Chapter Eighteen

16 8 0
                                    



Hindi ko parin in-accept ang friend request dahil lang chinat niya ako. Ayoko. Walang dahilan para maging friends kami kahit sa facebook. Pero ‘di ako mapakali. Sumakay ako ng tricycle papunta sa Libo. Hindi naman malayo dati nga nilalakad namin ‘to tuwing papasok kami sa Elementarya.

Bumaba ako sa may tindahan at pumasok sa isang maliit na daan na palagi naming dinadaan tuwing pumupunta kami noon kina Lola.

Nang makarating kina Lola ay agad ako nitong niyakap at ganoon din si Lolo na kahit na hindi na ito masyadong nakakagalaw at nakakalagad ng maayos dahil sa stroke. Sobrang saya ko kasi nakita ko ulit sina Lola. Niyakap naman ako ng Ate at Kuya ganoon narin ang mga pinsan kong maliliit.


Nagkamustahan muna kami bago napagdesisyunan na tumungo sa basketball court kung saan naroon si Mama nanonood ng liga. Habang naglalakad ay medyo naramdaman ko ang titig ng mga tao. Siguro dahil matagal din akong nawala. Medyo naninibago ako sa lugar. Nang makarating sa basketball court ay hinanap agad ng mga mata ko si Mama. At mabilis ko lang siyang nakita dahil naa gilid siya mismo ng tumatayong basketball ring.

“Ma!” tawag ko ng makalapit ako. Ngumiti si Mama. “Kararating mo lang?” tanong niya. “Opo.”


Tumayo ako sa gilid niya. Madaming tao infairness.


“Herrera for three! Basket!” napakurap ako at tiningnan ang mga players pero ang unang player agad na nakita ko ay walang iba kundi si Nicholai na kaka-shoot lang ng bola at nakatingin mismo sa akin.


Anong ginagawa niya dito e diba kaka add niya lang sa ‘kin sa Facebook. Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Akala ko si Mama pero hindi, lumingon ako sa likuran at doon ko nakita si Clark. Tiningnan ko si Mama ulit kung napansin niya ba.

“Ma, alis muna ako.” tumango si Mama ng ‘di tumintingin dahil busy siya sa pag cheer sa favorite niyang player.


Nakatayo si Clark sa likuran ng maraming manonood pero kitang kita siya dahil sa angkin niyang tangkad. “Clark—” nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin. “Bakit hindi ka nagpaalam? Alam mo bang sobra akong nag alala sa’yo? Lalo na noong narinig ko na doon ka na raw mag aaral. Pa’no kung ‘di ka sanay ro’n? Matagal na kitang kilala at alam kong may mga nam-bu-bully sa’yo sa isang walang kwentang. Kaya natakot ako. Wala ako do’n, pa’no kung ibully ka nila?” i rolled my eyes at him.

“Mukha ba akong magpapa-bully? Clark, kahit naman panget ako ay hindi ko sila hahayaan na laitin ako.” ngumuso siya pero gusto ko siyang asarin. “‘Di ka cute.”


“Herrera foul!”


“Time out!”

Foul siya? Lilingon sana ako sa court ng akbayan ako ni Clark. “Ililibre mo ako dahil matagal mo akong pinag alala.” sabi niya at hinila ako papalakad sabay niya.


“Wala akong pera ‘no! ‘Saka kasalanan ko bang nag alala ka?” hinawakan niya lang ang pisngi ko at pinisil.

“Masakit!” siniko ko siya ng mahina. “Pumayat ka! Wala kabang kinakain do’n?” tanong niya. “Syempre meron, mamatay ako kung wala akong kinakain tanga!” sabi ko.

“Kulang ka sa kain. Sige, libre ko ngayon baka maubos pera mo.” nakarating kami sa may mga fishball. “Libre mo ah?” tumango siya habang kumakain na ng isang stick ng hotdog. Ngayon ko lang napansin na naka jersey pala siya.

“Teka! Maglalaro ka pa ba? Ba’t ka kumakain? Sasakit ang tiyan mo.” ngumuti siya habang tinataas baba ang kilay. “Uy, concern siya.” kinunutan ko siya ng noo. “Asa ka! Bahala ka kung masakitan ka d’yan ng kahit ano.” tumawa lang siya.

TEARDROPS OF TOMORROW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon