Entry 6: July 11, 2014

689 57 11
                                    

Sa kagustuhan kong makatakas sa umpukan ng mga babaeng paparating, dali dali akong nagtungo kila 'tol Kyle at dude Mackey sa Engineering Department. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong meron ako at sobra akong pinagpapantasyahan ng lahat. Oo, aminado akong gwapo ako. Ah, hindi. Sobrang gwapo ako pero hindi ba hindi yun sapat para mahalin ka ng tao? Hindi ko alam kung ano bang tunay na dahilan ng mga to para lapitan ako maliban sa nagsusumigaw kong kagwapuhan at nang-aakit kong mga muscles.

Malayo pa lang, rinig ko na ang tili ng mga kababaihan. At syempre, gentleman naman ako kaya binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti. Takte! Marami rin palang chicks dito sa Engineering Department. Mukhang mapapadalas ang dalaw ko dito ko ah!

Nasa tapat na ako ng building nila ng matanaw ko si dude Mackey na palabas ng classroom nila. Tinawag ko siya at dali dali akong nagtungo sa kaniya. Sa bawat babaeng madadaanan ko, isang matamis na ngiti ang pinapakawalan ko. Bago pa man ako makalapit kay dude Mackey, hinarang na ko ng mga kababaihan. They are asking if I'm free. And I answered them with a wink. I spotted a totally hot chick, paniguradong bago matapos ang araw na to girlfriend ko na siya.

Nilapitan ko yung babae and I whispered in her ears, "Later Baby. 5pm at the cafeteria." With that, nagdiretso na ko kay dude Mackey. Sinabihan niya kong hintayin daw namin si 'tol Kyle. Nakikipag-usap lang daw sa class president nila. At napag-alaman ko ring siya yung palaging dahilan kung bakit mainit ang ulo ni 'tol Kyle.

Some idea came up in my mind. Mukhang kailangan ni 'tol Kyle ng tulong sa kaklase niyang yun. Mukhang hindi matutuloy ang date ko mamaya dun sa hot chick. Lalandiin ko muna tong kaklase nila dude Mackey. No one can resist my charm. Pampalipas na rin ng oras. Hinila ko si Mackey papunta kila 'tol Kyle. Malayo pa lang kitang kita ko na ang lukot na mukha ni 'tol Kyle. Para siyang sasabog sa inis. At nandun din pala si Jazmine'labs, mukhang naiinis na rin siya sa babaeng kausap ni 'tol Kyle.

Napangiti ako, tignan lang natin kung paano matatameme tong babaeng to sa kagwapuhan ko. Binilisan ko pa lalo ang lakad at sakto naman yung dating ko, mukhang papatulan na ni 'tol Kyle yung kaklase niya dahil nagkakasukatan na sila ng tingin kaya naman sumabat na ko.

"Tol Kyle! You're so rude. Hindi ka dapat tumitingin ng ganyan sa isang babae." Pumagitna ako sa kanilang dalawa at walang paalam na kinuha ko ang kamay nung babae. Pag-angat ko ng tingin, para akong nakakita ng multo. Siya. Siya yung babae sa panaginip ko. Siya yung babaeng nakita ko sa gig namin. Siya yung babaeng gusto kong protektahan. I mean, ano. Basta. Siya yun. Bago pa mapansin ng lahat ang pagkatulala ko, agad na kong nagpakilala. "Hi! Ako nga pala si Clyde. Ang nag-iisang gwapo sa first year HRM. Nice to meet you!" masiglang bati ko sa kaniya kahit na sa totoo lang eh, kabadong kabado na ko. Takte. Ano bang nangyayari sakin. This is not so me. Nabigla lang ako sa nangyari kaya ganto. Tama ganun na nga. Natigil lang ang pag-iisip ko ng bigla niya kong sinigawan. "Manyak ka? Bakit nanghahawak ka ng kamay? Gusto mong isumbong kita sa campus coordinator?" I was dumbfounded by what she reacted. Aba! Wala pang babae ang nakakapag violent reaction kapag nginitian at hinawakan ko na yung kamay nila. Siguro galit lang talaga to kay 'tol Kyle o kaya meron siya ngayon. Iintidihin ko na lang.

I heard Mackey said to her na magchill lang. She's so brutal and that's what makes her interesting. "By the way, si Clyde nga pala. That's his way of saying hello to a new friend," rinig kong paliwanag ni dude Mackey kay dun sa babae. "She's Nhica Marae Concepcion, dude." Pakilala naman ni Mackey sa kaklase nila. Nhica Marae. She has a pretty name just like her face. Isang pilyong ngiti ang kumawala sa mga labi ko. Habang tinitignan ko siya, pasama ng pasama yung mukha niya. Halatang naiirita siya. Her reactions amused me. Sinalubong ko yung tingin niya. At lalo pang lumala yung pagkairita niya.

"So? Ayokong makipagkaibigan sa mga may sira sa ulong gaya niyo! Diyan na kayo!" bigla na lang siyang tumalikod at nagmartsa palayo samin. At sa hindi ko malamang dahilan, hinabol ko siya. "Wait, Nhica Marae! Ang ganda naman ng name mo. Mag-get to know each other muna tayo!" sigaw ko sa kaniya habang sinusundan siya. Hindi ako makakapayag na sa pagsusungit matatapos ang unang pagkikita namin.

Ang bilis naman maglakad ng babaeng to. Baka pagpawisan ako neto. Sabagay, pagpawisan man ako amoy bagong ligo pa din. "Nhica Marae!" tawag ko sa kaniya subalit patuloy lang siya sa paglalakad, pabilis ng pabilis. Takte! Anong klaseng babae ba to. Binilisan ko na rin ang lakad ko para maabutan siya. Nakita ko siyang pumasok sa library. Ayos, wala na tong kawala sakin. Gusto niya pang makapagsolo kami talaga. Sinasabi ko na nga ba, nahihiya lang siya kanina. Ako pa, wala pang babaeng hindi nahuhumaling sa karisma ko.

Pagdating sa library, dali dali akong pumasok pero hinarang ako ng librarian at pinagalitan. Pinagla-log ako sa logged book. Anak ng tinapa! Ano bang malay ko, sa tanang buhay ko ngayon pa lang ako makakapasok ng library. Didiretso na sana ako kay Nhica Mara eng harangin na naman ako ng librarian, may itinuturo siyang paskil. "NO ID and LIBRARY CARD, NO ENTRY" Pastilan! Kelan pa naghanap ng ID at Library card sa library?

Buong galang akong lumapit sa librarian at nagpakawala ng isang napakatamis na ngiti. "Ms. Librarian, ano kasi, naiwan ko sa klase. May kailangang kailangan lang talaga akong maresearch." feeling ko nang seseduce ako ng matanda. Jusko. Nakakasuka to. 'HINDI PWEDE HIJO." puno ng awtoridad na sabi nung Librarian. "Ah, Ms. Lenny. Ang ganda naman po ng buhok mo. San mo po pinagawa yan? Ang ganda ng pagkakahighlights sa buhok niyo! Ash grey po ba yan? Parang trip ko din yung ganiang kulay" nilamlaman ko pa yung mga mata ko at pinapaos ko pa ng konti yung boses ko. Shit! Hinding hindi na ko babalik sa library! "WALA AKONG HIGHLIGHTS! NATURAL YAN! AT KUNG SINASABI MONG PURO PUTI NA ANG BUHOK KO, LUMAYAAAS KA DITOOO! LAYAAAAAS!"

Kamot-ulong lumabas ako ng library, pero bago yun nakita ko si Nhica Marae, nagpipigil ng ngiti. I saw her looked at me, I smiled at her at irap ang isinukli niya. At least napangiti ko siya sa hindi kaaya-ayang paraan nga lang.

Today's Lesson:
-Never flirt with a librarian. Syet lang.
-Ugaliing magdala ng ID.
-Don't talk to strangers. Nakakapagod. Nakakahiya.

[On-Going] Diary ng CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon