I stayed at home on Sunday and didn't dare myself to go out. Baka makita ko siya at ‘di ko mapigilan ang sarili kong kausapin s’ya. Ano naman ngayon kung hindi na kami mag usap? It's not like we're friends or something. Sadyang mabait lang talaga siya ‘di ba? ‘Saka isa pa, crush ko lang naman siya at bata pa kami. Pwede naman akong maghanap ng ibang crush.
Bakit ba kasi ang hirap niyang basahin? Ano nga ba ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan?
Ang init init pero inutusan parin ako ni mama na pumunta sa libo para bumili ng chicken joy ng Tony's. Ba’t ba kasi ‘di nagtinda ng ulam sina Tiya Sandra? Nakalimutan ko pang magsuot ng cap o kaya nagdala ng payong. Nag away kasi kami ni Iska. Hayst.
Sobrang pawis at medyo nandilim na ang paningin ko ng makarating ako sa bibilhan ko ng ulam. Pawis na pawis na talaga ako.
“Pili ka lang.” ani nang tindera pero umiling ako. “Meron na po bang bibili niya’n?” tanong ko sa kanya. Umiling siya. “Aantayin ko nalang po.” tumango naman ang tindera. Nakatayo lang ako habang nag aantay sa chicken joy ng may marinig akong pamilyar na tunog ng motor.
Si Nicholai!
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin para magtago. Nakita ko ang mukha ng tindera na nagtataka dahil sa biglaan at weirdo kong galaw pero binigyan ko lang siya ng ngiti, kaso awkward.
Wala sa sarili akong naglakad papuntang classroom. Maaga ako ngayon dahil sa totoo lang wala akong tulog dahil bukod sa sinabi ni Nicholai ay ‘di rin ma absorba ng isipan ko ang sinabi ni mama pagkarating na pagkarating niya galing ‘kay Tito Toto.
“Ma...” tanging naiusal ko ng dumating si mama at Francisca. “‘Nak, may sasabihin ako sa’yo.” tumango ako. Nakita kong umiiyak ang kapatid ko pero siguro dahil pagod ito.
“Anak, tumawag ang tita Rosie mo, ang sabi niya gusto daw ni Nanay na doon ka muna sa kanya.” kumunot ang noo ko. Sa bakasyon? “Bakasyon?” kinakabahan ako.
“Oo, ‘Nak.” para akong nawalan ng tinik sa dibdib. Akala ko... Ngumiti ako. “Sige po.”
Akala ko talaga do’n ako mag aaral. Mabuti nalang at bakasyon lang kaso kahit na excited ako ay medyo nalulungkot rin. Siguro dahil hindi ako sa amin magbabakasyon at ‘saka wala akong kilala do’n sa kay Nanay. I sigh. Pumasok ako sa classroom namin at nakita ko sila Clark, Rod, and Nicholai sa kinagawian nilang upuan. Ayoko do’n.
Hinanap ng mata ko ang upuan ni Crystal. Wala na naman s’ya? I shrugged and decided to sat on her seat. Siguro mas mabuti na ‘to. Pagkatapos ng sinabi ni Clark noong nakaraan at ang huling pag uusap namin ni Nicholai nawalan na ako ng lakas. Dumating na si Ma’am at agad siyang nag discuss ng bagong topic.
Dumating ang lunch time at agad akong naglakad paalis ng classroom. Wala akong kasama mag lunch pero okay lang, sanay naman na ako. Pumunta ako sa karenderya ni tita Felicar at bumili ng ulam. Umupo ako sa mesa kung saan pwede isang tao lang ang umukupa.
Pagkatapos kumain ay tumayo ako agad dahil baka may sumunod. Uminom ako ng tubig sa tumblr ko. Lumabas ako dahil sobrang daming studyante. Muntik pa akong matumba, mabuti nalang at may sumalo sa akin. “Thank you—” si Nicholai.
Wala siyang sinabi dahilan para manikip ang dibdib ko. Agad akong lumakad papunta sa Campus. Naiiyak ako. Naiiyak ako dahil nasasaktan ako. Bakit ang sakit?
Umupo ako sa isang bench. Merong nakatambay at maraming dumadaan pero nanghihina na ako. Kumuha ako ng libro at umaktong natutulog pero ang totoo. I'm crying.
Gano’n lang ang posisyon ko hanggang twelve fifty. Napag desisyonan kong ayosin ang sarili ko dahil malapit na ang bell. Tumungo ako sa next subject at umupo sa malayo sa kanilang tatlo. Walang imik ako hanggang walang kumakausap sa akin. Pagkatapos ng klase namin sa lahat ng subject ay agad akong lumabas at sumakay ng tricycle.
Gano'n ang nangyari sa isang buwan. Para nalang kaming estranghero, nagkaroon ako ng mga kaibigan sa classroom at malapit narin ang bakasyon. Masaya ako dahil matapos na ang klase at grade 8 na ako sa mga susunod na buwan.
Natapos ang klase at naiiyak kaming nagbigay ng mensahe sa adviser namin. Binigyan ko rin ng yakap ang mga bago kong kaibigan na si Ellode. Napag-usapan namin na sana same section kami pag-tungtong ng grade 8.
Nag i-impake ako para sa bakasyon ‘kay Nanay, naiiyak ako dahil first time kong malalayo kina mama ng medyo matagal. Hindi ako sanay. Binilhan ako ni mama nga mga tinapay, kendi at ‘saka white flower. Pinabaunan niya rin ako ng tubig para daw hindi na ako bumili. Hindi naman ako takot bumyahe kaso lang nasusuka ako kaya medyo nag aalala si mama pero sinabi ko naman na magiging ayos lang ako.
Nag suot ako ng isang jacket at jeans at ‘saka black shoes. Pinusod ko lang ang aking buhok dahil baka mamaya ay bigla akong masuka at masukahan ko lang ang buhok ko. Sinuot ko na ang aking backpack at isang shoulder bag na malaki. Alam kong nalulungkot si mama pero nginitian ko lang siya ng magpaalam ako.
Lumabas ako ng bahay at hindi na nagpahatid. Habang naglalakad ay nakita ko si Nicholai na nakatayo sa may balon kasama sina Rusty, Ryan, at Jasmin.
Napansin kong tumingin sila sa akin. Yumuko ako bahagya dahil bigla akong nahiya. “Cole, saan ka pupunta?” tanong ni Jasmin.
“Ah, sa Lola ko.” sabi ko. “Sa Libo?” umiling ako. “Sa Nanay ng Mama ko.” ‘di ko maiwasan mapatingin ‘kay Nicholai at nakita kong mariin niyang titig. Pero hindi ‘yung klase ng titig na may galit. “Sige, Min. Alis na ako.” tulala si Jasmin na tumango.
Nagsimula na akong maglakad at medyo nabibigatan ako sa mga dala ko pero kinaya ko nalang.
“Cole, hintay!” napalingon ako kina Jasmin at kumabog ang dibdib ko ng naglakad siya at si Nicholai sa gawi ko. “Sasamahan ka na namin papuntang kalsada.” umiling ako.
“‘Wag na.” ngumiti si Jasmin. “Aalis kalang ba for vacation?” tanong ni Jasmin pero ang mata ko ‘kay Nicholai. Ba’t ba siya nakatingin na parang namimiss niya ako? Umiling ako.
“Hindi.” sabi ko at tumalikod. Hindi ko na hahayaan ang sarili kong mas lalong mahulog sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad at mabuti nalang may papalabas na tricycle kaya agad akong sumakay.
Nilingon ko si Nicholai at Jasmin. Sana sa bakasyon na ‘to mawala na ang nararamdaman ko para ‘kay Nicholai.
BINABASA MO ANG
TEARDROPS OF TOMORROW
RomanceNicole thought it was okay to like her neighbor, Nicholai Herrera silently. She's been in love with Nicholai for almost a decade. For Nicole, it was enough to see him and talk to him even for a second. When she turns into a high school student, she...