Entry 9: July 24, 2014

479 54 12
                                    

Two days after the acquaintance party. Two days after I got rejected. Two days of thinking a way how to break the wall she built between us. This time, hindi ko na siya pakakawalan.

Three hours akong nagbabad sa banyo, 15 minutes nagtoothbrush, sampung minutong tinitigan ko yung uniform ko, ayos naman, walang gusot. 20 minutes nag-ayos ng buhok, trenta minutos tinitigan ang sarili ko sa salamin. Paksyet! Kahit naka school uniform lang ako, lutang na lutang ang kagwapuhan ko. Palabas n asana ako ng kwarto ko ng mapatigil ako, mas bagay ang itim na sando kesa sa puti. Dali-dali akong nagpalit. Tignan ko lang kung sino ang hindi mapapatingin sa kagwapuhan ko. Syempre I have to look normal, baka isipin naman ng mga tao na sinapian ako ng masamang espiritu, kaya I unbuttoned the upper buttons of my uniform. Damn! Bakit ang gwapo gwapo ko? Ramdam ko na ang tagumpay.

Habang nagda-drive, hindi ko mapigilang ngumiti. Sa gagawin ko, siguradong hindi na siya makakahindi sakin.

Pagbaba ko ng motorbike at pagkahubad ng helmet, rinig ko na agad ang hiwayan ng mga kababaihan. Kung ang parking lot ang pinakatahimik na lugar, ibahin niyo sa university namin. Umaga pa lang, naghihintay na ang mga babaeng nahuhumaling sakin. Pampagoodvibes kaya tong itsura ko. Hindi naman ako masamang tao kaya naman, sinalubong ko din sila ng ngiti at kindat. Syempre konting akbay na rin.

"Girl! Nakita mo yun? Nginitian ako ni Fafa Clyde!"

"Gosh! Amoy pa lang, ulam na."

"Like OMG. Nakita niyo yung braso niya? Ang biceps, yummy!"

"Akin ka na lang Fafa Clyde!"

"Hi Clyde! I'm Lyndel, I can be your girlfriend today," sabi ng isa sa kanila sabay kapit sa braso ko. She's pretty. Nasobrahan nga lang sa make-up. Kung wala lang akong plano ngayon, pwede na siyang maging girlfriend ko. Sayang. Ang dami ko ng namimiss.

Huminto ako sa paglalakad at tinitigan yung babae, I act as if hinayang na hinayang ako na hindi siya makakasama ngayon dahil may mahalaga akong gagawin. Inilapit ko ang mukha ko sa bandang leed niya then I whispered, "Sorry, have to do something important later Babe. Is it possible if we could meet next time? You know where to find me," sabi ko sa kania. Lumayo ako at kinindatan siya. Para siyang nabato sa kinatatayuan niya, tsk tsk, see that? Ganian ang epekto ko sa mga kababaihan. I'm one of the best guy in the whole world, maihahanay ako kila Tom Cruise, Brad Pitt, Ian Somerhalder, Chace Crawford at sino pa bang sikat? Basta, konting maturity pa mauungusan ko pa sa kagwapuhan yung mga yun.

Nagpaalam na ako sa mga fans ko at nagtungo na sa Engineering Department. Nung malapit na ko sa pupuntahan ko, tineks ko muna si dude Mackey, siya lang ang kasabwat ko ngayon dahil wala si tol Kyle.

Dude, lapit na me.
Text sent.

One message received: Dude Mackey
Sigurado ka jan?Mukha siyang mangangain ng tao ngayon.

Oo dude. Wag ka mag-alala, makita niya lang ako ngayon, sasaya na siya.
Text sent.

Hindi ko na hinintay pa ang reply ni Dude Mackey, nagdire-diretso na ko sa pintuan ng klase nila. Agad kong natanaw si dude Mackey at ang babaeng nasa harapan niya. Ayos! Mapapadali ang plano ko. Tinext ko agad si Dude Mackey na nandito na ko sa harap. Nakita kong napangisi siya at kinalabit na si Nhica Marae. Natawa ako sa pagbabago ng reaksyon niya. Ang bilis talaga mairita ng babaeng to. Dibale Nhica Marae, ilang segundo na lang, magliliwanag na ang buhay mo.

Paglingon niya sa kinaroroonan ko, isang mapang-akit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya, sabay kaway. Mula sa pagiging mala-anghel na itsura niya kanina para siyang naging witch sa sobrang pagkakakunot ng noo at saka iniwan tumingin na ulit sa prof. Tulad ng inaasahan ko.

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon