Entry 2: July 2, 2014

1.1K 74 31
                                        

Dear WEYA,

Do you mind if I calls you Weya? Short for what-ever-you-are. Alam mo na, masyadong mahaba. Baka magkakalyo ang pinakaiingatan kong mga kamay.

As usual nothing happened today. Nagkaroon lang ako ng bagong girlfriend. And her name is ano, uhm, basta siya. She voluntarily submitted herself to me, at gentleman naman ako para hindi tanggihan. Well, she's hot and sexy. Magaling humalik. Pasok na rin sa standards ko. I don't know kung hanggang kailan kami tatagal. Maybe bukas or sa makalawa? Depende kung walang makakakuha ng atensyon ko.

Anyway, here *dikit ng picture* these are my bandmates and also my best friends. Para ko nang kapatid yang mga gunggong na yan. Kita mo? Ako ang pinakagwapo saming magkakaibigan. Nangingibabaw ang kagwapuhan ko no? Syet, wag mo ng ipagdiinang ang gwapo gwapo ko dahil alam ko namang kung nakakapagsalita ka lang, matagal mo ng sinabi yun.

Grendle, Aser, Kyle and Mackey are like a family to me. I met Kyle and Grendle thru Aser when we were in highschool. Nagkataon namang iisa ang hibla ng mga bituka namin kaya ayun nagclick kami sa isa't-isa. Nagkataon ding lahat kami ay mahilig tumugtog kaya naman naisipan naming bumuo ng banda. Sakto naman dahil may kaniya kaniya kaming alam na instrumento. Grendle as the vocalist, Aser as the bassist and Kyle as the lead guitarist. Dahil ako ang pinakahot, syempre ako ang drummer. Mackey is our newest member and became our keyboardist, nitong college na lang siya napasama samin. Nagbago na kasi yung genre namin kaya kinailangan na namin ng keyboardist. From rock to mellow. Nainlove na kasi yung mga gunggong kaya naman nag-iba kami ng genre. Though I miss the rock songs, mas masaya naman akong makitang masasaya na yung mga kaibigan ko. Syet na malupet! Pag nabasa to ng mga mokong baka maiiyak pa sila.

Medyo KJ na yung tatlo dahil lagi ng busy sa mga girlfriends nila though si Kyle nagpapakipot pa kay Jaz dun din naman ang ending nila, buti na lang dumating si Dude Mackey. Kung hindi problemado na naman ako kung kanino ko idadivert yung antensyon ng mga chicks na patay na patay sakin. Buti na lang talaga, at least may kasama pa rin akong magclubbing at mangchicks. Everybody is happy pa din!

Hey, know what? I'm getting more comfortable with you. Haha. Am I getting crazy? Syet.

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon