Entry 24:

353 23 2
                                    

WEYA, hindi ako makatulog. Ganito ba kapag in love? In love nga ba ko? Masyado akong masaya. Masyado akong naeexcite sa mga susunod na mangyayari samin ni Nhica Marae. Ayoko na ngang matulog eh, gusto ko nang mabukas, kung hindi ko lang inaalala na magkaeyebags yung magaganda kong mata hindi na talaga ako matutulog.

WEYA, okay lang kaya kung itext ko siya? Gising pa kaya siya? Parehas ko rin kaya siyang hindi makatulog? Hayaan mo na, ititext ko pa rin siya. Ano bang magandang sabihin? Good morning kaya? Para unang message na mababasa niya paggising niya. 

Goodnight <3

Better, right? A simple goodnight. Sana mapangiti siya kapag nabasa niya.

Hu u?

Wow! Gising pa siya! Shet na malagket. Anong irereply ko sa kaniya? Putik, ngayon lang ako naubusan ng irereply. Kinakabahan ako, WEYA. Tawagan ko kaya siya? Pero anong sasabihin ko? Juskolord, tulungan Niyo po ang kagwapuhan ko.

Tatawagan ko siya.

~*~

Phone Call Conversation:

Nhica Marae: Hello?

Clyde: Good morning! Bakit gising ka pa? *umayos ng pagkakaupo*

Nhica Marae: Sino to?

Clyde: Your guardian angel. *napakamot sa batok*

Nhica Marae: HA-HA. Gusto mong sumakabilang buhay na?

Clyde: Ibang klase ka talaga Nhica Marae! Boyfriend mo to, este, soon to be. *napangiti*

Nhica Marae: Hindi kita kilala. Huwag mo akong tatawagan!

Clyde: Wait! Huwag mong ibababa, hindi ka na mabiro. Si Clyde Joseph Edralin Cortez to. At your service, mademoiselle. *kinakabahan, nilalaro laro yung dulo ng kumot*

Nhica Marae: San mo nakuha number ko?

Clyde: Kay Kyle. Actually, matagal ko nang nakuha sa kaniya. Kaso ngayon lang nagkalakas ng loob magtext at tumawag.

Nhica Marae: Ikaw? Di nga? Di ba punong puno ka ng lakas ng loob?

Clyde: Oo. Pero iba pagdating sayo, eh. *kamot batok ulit*

Nhica Marae: Bakit ka tumawag?

Clyde: Hindi ka kasi nagrereply. Tumawag na ako. Wala ka bang load? Pa-load-an kita. *tumayo*

Nhica Marae: No need. Marami akong load. May.. ano.. may ginagawa ako.

Clyde: Hatinggabi na ah. Huwag mo masyadong i-stress ang sarili mo. Ano ba yang ginagawa mo? Mas mahalaga ba yan sa pagpapahinga? *nagpalakad-lakad sa tapat ng salamin*

Nhica Marae: Ah.. ano.. assignment. Oo, assignment sa Trigo namin.

Clyde: Ako na lang ang gagawa. *kinalkal yung bag/hinahanap yung libro niya ng Trigo*

Nhica Marae: Huwag na. Baka wala pa akong maitama. Matulog ka na nga.

Clyde: Inaantok ka na ba? *tumigil sa paghahanap/umupo sa kama*

Nhica Marae: Oo.

Clyde: Hindi oo. Bakit. Pick-up line to. *napapangiti sa naiisip*

Nhica Marae: Ewan ko sayo, bye na.

Clyde: Nhica Marae, wait! *napatayo bigla tapos umupo ulit*

Nhica Marae: O, bakit?

Clyde: Wala lang, maganda pala ang boses mo sa phone. *nagdalawang-isip sa pick up line na sasabihin*

Nhica Marae: Ikaw din.

Clyde: Really?! *nag-iikot sa kama/kinikilig*

Nhica Marae: Hindi. Joke lang yon.

Clyde: Hmm. Don't worry alam ko ng gwapo pati boses ko. Okay lang yan. *lalong lumawak yung ngiti*

Nhica Marae: Ang yabang mo.

Clyde: *chuckling*

Clyde: Nhica Marae, nandyan ka pa ba?

Nhica Marae: Hmm

Clyde: Inaantok ka na yata, ibababa ko na. *nahiga sa kama*

Nhica Marae: Huwag..

Clyde: *napabangon ulit sa kama/nabigla sa sinabi ni Nhica*

Nhica Marae: I-I mean.. sige na nga. Bye na.

Clyde: Waiiit! *nagpanic*

Nhica Marae: Bakit?

Clyde: Susunduin kita bukas ha. *napakamot sa batok*

Nhica Marae: Mapipigil ba kita?

Clyde: Hindi. Gusto ko lang malaman mo. *nakakagat-labi/kinakabahan*

Nhica Marae: Magaling ka rin palang kumanta.

Clyde: Hindi naman. Slight lang. Ganon talaga kapag gifted. *parang sinilihan yung pwet sa kilig*

Nhica Marae: Kaya pala abno ka.

Clyde: *humagalpak sa tawa*

Nhica Marae: Clyde?

Clyde: Hmm?

Nhica Marae: Can you..

Clyde: What is it? Hindi mo naman siguro ako pagbabawalang tumawag sayo, right? *nahiga ulit sa kama*

Nhica Marae: Hindi. Bakit ko naman gagawin yun?

Clyde: Ewan ko. Just to make sure. Ano nga ulit yung gusto mong ipagawa sakin? Kahit ano pa yan, gagawin ko para sayo, Nhica Marae. *humiga ng diretso, inilagay yung kanang kamay sa ilalim ng ulo niya*

Nhica Marae: Ano.. ah.. P-pwede ka bang kumanta ulit?

Clyde: Ha? Off course! Yun lang ba? Anong gusto mong kanta? *napaupo ulit sa kama*

Nhica Marae: Kahit ano.

Clyde: *nag-iisip mga 30 seconds* Okay. Alam ko na.

When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace

Clyde: Nhica Marae, ayos lang ba boses ko? Walang tugtog baka mahalata mong pangit boses ko.

Nhica Marae: Okay lang. Ituloy mo na.

Clyde: *tumikhim*

And now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold and it breaks through my soul
And I know I'll find deep inside me I can be the one

I will never let you fall (let you fall)
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all (through it all)
Even if saving you sends me to heaven

It's okay. It's okay. It's okay.
Seasons are changing
And waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I'll be the one

Clyde: Nhica Marae? .. Tulog ka na? .. Goodnight. Mahal na talaga kita. 

~*~

WEYA, I can be the one naman diba?

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon