuhan ko eh "nakaka-turn off daw ako" dahil si Nhica Marae ang girlfriend ko. 

At dahil d'yan nag-quit ako sa pagiging representative ng department namin. Pagbibigyan ko muna 'yong mga pangit na nilalang na manalo sa Mr. Engineering. At saka alam mo WEYA, napagtanto ko, unfair nga rin naman kasi sa ibang contestant kung ako ang ilalaban. ANGHEL na ADONIS pa ba naman ang aura ko eh, may laban pa sa sila? 

Pero enough for my kagwapuhan, isinama ko nga rin pala si Nhica Marae sa gala ng tropa. Hindi ko alam kung tama ba 'yong ginawa ko. Nandun si GJ at Donita, and I know the fact na Nhica Marae likes GJ. Tama ba? Mahirap para sakin pero gusto ko kasing ipa-realize sa kaniya kung ano ba talagang nararamdaman niya. 

Everything went well at first kaso bigla akong kinabahan nong kumanta si GJ, nakapako lang ang tingin ni Nhica Marae kay GJ. And before the song ends pinuntahan ni Donita si GJ sa mini stage. With that, GJ kissed Donita. Maagap kong tinakpan 'yong mga mata ni Nhica Marae, ayokong masaktan siya. Kaso nagalit siya sakin. Paksyet. T^T 

Kaya ang ginawa ko, inagaw ko 'yong mic kay Aser at kinantahan ko siya. Gusto niyo marinig? Ayun oh, sa taas. Sa'yo by Silent Sanctuary cover by no other than the hottest, cutest, most handsome man in the world CLYDE JOSEPH CORTEZ.

Oh teka ha, paalala lang, huwag kayong maiinlove sakin, masasaktan lang kayo. Kay Nhica Marae lang ang puso ko.

Oh ano, WEYA? Bilib ka na ba sakin? Sabi ko naman sayo walang nakaka-hindi sa kagwapuhan ko eh. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon