Hey Weya,
Rinding rindi na ko kay tol Kyle. Sa araw-araw ba naman na lumipas eh palagi na lang pagrereklamo niya yung naririnig ko. Lagi na lang siyang problemado sa kaklase niya. Kesyo sobrang sungit daw at walang ibang inisip kundi yung mga requirements na kailangan nilang ipasa. Nerd siguro ang kaklase niyang iyon. Katulad kaya yun nung babaeng nakita ko? Maybe yes, maybe no. Ano bang pakialam ko sa bagay na yun.
Kung ako sa kaniya, liligawan ko na lang yung kaklase niyang yun nang umamo among naman at nang hindi na ko mamroblema. Ngiti ko pa lang kaakit akit na paano pa kaya kapag kinindatan ko pa. Life is so simple kapag ganto kagwapo sakin. Hay naku, hirap naman kasi kay tol Kyle mas mahal niya pa ang pagtulog kesa sa mga nag-gagandahang mga babae na nakapalibot samin. Ang boring ng buhay ng gunggong na yun. Sabagay meron naman na siyang Jasmine. Sayang nga lang at ang labo labo ng mata ni Jazmine'labs! Di hamak namang mas gwapo at hot ako kay tol Kyle.
Nakakatuwa yung dalawa na yun. At sa tingin ko, Kyle will fall for her. Opposite attracts. Hindi ko tuloy maiwasang tudyuin si tol Kyle. Selos ba o sadyang pagkairita lang yung nakikita ko sa kaniya sa tuwing nilalapitan ko si Jazmine'labs? Ang hirap kasi basahin ng mokong na yun. Poker face.
Sabi nga pala ng Professor namin sa Psychology, dapat everytime na may entry kami sayo eh may moral lesson na ilalagay. Eh ano namang kaaral-aral yung natutunan ko ngayon? Sumasakit yung ulo ko.
*deeply thinking*
Aha! Tama!
Today's Lesson: Huwag masyado mag-isip. Nakakasakit ng ulo. ^_^
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Teen FictionAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.