Mahirap umaktong ayos ka lang kung ang totoo naman eh nahihirapan ka na.
Nahihirapan ako saan?
Hindi ako mapalagay sa sinabi ni Nhica Marae kanina.
Totoo man o hindi yung sinabi niya, nagkaroon pa rin ng epekto sakin.
Wala sa beat na pinaghahampas ko yung drumset na nasa harapan ko. Dala marahil ng frustrations ko dahil sa nangyari kaninang tanghali. Nang medyo maibsan yung inis na nararamdaman ko, tumigil ako sa paghampas. Naiinis ako. Naiinis ako sa nangyari.
"Clyde, inom ka muna ng malamig na iced tea. Baka masira na ang drums ko niyan." Napatingin ako kay Grendle. May hawak siyang isang basong iced tea.
Nasa music room kami ng bahay nila Grendle. Pagkatapos ng mga klase naming napagpasyahan naming tumambay muna rito at magjamming.
Kinuha ko yung basong iniabot ni Grendle. Nagpapawis 'yon sa dami ng yelo.
"Okay ka lang?" Tanong ni Grendle. Naupo siya sa amplifier na nasa gilid ko.
Tinanguan ko lang si Grendle. Wala ako sa mood makipag-usap. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari.
Itinuon ko ang pansin ko sa mga kaibigan ko para hindi na ulit magtanong pa si Grendle. Sina Aser at Mackey ay abala sa paglalaro sa ipad ng mga ito. Malamang nagpapataasan na naman sa pagkain ng mga utak sa Zombie Tsunami. Si Kyle naman ay nakahilata sa sofa. As usual, tulog na naman siya habang may nakasalpak na earphones sa tenga niya.
"Hindi ba tayo tutugtog?" Baling ko kay Grendle.
"Hindi muna. Wala ka sa mood eh. Which is unusual. Baka gusto mong pag-usapan yang problema mo? Ngayon ka lang nagalit ng ganian sa drums."
Hay bakit nga ba kasi?
"Si Nhica Marae kasi..."
"What about her?"
Isang buntong hininga na naman ang kumawala sakin. Inilapag ko yung baso sa sahig dahil baka mabasag yun sa sobrang higpit ng hawak ko. Unti-unti na namang tumataas ang pagkainis na nararamdaman ko.
"Imagine, tol? Mas pipiliin niya pa raw si Sean kesa sakin! Eh talino lang naman ang lamang sakin niyon! Sa gandang lalaki, walang wala sakin yun!" Para akong bombang sumabog.
"Si Sean Navarro?" takang tanong ni Grendle.
"Oo, 'tol!"
Nakitang umangat ang labi ni Grendle, tila nasisiyahan pa sa nangyari. Lalo tuloy akong naasar.
"Sinabi niya ba mismo sayo na si Sean ang pinili niya?"
"Oo. Dinig na dinig ko. Tapos, ipinagtanggol niya pa sa akin ang lalaking iyon! Tsk! Uupakan ko na talaga ang Sean na yon kapag nagkita kami."
"Chill ka lang Clyde," natatawang sansala ni Grendle. "Mabait is Sean. Kausapin mo lang iyon at baka tulungan ka pang dumiskarte kay Nhica."
"Paano kung interesado din siya kay Nhica Marae?"
"I think, wala pang balak sa mga ganiang bagay si Sean. Mas mahalaga pa roon ang pag-aaral kesa ang panliligaw. Minsan nang niyaya iyon nila Donita at Krizhia na sumama sa outing natin pero hindi sumama dahil hindi maiwan ang mga tungkulin sa school."
Kaibigan ng girlfriends ng mga tropa ko si Sean, kaya naman paminsan minsan naririnig ko na siya sa mga ito.
Saglit na pinag-isipan ko yung sinabi ni Grendle. Sabagay mukhang tama naman yung sinabi ni Grendle.
"Sabagay, may point ka dyan 'tol." Pagsang-ayon ko.
"Seryoso na ba yan, Clyde? Ngayon lang kita nakitang na-insecure ng ganian. Ang akala kong pinoproblema mo ay ang tungkol sa Daddy mo. Mali pala ako."
Natigilan ako sa sinabi ni Grendle. Wala akong pakialam sa pinaggagagawa ng Daddy ko sa buhay niya. At sinabi niya bang insecure ako? Kanina? Kay Sean? Omaygaliwow. Sa gwapo kong to, mai-insecure ako? Kung makikita lang ako ni Brad Pitt, maiinsecure sa kagwapuhang taglay ko. Hindi ko tuloy napigilang tumawa.
"Hindi ako insecure sa lalaking yun! Langit ako, siya nandito lang sa Earth. Kalokohan yang sinasabi mong nai-insecure ako 'tol Grendle."
Hinawakan ko na yung drumstick ko at nagsimulang tumugtog ng simpleng beat.
Wala sa bokabularyo ko ang salitang ma-insecure. Ako si Clyde Joseph Cortez. Ang kinaiinggitan, pinagseselosan at kinaiilangan ng ibang lalaki.
"Sabi mo eh. Wala na kong masasabi jan. Okay lang naman maging in-denial paminsan-minsan."
Nilingon ko siya. Patayo na siya par asana tawagin yung ibang kabanda namin ng bigla akong magsalita.
"One more thing, 'tol. May ipapakiusap sana ako sayo."
"Ano 'yon?"
"Huwag kang magpapakita kay Nhica Marae."
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Ficção AdolescenteAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.
![[On-Going] Diary ng Casanova](https://img.wattpad.com/cover/36082412-64-k491468.jpg)