Oh my god! Nakakasuya na! Sa araw araw na ginawa ni God wala na akong ibang narinig mula kay Clyde kundi yung kagwapuhang sinasabi niya. -_-
Ay ako nga pala si WEYA, ang diary ni Clyde. Hindi ko na matake yung sinusulat niya eh kaya magbubuhos muna ako ng saloobin.
Pero in fairness naman kasi sa kumag na yun, gwapo nga naman talaga siya ang problema lang masyado niyang ipinagmamalaki. -_- At masyado rin kasi siyang hinahangaan ng mga kababaihan.
Palagi niya akong isinasama papasok ng university nila kaya naman araw araw kong nasasaksihan kung paano siya hangaan ng mga kababaihan at kung paano siya makipaglandian. Hindi naman siya yung laging pumi-first move, nagpapaka-gentleman lang ang loko kaya walang tinatanggihan. Tofu! Gentle-dog!
Pero buti na lang may isang taong nakatanggi sa kaniya. Kaya ayun si Yummy Clyde, nababaliw na. Hindi na alam kung anong gagawin niya mapansin lang ni Nhica. Dati pagdating niya sa bahay, haharapin niya agad yung cellphone niya pero ngayon ayun tulala, tulala sa kagandahan ko.
Hays kung nakakapagsalita lang ako, sinigawan ko na siyang wag akong tititigan eh baka kasi mainlab ako sa kaniya. Megaaahd! Ambisyosang papel lang ako.
Hay Clyde, tiyaga lang at continue to be yourself baka sakaling mapansin ka na niya. Walang aayaw diba? Di bale kapag tuluyan ka niyang binasted, nandito lang ako. Ready kang saluhin.
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
أدب المراهقينAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.