Chapter Twenty Six

11 3 0
                                    

Iyak ako ng iyak na humihiga sa kama. “Nanay.” paulit ulit kong usal na para bang tinatawag si Nanay. Hindi, ayoko. ‘Di ko matatanggap. Humagulgol ako. “Nanay!” ‘di ko mapigilang sumigaw.

Wala si Mama at Iska. Umalis patungong Ilog habang ako naman ay naiwan sa bahay dahil may exam kami kinabukasan. Gusto kong sumama pero sabi ni Mama ay tapusin ko daw muna ang exam dahil 4th quarter na.

“Nic... Papasok ako ha?” ‘di ko pinansin si Nicholai. Pagod ako at sobrang nasasaktan para gumalaw. Agad siyang pumunta rito sa bahay ng sinabi kong wala si Mama dahil alam niyang umiiyak ako.

“Baby, you need to eat.” umiling ako.

“Gusto kong makita si Nanay, Nicholai.” umiiyak kong sabi. Umupo ako sa kama at tumabi naman siya sa akin. Sinandal niya ako sa balikat niya at wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak.

“Nanay...” usal ko at mas lalo pang umiyak.

“I’m here for you, baby. I'll stay with you no matter what.” i cried. “I know and i trust you, thank you, Nicholai.” pinilit kong kumain dahil nagluto si Nicholai para sa sa akin. Pagkatapos no'n ay sinabihan niya akong babalik lang daw siya dahil nag chat ang mama niya at may sasabihin daw ito.

Nakatulog ako at nagising mga alas dyes ng gabi. Sobrang dilim. Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Bumalik ba si Nicholai? Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nilapitan ko ito at binasa ang chat. Ito yung account na nag chat sa akin at nag sent nang picture ni Nicholai at Tyrone together.


Medyo nakaramdam ako nang kaba. Ano na naman ang isinend niya sa akin? Binuksan ko ang chat.

Anonymous
Akala ko loyal ang bf mo. But guess what? He isn't. If you want to know na hindi loyal ang pinakamamahal mong bf, better check the back of their house.

Nicole Villanueva
Why are you doing this?

Anonymous
I want you to see that your boyfriend isn't an honest and loyal guy.

Kumabog ang dibdib ko. “No, i trust Nicholai. He wouldn't do something that will hurt me. He said it himself.” pero naiiyak na ako. Ayoko sanang pumunta pero i decided to do it. I trust Nicholai but I don't trust that anonymous sender.

Dahan dahan akong naglakad sa likod. Hanggang malapit na ako kina Nicholai. I saw Nicholai and Tyrone just got out at the back of their house. Napangiti ako. Nicholai promised me that Ty was not that important to— “Own me, Nicholai.” Ty said dahilan para manigas ako. Ilang segundo pa sila nagtitigan at bigla silang naghalikan. Sa harap ko.

My tear drops from eyes. No, this isn't happening. Nicholai is not doing this. Dahil sa iyak ko ay nakagawa ako ng ingay, natigilan naman sila pero agad din hinalikan ulit ni Ty si Nicholai.

I hate them! They're a fucking liars! I fucking hate them!

Tumakbo ako pabalik sa bahay at ni-lock lahat nang lock. Humiga ako sa kama ko. “Hayop kayo.” umiyak ako ng umiyak. Hindi ako makapaniwala.

“Akala ko mahal mo ako, Nicholai!” mas lalo akong napahagulgol.

Pa’no mo nagawang saktan ako, Nicholai? Alam mo kung gaano kita kamahal! Sinabi mong mahal mo ako at ako ang babaeng pinaka importante sa ‘yo! Pero bakit? At si Tyrone... sinungaling siya! Plastik! Tama si Ellode. Mga hayop sila!

Hindi manlang siya nag abalang tumungo rito. Siguro gumagawa na sila ng milagro.

Anonymous
Guess what? Your boyfriend just enter their house with his bestfriend. They're probably making love now.

TEARDROPS OF TOMORROW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon