Kahit papaano naibsan ang inis na nararamdaman ko. Kahit mongoloid ang mga kaibigan kong iyon, sa kanila ko lang naman nailalabas yung nararamdaman ko.
Pagkatapos naming mag-jamming, umuwi na ako. Which is unusual. Dati rati, after naming mag-jamming sa bahay nila Grendle, yayayain ko pa si dude Mackey na magclubbing. Pero kanina, kahit anong pilit ni dude Mackey, hindi nabago yung mood ko. Naghihimutok pa rin yung damdamin ko sa sinabi ni Nhica Marae na mas pipiliin niya pa si Sean Navarro.
Pinindot ko yung intercom sa tapat ng gate naming upang mabuksan yung gate. Kapatid ko yung sumagot. "Charle, pabukas ng gate." Utos ko sa kapatid ko. "Okay!" Maya maya pa ay bumukas na yung gate. "Isara mo na rin!"
"Ayoko, Kuya!" rinig kong sigaw niya sa kabilang linya. "Isara mo na! Isang button lang naman yung pipindutin mo!" tsk tsk tsk. Ang tamad talaga ng batang yun eh.
"Kuya, kailangan mo nang exercise. Bye!" Ibinaba na niya yung kabilang linya. Napailing na lang ako. May pagkapasaway talaga ang kapatid ko na yun eh.
Pagkapark ko ng motorsiklo ko, nagtungo ako kaagad sa gate upang isara ito. Isasara ko na sana ang gate nang may makita akong magkaakbay na lalaki't babae na napadaan sa tapat. Hindi ko sana papansinin ang mga ito kaso naulinigan ko yung boses nung babae. Parang kaboses ni Nhica Marae.
Damn. Nababaliw na yata ako. T_T Lahat na lang ng maisip ko eh tungkol sa kaniya. Imposible namang mapadpad siya dito sa subdivision namin. Malayo ito sa bahay nila. Pero dahil gwapo ako, sinundan ko ng tingin yung mga naglalakad.
Nagulat ako ng makumpirma kong si Nhica Marae nga iyon. Sasapakin ko na sana yung lalaking nakaakbay dito kung hindi ko lang narinig na tinawag niyang 'Ate' si Nhica Marae.
Ayos! Pagkakataon ko na 'to! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.
"Nhica Marae." Tawag ko sa kaniya.
She was shocked when she saw me. "Ikaw?" Napangiti ako.
"What a pleasant surprise! Dinadalaw mo ba ako?" Hindi maalis ang ngiti ko.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" paangil na tanong niya.
Heto na naman siya. Sa sobrang kasungitan niya, nasanay na ko. I flashed my ever gorgeous smile at her.
"Nakatira ako dito. Hindi mo alam?" waring nanghihinayang na saad ko. Pacute effect ba. Alam ko namang wala siyang pakialam sa background ko.
Para namang natigilan si Nhica Marae sa sinabi ko. "D-dito?" Iginala niya ang paningin sa mga kabahayan.
"Doon." Balewalang itinuro ako an gaming bahay.
Lalong nanlaki ang mga mata niya. What's happening on her? "Bahay mo iyon? Hindi nga?"
Natawa ako sa reaksyon niya. Ang cute niya. Hindo ko maitago yung pagka-amuse ko sa kaniya. She looked shocked.
"Gusto mong pumasok muna? Welcome na welcome ka sa bahay ko! Gusto mo nga, doon ka na tumira." Pabirong sabi ko sa kaniya na siya namang dahilan ng pag-angat ng isang kilay niya. Sa itsura ngayon ni Nhica Marae, mukhang any time masisigawan na naman niya ako but I don't care. Masaya naman ako.
Magsasalita n asana siya ng sabay kaming napalingon sa kapatid niya. Sumusuka na ito sa gilid ng kalsada.
"Jace! Pambihira ka! Hindi na tayo makakaligtas kina daddy nito!" Tarantang dinaluhan niya ang kapatid. Hindi niya malaman yung gagawin. Nilapitan niya ito at hinagod ang likod ni Jace.
"You're brother's a mess. Saan ba kayo galing?" usisa ko sa kanila.
"Sa Sunflower Street... Teka, ano bang pakialam mo?" inirapan niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/36082412-288-k491468.jpg)
BINABASA MO ANG
[On-Going] Diary ng Casanova
Teen FictionAko si Clyde. Pinagkakaguluhan, pinag-aagawan, hinahangaan ng karamihan. Hindi ko man aminin, nagsusumigaw na sa mukha ko pa lang ang kagwapuhan at karismang taglay ko.