Entry 21:

314 32 26
                                    

Dearest WEYA,

Kanina pa ko pabaling baling sa higaan pero hindi ako makatulog. T_T Tama ba yung ginawa ko? I said 'no' to her. Iyon lang naman ang kailangan ko hindi ba? Iyon lang naman ang gusto ko. Bakit when she said 'yes' it doesn't feel right? Did I offend her by saying no? Haaay. Hirap naman ispelingin ng mga babae.

I'm getting crazier in each day na lumilipas. Lalo na sa nangyari kanina.


Flashback:

Matapos ko siyang makumbinsi kanina na dumito na muna sa bahay yung kapatid niya, ipinilit ko namang ihatid na siya sa kanila. Malalim na rin ang gabi, delikado na sa daan. Hindi naman na siya kumontra pa.

Hinatid ko siya gamit iyong motorsiklo ko. Gagamitin ko sana yung kotse kaso naisip kong baka maipit lang kami sa traffic.

"Sa baywang ko na ikaw kumapit," pabiro kong sabi kay Nhica Marae nang makaangkas na siya sa motor. Nagulat ako ng kumapit nga siya sa baywang ko. Totoo ba to? Ni hindi man lang siya nagreklamo.

Nang maramdaman kong komportable na siyang nakaupo, pinaharurot ko na agad yung motor ko. Mga 30 minutes din bago kami makarating sa kanila kung bibilisan ko yung pagpapatakbo pero isang oras kung normal speed lang.

She slid closer to me when I suddenly stop. Hinihintay ko siyang umusog palayo pero hindi niya ginawa. It feels like heaven. Ay putspa. Ewan.

"Clyde! Can you slow down?" sigaw niya ng pinaharurot ko na ulit yung motor. "Baka madisgrasya tayo!"

Nilingon ko siya ng bahagya.

"Don't worry! Maingat akong mag-drive! You're safe with me!"

Pero imbes na bagalan, mas pinabilis ko pa yung takbo at saka nag-over take sa kotseng nasa harap namin.

"Clyde!"

Natawa ako sa reaksyon niya. Ramdam kong nanigas siya sa kinauupuan niya, kaya naman binagalan ko na yung takbo.

"Sorry. Nasanay lang ako na mabilis mag-drive."

"Talaga lang, ha? Eh, bakit nang una mo akong ihatid, hindi ka naman nagmamadali? May lakad ka pa ba ngayon? Ha? Gabi na ah!"

"Inaalala mo rin pala ako, Nhica Marae. Don't worry, ang paghatid sa iyo ang huli kong lakad ngayong gabi. Huwag ka nang magselos." Napapansin niya rin naman pala ako eh. Naalala niya pa yung unang paghatid ko sa kaniya.

"I ride my motorcycle fast because I like the way you hold me." Inunahan ko na siyang magsalita kesa naman sigawan niya ako ulit. Inaasahan kong tatanggalin niya iyong pagkakahawak niya sa akin dahil sa sinabi ko but she stayed her arms around my waist.

"Baliw ka talaga, ano? Paano kung madisgrasya tayo? Gabi pa naman."

"Alright. I'm sorry. Huwag ka nang magalit d'yan."

Naging mabagal na ang pagpapatakbo ko.

"Nhica Marae?" pasulyap-sulyap ako sa side mirror para makita siya.

Nagtama yung paningin naming ngunit hindi siya sumagot kaya naman nagsalita na ako ulit.

"Palagi bang naglalasing ang kapatid mo?"

"Ah... H-hindi." Is she stammering?

"Baka may problema siya ngayon?"

"Wala siyang sinasabi."

Magsasalita na sana ako ulit ng bigla siyang magtanong.

"Nanliligaw ka ba talaga sa akin, Clyde?"

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon