Entry 10: July 29, 2014

443 47 11
                                        

Hindi maalis sa isip ko yung usapan namin ni Dude Mackey. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na nainis ako sa pagtawag ni dude kay Nhica Marae ng nerd. Ano bang nangyayari sakin? At for the first time in my kagwapuhan, nasabi kong nanliligaw ako sa isang babae at hindi lang basta nanglalandi.

Damn. Ano ba to? Nachachallenge nga lang ba ako or may something na? And I can't tell yet what is that something. Never felt this way before. Shems. Lakas makabakla naman oh.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Uwian na. At sinadya kong ayain ang mga tropa na sa harap ng engineering department tumambay. Nagbabakasakali na makikita ko si Nhica Marae. Kahit kaklase ni dude Mackey at tol Kyle si Nhica Marae, wala naman silang maitulong sakin. Asar sa kaniya si Tol Kyle at enjoy na enjoy naman si Dude Mackey sa pang-aasar sakin kaya wala akong aasahan sa dalawang yun.

Paglingon ko sa klase nila Nhica Marae nakita ko siya. Kausap niya yung professor nila. Pinagmamasdan ko siya sa malayo. Simple lang siya, walang sinabi yung porma niya sa mga naging babae ko. Hindi siya palaayos, simpleng pulbos at salamin lang sa mga mata ang tanging kulorete niya sa mukha. Yung kasimplehan niya yung bagay na umaakit sakin. Tama si Dude Mackey, she's different. Tratuhin ko na rin kaya siya iba sa mga babaeng nilalandi ko?

Iniabot sa kaniya nung prof yung sandamakmak na papel. Putspa! Hindi makatarungan ang ginawa ng professor na yun. Susundan ko siya. Pagkakataon ko na.

"Mga tol, una na ko." paalam ko sa kanila na siya namang sabay sabay nilang iningiti.

"Naks! Pagbutihin mo yung pagseseryoso mo tol," sabi ni Aser.

"Pustahan, basted na naman siya ngayon," walang kaamor amor na sabi tol Kyle.

"Dude! Good luck! Nakabullet proof ka ba ngayon?" pang-aasar na naman ni dude Mackey.

"Una na ko mga tol. Susunduin ko pa si Donita. Tol, goodluck jan sa panliligaw mo," paalam naman ni tol Grendle.

"Ge mga tol, paalam! Pag hinanap ako ng mga chickababe jan, sabihin niyo may inaasikaso lang ako," yun lang at tuluyan ko ng sinundan si Nhica Marae.

Ang dami niyang dala at mukhang dun pa siya sa dulong building pupunta. Binilisan ko yung lakad ko para masabayan ko siya.

"Nhica Marae!" Tawag ko sa kaniya. Hindi siya lumingon. Mahina ba yung pagtawag ko? Inulit ko ulit. "Nhica Marae, wait!" Hindi pa rin siya huminto kaya naman binilisan ko na lalo yung paglalakad ko. Hinarang ko siya.

"Hi," bati ko sa kaniya habang pinapakawalan ang pinakamatamis kong ngiti.

"Oh buhay ka pa pala," nakaismid niyang sabi. Ang cute niya magalit.

"Iba ka talagang magjoke! I miss you too :)" madadaan ko din siya sa kulit. Nang makita kong hindi siya nagreact, inilapit ko ang mukha ko sa kaniya kaso bigla niya kong sinampal. Anak ng tokneneng. Tutulungan ko lang naman siyang buhatin yung mga papel na hawak niya na ngayon ay nakasaboy na sa daan dahil nabitawan niya ang mga ito ng bigla niya akong sampalin.

"Wala ka talagang magawang matino!" Bulyaw niya. Hala. Wala naman akong ginagawa, ako pa ngayon ang masisi. "Tignan mong ginawa mo!" Meron kaya siya kaya ganto siya kasungit? Yumuko ako para tulungan siya sa pagpupulot. "Wag ka ngang tumulong! Baka lalo lang akong maperwisyo!" Sabay tapik samga kamay ko.

"Sorry naman. Tinutulungan ka na nga kahit sinampal mo ako—"

"Sinabi ko bang tulungan mo ako? Lumayas ka nga sa harapan ko!" kitang kita ko ang pagkairita niya. Wala naman akong ginawa ah.

