Entry 13: August 03, 2014

392 46 23
                                        

After that incident sa bar, mas buo na ang loob ko ngayon na maging girlfriend si Nhica Marae. Buong pagkatao ko na ang nakataya dito. Ako si Clyde Joseph Cortez, the certified casanova playboy heartthrob, wala pang babaeng nakatanggi sakin at hindi si Nhica Marae ang makakasira ng record ko.

Tapak na tapak na nila tol yung pagkalalaki ko kaya naman simula sa araw na to, gagawin ko na talaga ang lahat para maging girlfriend siya. Lahat sila nakapusta na hindi ko siya mapapasagot. Yung pusta na lang ni tol Kyle ang hinihintay ko.

Kailangan ko ng gumawa ng matinong hakbang para mapasagot siya.

Paano ba? Sa mga nabasa ko may steps silang ginagawa. So ako din, gagawa ako ng sarili kong steps. Basta ang goal ko maging girlfriend ko siya.

*kuha ng papel at ballpen*

Steps to Get Nhica Marae's Heart

1. Magpacute.

Hindi na nga pala effective yan. Anong klaseng pagpapansin ba yung gagawin ko sa kaniya?

1. Daanin sa dahas.

Kung ayokong mabawasan yung kagwapuhan ko, hindi ko itutuloy to. The last time I did this eh she just kicked my balls. Tapos nung nilapitan ko lang siya ng sobrang lapit eh sinampal niya naman ang mala-anghel kong mga pisngi.

1. Magpapansin.

Pansin na pansin niya naman ako kaso kakaiba lang yung reactions niya eh. Alam ko namang hindi niya mareresist yung kagwapuhan ko kaso ang lakas ng defense niya. O baka naman gusto na niya ko? The more you hate, the more you love.

Tamaaa! Gusto na niya ko. At kailangan ko lang iparealize sa kaniya yun. Sa paanong paraan ba? So pwede na yang magpapansin ng magpapansin.

After kong magpapansin, ano na? Kailangang tumatak sa kaniya ng mga pagpapapansin ko.

2. Mangulit.

Hindi lang basta magpapansin, dapat sa twing napapansin niya ko nakukulitan siya para magsawa na siya sa kadedeny na crush na niya ko. Tamaaa! Bat ang tali-talino ko? Grabe ako na talaga eh! Gwapo, matalino, mabait at ubod ng yaman.

Ano pa ba? After ng combo kong magpapansin at mangulit ano ng next?

Baka naman hindi ko na kailangan ng next step kasi bibigay na siya. Aba naman kapag ako ang nangulit sa isang babae, walang hindi nakaka-oo. Maski nga teacher pag kinulit kong aabsent ako, okay lang eh. Napapapayag ko. O kaya kahit wala akong assignment.

Sa mga matandang dalaga lang naman hindi tumatalab yung charm ko. Sa twing nakikita siguro nila ako sobra silang nanghihinayang na bakit ang tanda na nila samantalang may isa palang kagaya ko ang matatagpuan nila. Napakaswerte talaga ng generation kung saan ako pinanganak. Biruin mo, nakasabay nila sa generation nila yung taong pinakagwapo sa lahat ng nilikha ni Lord. Lord, thank you sa pagmumukha kong to!

Anyway, mabalik tayo sa plano ko. Grabe naman kasi, kapag kagwapuhan ko na yung topic, hindi ko mapigilang magpakahumble eh. Ang hirap naman kasing itago yung kagwapuhan ko. Baka pag sinabi kong "Di naman ako gwapo" eh masabihan ako ng hambog. Edi magsasabi na lang ako ng totoo, honesty is the best policy nga diba?

Oayan, nawala na naman ako diba?

Papalitan ko yung title. Dapat yung tipong maka-Law of Attraction yung dating. Ano bang maganda?

STEPS TO GET MY NHICA MARAE <3

Ayan! Mas maattract ko ang goodvibes! Law of attraction come to Papa Clyde. I want Nhica Marae.

Bukas na bukas din, dadamoves na ko agad! Susunduin ko siya sa klase niya. O kaya magpamiss ako? Pwede pwede.

=•=•=•=•=•=•=•=

Today's Lesson: Think positive, walang aayaw.

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon