It's been a week since nakilala ko si Nhica Marae. Or more than a week. Di ko na maalala.
At sa araw araw na ginawa ng Diyos, palagi na lang niya kong sinusungitan sa tuwing makakasalubong ko siya. Osige, aaminin ko na, sinasadya ko talagang magkrus ang landas namin. Paano ba naman habang ang lahat ng mga kababaihan eh halos mamatay na sa kilig kapag nakikita ako, siya naman halos mamatay na sa init ng ulo.
Wala naman akong masamang ginawa sa kaniya ah. Maliban sa ngitian siya ng ngitian at banatan ng banatan wala namang nakakairita sa ginagawa ko ah. Meron ba? Aba! Pasalamat nga siya kasi binibigyan ko siya ng oras.
Mapapaamo ko din siya. ^_^ Siguro naiilang siya sa kagwapuhang taglay ko kaya ganun. Masyado siyang nagpapakipot. Kaya ko naman siyang saluhin sa saglit na panahon kapag nahulog siya ah.
Acquaintance Party.
Nagkagulo ang lahat nang matapos ang performance namin kanina. Hindi magkamayaw ang mga tao sa kahihiyaw. Hindi sa pagmamayabang pero maliban kay Grendle na siyang bokalista namin, ako na ang may pinakamaraming fans. Ang charming ko kasi masyado! Alam ko namang kapag tumutugtog ako, I can be hotter than the sun yet cooler than the ice.
"Ang gwapo mo Clyde!"
"Ang hot mo talaga Clyde!"
"Akin ka na lang Clyde"
"Pansinin mo naman ako Fafa Clyde, kahit ngayong gabi lang!"
Those words are too common but I appreciate it. It's the least thing that I can do for my fans. Ang motto ko kasi, always appreciate the people surrounding you. Kaya eto ako, Ialapit sa mga fans ko. Konting ngiti at pacute lang naman masaya na sila. I'm in the middle of flirting este entertaining my fans when I saw Nhica Marae. She's standing there, watching the performance of Sinner Saint Band. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nilapitan ko siya.
"Hey!" bati ko sabay akbay sa kaniya. I flashed my most seductive smile, yung tipong kahit insekto napapasyet sa ngiting yun. But then again, there she goes, inirapan at sinimangutan lang ako. Medyo napipikon na ko sa isang to but I tried to make my voice gentle and happy, "It's nice to see you here Nhica Marae! How are you?"
"Ngayon, hindi na okay," nakaismid niyang sabi na halatang halata na sa mukha niya yung pagkairita. To my amusement in her reactions naisipan ko pa siyang asarin lalo.
"Why? Do you feel Goosebumps because of me?" pilyo akong ngumiti sa kaniya. Nakaakbay pa rin ako kaya sa kaniya kaya naman ramdam ko ang reaksyon niya.
"Ikaw? Hindi ka ba nakakaramdan ng goosebumps sa sinasabi mo?" walang kangiti-ngiting saad niya habang tinatanggal ang braso ko mula sa pagkaka-akbay sa kaniya.
Patuloy lang ako sa pagpapacute sa kaniya, na-aamaze talaga ako sa babaeng to dahil ang galing niya magtago ng kilig. Inilagay ko ang isang kamay ko sa baba ko at umaktong nag-iisip, syempre sa pacute na paraan. "Hmm, hindi e. Wala namang masama sa sinabi ko. It's just normal to feel that way towards me, you kno-."
"Ang yabang mo talaga, ano? FYI lang Mr. Hotshot, hindi lahat ng babae natutuwa sayo at sasambahin ang ipinagyayabang mong kagwapuhan!" she was so irritated. I like her. Siya yung tipo ng babaeng palaban. I'm really wandering how she's hiding her kilig sakin.
"I think, you were wrong baby. Sino bang makakatanggi sa gandang lalaki ko?" proud kong sabi. Ang tagal naman niyang bumigay. Konting flirt pa.
"Talaga? I am proud to nominate myself!" I was dumbfounded by what she did. Hinatak lang naman niya ang lapel ng leather jacket ko. "HINDING-HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA'YO! KAHIT ILANG DAANG BESES KA PANG MAGPACUTE SAKIN!" She was so serious habang sinasabi niya ang mga katagang yan. Sa panahong sinunsundan ko siya, ngayon ko lang siyang nakitang ganto kaseryoso. Ibig sabihin, talagang naiirita siya sakin? Buong buhay ko ngayon lang ako nasigawan ng babae! Anak ng putspa! Ngayon lang ako natanggihan. At hindi ako makakapayag. Kung hindi madaan sa pagpapacute, well sa gagawin ko tignan lang natin kung di siya maapektuhan.
Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Sobrang lapit. Yung tipong isang maling galaw na lang, magtatama na yung mga labi namin. Napaatras siya pero hindi sapat para makalayo sakin. An inch away, maybe. Nagdiwang ang kalooban ko. Sinasabi ko na nga ba. May epekto rin ako sa kaniya. Awtomatikong lumabas ang isang pilyong ngiti sa mga labi ko, "We'll see that baby. Palalagpasin sana kita. Pero wala naman sa mga kaibigan ko ang may gusto sa'yo o ang gusting maging girlfriend ka. So, it leaves you to me," I said huskily.
Nang makabawi siya mula sa ginawa ko, isang sigaw na naman ang natanggap ko sa kaniya, "You will fail Mr. Hotshot. Itaga mo yan sa bato!"
Syempre hindi ako magpapatalo, "Hmm. I like it everytime you call me "Hotshot." Although I prefer you to call me "honey" or "ba-" bago ko pa man matapos ang sinasabi ko, tinalikuran at nilayasan na niya ako. Napangisi ako sa nangyari, "I never fail cause I never give up, baby! We'll see that!" I shouted as she walks away.
Hindi rin nakaligtas sakin ang kurba ng katawan niya, though she's kind of a nerd may tinatago naman pala siyang ganda. Sa sobrang pagkasimple niya, lumabas yung ganda niya.
Wala naman talaga akong balak kulitin siya. Kundi lang talaga ako naapektuhan sa pag-iwas at pagtataray niya sakin. Ngayon lang ako nakaranas na pagsungitan ng isang babae, kung yung prof nga namin e, isang ngiti ko lang okay na siya pa kayang kaedad ko lang? I was about to leave her alone pero hindi ko matatanggap yung huling sinabi niya. Damay na ang ego ko sa usapang to kaya wala na akong balak umatras. Wala rin naman sa mga kaibigan ko ang nagkakagusto sa kaniya so no excuse para hindi ko siya ibilang sa mga naging babae ko. One day, you'll fall for me, Nhica Marae. Walang babaeng hindi napapaamo ng isang Clyde Joseph Cortez.
Today's Lesson: Never say never.
Natuwa lang ako sa nirecord kong kanta ^_^ gusto niyo marinig? Nandun lang sa facebook account ko pakalat kalat :)
=•=•=•=
A/N: This diary is based on Ms. Syanajane's story "The Rebel Slam 4: CLYDE"
Sa mga readers na hindi ko friend sa Facebook, add niyo lang po ako :)
=> www.facebook.com/trr.clydejosephcortez
Or simply search for my name; CLYDE JOSEPH CORTEZ ^_^
Dalawa yung lalabas. Isang account and isang page. Palike na din ng page! :)
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Teen FictionAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.
![[On-Going] Diary ng Casanova](https://img.wattpad.com/cover/36082412-64-k491468.jpg)