Anak ng tokwa! Ako na nga yung nagmagandang loob, ako pa rin yung masama. What the hell did I do?
"Sorry-hin mo yung mukha mo! From now on, ayoko ng lalapit ka pa sakin! Sakit lang ng ulo ang dala mo sakin at ng mga babae mo sakin eh! So please lang, leave me alone!"
That's the last statement she said before she left the bar. Hindi ko alam kung san ako naiinis, sa mga babae bang nang-away sa kaniya o sa sarili ko?
Damn. How did I not saw her in the crowd? Sana napigilan ko yung nangyari. Sana hindi siya nasaktan. O sana hindi ko na lang siya pinakialaman sa away na kinasangkutan niya. Labo eh.
We're in the middle of performing nang may magkagulo sa audience, hindi ko pinapansin nung una dahil akala ko mga lalaking nag-away lang dahil nagselos sa kagwapuhan ko. Pano ba naman, lahat ng sinisigaw ng mga kababaihan eh ang napakaganda kong pangalan. Alam mo kasi yung tipong kahit sino, makakalimot kapag nakikita ako? Ganun yung impact ko sa tao eh. Lalo na ngayong nagpeperform ako, dumudoble ang kahot-nessan ko sa twing tumutugtog ako ng drums. Mas naeemphasize kasi ang biceps ko, at ang mga abs na itinatago ko eh kusang lumalabas. Akala ko naintimidate lang sa karismang taglay ko pero nung pagkakita ko, it was Nhica Marae fighting with the other girls.
Walang salitang tumigil ako sa pagtugtog at agad na pinuntahan siya. Masyadong crowded kaya naman nahirapan akong makalapit sa kaniya. Pagkalapit ko sa kaniya, naawat na sila ng mga tao sa bar.
Agad kong pinuntahan si Nhica Marae, nakaupo pa rin siya sa sahig. Maagap ko siyang tinulungang tumayo at hindi ko napigilan yung sarili ko na yakapin siya. Damn. My heart melted when I saw her in that situation. May pasa siya sa braso, may kalmot sa mukha at gulo gulo yung buhok niya. Gusto kong ikulong lang siya sa mga braso ko, masarap sa pakiramdam. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na masarap yung may pinoprotektahan ka.
"Are you okay?" Tanong ko sa kaniya. Ngayon lang din ako nakaramdam ng sobrang pag-aalala. I touched her swollen cheeks, kung sino man yung gumawa nito, hindi ko sila mapapatawad.
"God! How did you get into that fight? Does it hurt?" Tanong ko ulit sa kaniya kahit hindi siya sumagot kanina. Nasaktan siguro talaga siya.
"I-ikaw?" I heard her asking.
"Yeah. Why you sounded so surprised?" Maybe she's in trauma. I was about to hug her again nang bigla niya kong sigawan. Ang lakas maka-bipolar ng babaeng to.
"Walanghiya ka! Ikaw ang may kasalanan nito!"
"What? What have I done?" Takang tanong ko sa kaniya. Anong ginawa ko? I'm just a good handsome citizen of this country na gusto siyang tulungan, maliban pa dun isa rin akong taong gusto siyang alagaan.
Alagaan o gusto mo lang mapansin ka niya dahil apak na apak na yang ego mo? Leche, kelan pa ko nagkaron ng second voice?
"What happened here girls?" Nakalapit na rin pala si Von, ang may-ari ng VJ's bar.
"Siya ang may kasalanan nito." Sabay sabay sabi nung limang babae sabay turo kay Nhica Marae. Nag-init yung ulo ko sa sinabi nila.
"Yeah, we're just protecting ourselves!"
"She slapped me, looked." Dagdag pa nung isang babae.
"Kinalmot niya yung mukha ko."
"It's all her fault."
Aba naman!
"It was illogical! Lima laban sa isa at ang isa pa na iyon ang nang-away? Aw, come on." Hindi ko napigilang mag-init yung ulo sa narinig kong palusot ng mga babaeng yun. Their lies are obvious, wala na ba silang ibang maisip?

BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Teen FictionAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.