Dear WEYA,
Inaantok na ako dahil ang aga kong gumising kanina para ihatid sa bahay nila iyong kapatid ni Nhica Marae at syempre para sunduin na rin siya.
Hay. Feeling ko nga nabawasan iyong kagwapuhan ko dahil late na ako nakatulog kagabi tapos ang aga ko pang gumising, pero hayaan mo na nga at least nasundo ko si Nhica Marae.
Matigas ang ulo niya pero cute pa rin naman siya. After what happened yesterday, alam kong nahihiya siya sa akin kaya naman ginawa ko ang lahat para iparamdam sa kaniya na wala siyang dapat ikahiya sa napakagwapo kong sarili.
Sabay kaming pumasok kanina gamit ang motosiklo ko. Kung araw-araw ko ba naman siyang makakasama sa pagpasok, ayos lang na mapuyat ako. Mga .001% lang naman ng kagwapuhan ko iyong mababawas.
Muntik pa nga pala akong mapaaway kanina dahil may unggoy na nangulit kay Nhica Marae. Tss. Ang sarap sapakin. May pasabi-sabi pa siyang gusto niya si Nhica Marae, sarap iumpog sa muscles ko eh. Ito naman kasing si Nhica Marae, hindi na lang ako tinext kung namimiss niya ako eh. Nagpunta pa siya sa department namin. Well, hindi ko talaga alam kung bakit siya nagpunta sa department namin pero iisa lang ang gusto kong paniwalaan na namimiss niya ang napakagwapo kong mukha.
At alam mo ba WEYA? I even called her 'Mahal' medyo ano eh, hmm.. paano ko ba ie-explain? Parang ano kinikiliti iyong pwet ko sa sobrang saya. Ay basta, if this is kilig then let it be. Sorry na, ngayon ko lang na-feel eh.
Nasaktan nga rin pala ako kanina. After ko siyang pilitin na sumama sa akin mag-lunch, ayun I confirmed one thing. She likes him. Of all fast food chain doon rin kasi napili ng buong tropa na kumain. Hindi ko alam na nandoon sila. At first gusto kong ilayo si Nhica Marae dahil nandoon si Grendle pero ewan ko ba sometimes I acted like a jerk. Doon ko pa siya pinaupo sa harap ni Donita at Grendle. Gusto ko lang naman ipa-realize sa kaniya na ako na 'yung gusto niya at hindi si Grendle. Na mas gwapo ako, na mas lamang ako, na ako lang ang pwede at hindi si Grendle. But I ruined the moment, she walked away. And it hurts me.
Nhica Marae, ayaw kitang pilitin sa mga bagay na hindi mo gusto even sometimes nasasaktan na ako.
Aist. Alam mo ba muntik na naman siyang mapaaway dahil sa akin. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo ko? Iyong mga babaeng nahuhumaling at obsessed sa akin eh palagi na lang siyang pinag-iinitan. Kung hindi ko pala siya sinundan pagkatapos niyang mag-walk out malamang, may pasa na naman siya.
What to do? Being with me may hurt her but still it's the only way to protect her. Ironic, right?
Because I wanted to protect her, I kissed her in front of those girls. And I made myself clear sa lahat ng taong nakakita na walang pwedeng manakit sa kaniya kundi patay sila sa akin.
WEYA, valid ba 'yung reason niya? Alam mo rin bang sinabi niya na layuan ko na siya dahil babaero ako. Kaya ayaw niya sa akin dahil palagi na lang siyang napapahamak kapag lumalapit siya. Hindi ko naman kasi kayang pigilan 'yung damdamin ng ibang taong humahanga sa akin. Grabe hindi ko inakalang magiging sakit sa ulo ang pagiging gwapo. Deym.
WEYA ito na yata talaga. I'll surrender my heart.
~*~
Boto lang ng boto :) Thank you!
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
JugendliteraturAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.