"Here, let us help." Nakita ko si Grendle, tumutulong na sa pagpupulot ng mga papel. Nakita ko kung paano natahimik si Nhica Marae. Nakita ko kung paano niya titigan si tol. Di hamak namang mas gwapo ako kay tol Grendle ah. Kailangan ng mapapalitan yung salamin ni Nhica Marae. Lumalabo na yung mata niya.

"Hey! Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya ng mapansin kong parang wala siya sarili. Nakatingin lang siya sa kawalan, parang nakatulala. Umalis nat lahat si tol Grendle pero parang hindi niya naman napansin. Kaya naman nagpapansin na ko ng todo. Iniharang ko ang gwapo kong mukha sa harapan niya.

"Ano bang problema mo?" Asik niya. Pinameywangan pa ako.

"Last time, you kicked my balls. Now, you slapped me. Nakakarami ka na ah!"

"You deserved it. Saka sino bang may sabing lapitan mo ko?" Mataray niyang tanong.

"Mag-sorry ka na lang. Dami mo pang sinasabi." Tinitigan ko siya. Wala akong mabakas na awa sa mukha niya.

"Never!" Kasabay nun ang paghablot niya ng nakarolyong papel sakin pero mas maagap ako kaya naman naiiwas ko.

"Look at my face. Ang sakit ng sampal mo. Muntik ng madeform ang kagwapuhan ko," medyo seryoso kong sabi sa kaniya. Sa totoo lang, malakas talaga yung pagkakasampal niya kaya naman namumula yung mga pisngi ko.

"Mabuti nga sayo nang mabawasan naman yang kayabangan mo!"

"Mag-sorry ka na!" Nag-eenjoy ako sa nangyayari.

"Ayoko."

"Oh sige, ikiss mo na lang ako. Lahat ng atraso mo sakin, buburahin ko na," hindi ko maiwasang mapangiti sa naisip ko.

"Sapak, gusto mo? Wala akong atraso sayo! Akina nga yangmga plates, baka pati yan isumbat mo pa sakin," pilit niyang inaagaw yung mga plates kaya naman itinaas ko ito. Walang paraan para maabot niya. Hanggang balikat ko lang siya kaya naman sure akong hindi niya to maaabot kahit na tumalon talon pa siya sa harap ko gaya ng ginagawa niya ngayon. Nakakatuwa siya. Nakaka-amaze din in some way.

"San bang punta mo at napakarami mong dala?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala ka na don."

"Oh sige, hanggang mamaya tayo mag-agawan" i saw her eyes na namilog sa inis. Nagulat ako ng bigla niya kong kwinelyuhan. Napakabayolente talag ng babaemg to.

"Clyde,kapag hindi mo ibinigay sakin ang mga yan, uuwi ka ngayon ng mata lang ang walang latay," tama ba yung narinig ko? Tinawag niya ko sa pangalan ko? Sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa mga labi ko na sa palagay ko ngayon ko lang nabitawan sa tanang existence ko sa mundong ibabaw.

Iniabot ko sa kaniya yung mga plates. Nakita kong para siyang naguluhan, nginutian ko ulit siya at hinayaan na.

Gwapo ko talaga! Unti unti na niya kong napapansin. She even called me at my name. Ang sarap pakinggan. Bagay na bagay yung boses niya sa napakagwapo kong pangalan.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

"I forgot something that I should've told you," sabi ko sa kaniya habang takang taka siyang nakatitig sakin. Sinundan ko kasi siya kung san siya nagpunta. May nalimutan akong sabihin kanina.

"Kung kalokohan yan, wag mo ng sabihin. Kung ayaw mong makatikim sakin" grabe ang sungit talaga niya.

"I will say it anyway,"

"Sira—" hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya.

"You should say my name often. Cause I like the way you say it," hindk ko na hinintay pang magreact siya. Tinalikuran ko na siya dahil hindi ko mapigilan yung saya na nararamdaman ko. Tawagin niya pa lang ako sa pangala ko, masaya na ko paano pa kaya kung ... Hay bahala na :) Time will come.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Today's Lesson:

Let love find you. (Hehe. Nabasa ko sa likod ng taxi)


Tingin niyo ba, gusto na din ako ni Nhica Marae?

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon