After that, hindi na muli kaming nag usap ni Nicholai. I thought... pagkatapos noon, magkakaroon ng chance na magkausap ulit kami. But I assumed too much. I thanked him after that by a piece paper. I just wrote “thank you” kasi wala na akong maisip na sabihin.February 27 came, tommorow, we'll start our practice para sa graduation. I can't believe na ga-graduate na kami. Parang ilang araw lang noong nag start ang class, ngayon, graduating na.
"Chubs!" inirapan ko si Clark na tumatakbo papunta sa gawi ko. As usual, kasama niya sina Nicholai pero ni hindi manlang ito nagtapon ng tingin sa akin. Did I did something wrong?
Why does it seem like he's avoiding me? Pero, ano naman? Wala rin naman kaming dapat pag usapan 'di ba? Ni hindi naman kami magkaibigan. Nabalik ako sa wisyo when Clark snaked his arms around my shoulders.
"Let go, Clark." I said while pushing him. Pero, mukhang wala lang. I just sigh at hinayaan siya. Our practice started. Habang nag papraktis, I felt someone staring. Lumingon ako sa paligid but there are no one. Maybe, I'm just imagining things. Natapos ang practice namin ng matiwasay.
March 4 came, our graduation day. I couldn't help but to cry. Kahit papano ay mamimiss ko ang Elementary school na pinasukan ko. I didn't even think na dito ako ga-graduate kasi akala ko we'll stay in Pulupandan for good. Pero, I'm glad that we went back here.
I saw everyone taking photos together. I smiled even though I feel sad. I didn't have true friends except of Crystal. She's the meanest yet truest friend of mine.
"Cole!" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. "Lang!" tawag ko pabalik at tinakbo ang pagitan namin. We greet each other and took some pictures.
"Congrats Nic!" bati ni tito Nico. I smiled at him but then, it vanish when I saw Nicholai besides him looking blankly at me. There's something wrong... But what is it? "T-thanks po." nauutal kong sabi 'kay tito.
"Sige, una na kami." tumango lang ako pero na 'kay Nicholai parin ang tingin ko. Hindi ako masaya, pero hindi rin malungkot. Bakit? Nicholai will stay for high school. Pero, may katiting sakit akong nararamdaman. I expect Nicholai to congratulate me pero, assumera ako. Umiwas ako ng tingin 'kay Nicholai at akmang tatalikod when he suddenly held my arms.
Ang puso ko ay unti unting lumalakas ang pintig.
Napalunok ako sa kaba bago humarap sa kanya. "Congrats Nic. We made it." para akong naiiyak sa tuwa. He congratulate me!
"Thanks Nicholai. And congrats as well! And yeah, we made it." natataranta kong sabi. I saw him smile a little. "Sige, una na kami." I nod smiling. Like a fool. Argh!
"Sige." mahina kong usal. Nang tumalikod siya ay pinakawalan ko na ang ngiting malaki sa sobrang saya. Nicholai congratulate me! I thought 'di niya na ako kakausapin pero kinausap niya ako! Best gift ever!
Umuwi ako ng bahay. Mom cooked different foods and we celebrate.
June came. Grade seven na kami ni Crystal and gladly we're classmates. Sabay kaming nag enroll. I'm happy kasi finally! Nagkasama rin kami. At hindi ko na classmates ang kahit sino sa mga classmates ko noong grade six. May nakadikit na papel sa pintuan kaya nalaman ko. I went to my class very early para naman hindi ako mailang. Nakakailang kaya kapag first day of school wala kang kakilala at late ka. Ikaw ang pagtitinginan.
Crystal's late, as usual. I mean, palagi siyang late pumasok kahit na sa elementary. Umupo ako sa huling row kasi mahirap na. Ayokong ituro ng titser pagnahuli akong may ginagawa. Hindi ako nag iisa sa classroom. Merong dalawang lalaki at isang babaeng naka headset. Kinuha ko ang libro kong hiniram 'kay tita Jen na "Falling inlove with my Gay Boss" by bitchmaniaxx.
It's quite nice and unique. I love the characters especially Gelo and Ice. And of course, Beatrice and Ralph. Super ganda ng characters. At 'yung mga chapters are very worth reading.
I was busy with the book when I heard a scream. Nag angat ako ng tingin at nakita ko agad si Nicholai na naglalakad kasama sina Rod at Clark. Siguro, hinahanap nila ang classroom nila. I sigh deeply. Hindi kami classmate ni Nicholai. Gustong gusto ko siyang makasama but unfortunately, the destiny didn't want us to stay on the same class.
Nakita kong huminto sila sa may pintuan ng classroom namin. Malalaki ang bintana kung kaya't kitang kita at rinig na rinig ko ang nasa labas.
"Andito si Chubs!" dinig kong sabi ni Clark. Yumuko ako dahil alam kong tumitingin na si Clark sa classroom. "Chubs!" at 'di ako nagkamali. I didn't bother giving him a glance. I busied myself on the book I was holding. "Hi Nic!" nag angat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Rod. There, I saw all three of them looking at me. Pero 'kay Nicholai natuon ang atensyon ko na lumipat ang tingin sa mga kaklase ko.
A thin line form on his lips. Lumabas siya ng walang kahit anong salita. Clark on the other hand went to me and open his arms like he was about to hug me. Bago pa siya makalapit ng isang hakbang ay inambahan ko siyang hahampasin ng libro. Tumawa lang ang loko at walang hiyang umupo sa upuan sa harapan ko.
"Namiss kita Chubs. Mas lalo ka atang tumaba ngayon? Hindi ka ba nauubusan ng pagkain sa bahay niyo? Daig mo pa ang baboy ah? 'saka pumuti ka! Wala ka sigurong ginagawa 'no?" hinila ko ang buhok niya sa inis at hinampas pa siya ng libro sa braso pero mahina lang. Baka mapatay ko siya. The usual ang sagot niya sa kagigilan kong patayin siya ay tawa.
"Saya mo e no?" mas lalo siyang tumawa. Napansin kong may nakatayo sa may bintana sa tabi ko kaya napalingon ako. Ganun nalang ang kabog ng dibdib ko ng makita kung sino eto. It's Nicholai! And he's looking intently on us! Gosh!
"Hi Lai! Una ka na! Sunod ako." pinalo ko ulit si Clark ng libro. "Alis na nga!" he pouted yet tumayo siya. Pero bago pa siya makatalikod ay kanya munang pinisil ng madiin ang pisngi ko. "CLARK!" gigil kong tawag sa kanya. Ang sakit kaya!
Nilingon ko si Nicholai at nakita kong sobrang seryoso ng kanyang tingin. Wala itong kahit anong reaksyon. Hindi mo rin malaman kung ano ang kanyang iniisip. Nasa tabi niya na si Clark at ni tap nito ang kanyang balikat. Biglang dumilim ang ekspresyon nito sa mukha ng lumingon ito sa gawi ni Clark. Tumingin ulit siya sa'kin bago naglakad. Si Clark naman ay tatawa tawang sumunod 'kay Nicholai.
Baliw talaga 'yon. Pero, si Nicholai... galit ba siya?
Hindi na ako nag isip pa nang kahit ano ng dumating si Ma'am. Nagsipangdatingan naman ang iba ko pang mga kaklase at kasama na roon si Crystal. "May chance pa na lumipat kayo ng section, kung gusto niyo. Pero kung ayaw niyo ay kayo ang bahala. Magpasa lang kayo ng papel na may pangalan niyo at section na gusto niyong lipatan." halos limang mga kaklase ko ang nagpasyang lumipat.
"Lipat tayo." 'di ko pinansin ang suhestyon ni Crystal sa halip ay tumingin lang ako sa labas. "Nicholai seryoso?" nagulat ako ng dumaan si Nicholai, Rod at Clark. "Seryoso." ani nito at diretsong naglakad.
Huminto ito sa tapat ng classroom namin. "Good morning ma'am. We would like to transfer on your section on if it is okey ma'am." diretsong sabi ni Nicholai. Napakurap ako sa gulat. Lilipat siya?! I mean sila?
B-bakit?
BINABASA MO ANG
TEARDROPS OF TOMORROW
RomanceNicole thought it was okay to like her neighbor, Nicholai Herrera silently. She's been in love with Nicholai for almost a decade. For Nicole, it was enough to see him and talk to him even for a second. When she turns into a high school student, she...