Chapter Nineteen

15 8 0
                                    

Gabi na ng mapagdesisyunan kong pumunta sa perya. Ako lang mag-isa kasi wala akong kasama dahil tulog na ang kapatid ko kay lola. May nakita akong nagtitinda ng shake kaya bumili ako ng avocado flavor. Habang nag-aantay ay may nakita akong pamilyar na tao at ayon ay si Rod. Meron siyang mga kasama. Hindi pamilyar sa akin.

Pumasok sila sa may perya. Hindi niya ako nakita. Nang matapos magawa ang avocado shake ko ay pumasok ako sa perya para manood ng mga laro. Habang nakatayo at nakatingin sa may nagbibingo ay may biglang nag-tap ng aking likuran. Agad kong nilingon kung sino ito at nakita ko si Rod.

“Rod, kamusta?” tanong ko. “Okay lang ako. Ikaw kumusta ka na sobrang tagal na rin ng huli kitang makita ah.” ngumiti ako at tumango. “Sobrang tagal na nga.”

“Ah s‘ya nga pala mga pinsan ko sina James at Eliot.” sabi niya. Ngumiti naman ako at binati sila.

Nag-usap lang kami saglit ni Rod at umalis na rin sila dahil may pupuntahan pa raw sila. Ako naman ay nanuod pa rin ng naglalaro ng bingo. Habang nanonood ay may narinig akong pamilyar ng mga boses at ng lingunin ko ito ay nakita ko sina Nicholai, Jasmin, at Mae.

Anong ginagawa nila dito? Ay, shunga ‘Te? Natural fiesta 'di ba? Muntik ko ng batukan ang sarili ko dahil sa pagiging bobita ko. Ayoko magpakita sa kanila.

Naglakad ako at naghanap ng pwedeng mataguan pero huli na ang lahat nakita na nila ako. “Cole!” nagulat ako ng yakapin ako ni Jasmin.

“Oh Jasmin, kamusta?” tanong ko rito habang nakatingin kay Nicholai at ‘kay Mae.

“Okay lang ako. Ikaw kamusta ka na? Balita ko kahapon ka lang dumating pasensya ka na at hindi ako naka pagpakita sayo. Meron kasi akong ginawa eh, medyo busy.” ngumiti lang ako at tumango.

“Ayos lang ‘no. Ano ka ba?” tanong ko. Napansin ko ano sobrang titig ni Nicholai sa akin pero umakto ako na walang pakialam.

“Meron ka bang kasama?” tanong ni Jasmin. “Ah, eh, w-wala.” sabi ko.

“Then, let's go hang around. Matagal din tayong hindi nagkasama.” kinalabit niya ako at hinila sa kung saan sumunod naman si Mae katabi si Nicholai.

Wala na akong nagawa dahil nag-insist na si Jasmin. Medyo kabado ako lalo na't hindi nagsasalita si Mae at si Nicholai.

“Gusto niyong kumain?” tanong ko. “Libro mo?” tanong ni Jasmin.

“Syempre naman. Ako nagyaya eh.” hinila ko si Jasmin medyo papalayo sa dalawa. “Min, sabihin mo ililibre ko rin sila.”

“Guys, libre daw ni Nicole.”

“Ayoko.” sabi ni Nicholai. Kumunot ang noo ko pero ‘di ko siya nilingon. “Edi don't.” ‘di ko mapigilang iusal.

“What if gusto ko ng mahal?” tanong niya. Pero ‘di ko siya pinansin. “Mag papalibre lang ako sayo kung i a-accept mo na ‘yung friend request ko.” nilingon ko siya. “Why would I do that? Hindi naman tayo friends 'di ba?” i said.

“Kung ayaw niya Nicholai, ‘wag mo nang pilitin.” sabi ni Mae. “You should listen to your girlfriend Nicholai.” I said. I saw how Mae blush with what I  said.

I walk pulling Jasmin with me. “Anong gusto mo?” tanong ko.

“Akala mo ba girlfriend ni Nicholai si Mae?” natatawang tanong ni Jasmin. “Bakit hindi ba?” tanong ko at ramdam ko sa sarili ko na sobrang curious kung malaman ang totoo.

“No. They are so not together.” sabi niya ng natatawa.

“Paano mo naman ang sabing hindi sila. Eh, sobrang close nila together and Mae even wore a jersey that also has the same number as Nicholai’s jersey.” Jasmine laugh as if i told her something funny.

“No. Hindi sila. Yes, close sila. But let’s be for real, Nicholai wouldn't look at Mae more than a kid.” sabi niya. “I want mango shake.” tumango ako. Nilingon ko si Nicholai at Mae. May sinasabi si Mae ‘kay  Nichoalai pero hindi man lang niya ito tinitignan.

“Mae, anong sa’yo?” tanong ko. “Mango lang din.” tumango ako. “I want avocado.” sabi ni Nicholai.

“Sabi mo, libre mo 'di ba?” tumango ako. I ordered mango shake and avocado shake.

“Thank you!” sabi ni Jasmin and Mae. “Thanks.” sabi naman ni Nicholai.

Naunang maglakad Jasmin at Mae. Kami naman ni Nicholai ay nasa likuran. “Why don't you just accept my friend request? Kay Clark nga in-accept mo.” napakunot ang noo ko. “How did you know that?” tanong ko.

“Wait, are you stalking me?” tanong ko. Akala ko ide-deny niya pero mas lalo niya lang pinakomplikado ang lahat sa sinabi niya.

“I always stalk you on Facebook the moment you left.” napatigil ako sa paglalakad dahil sa gulat ng sinabi niya. Why would he do that? Why would his stalk me?

“I know you’ve been avoiding me on social media simula ng pumunta ka dun sa Nanay mo.” lumingon siya sa akin and then he walk towards me and pull me away from the crowd.

“Saan mo ko dadalhin?” my heart beats rapidly as he pull me through the dark. Away from the crowd.

“I'm always wanted to tell you what i truly feel but then you just left.” he said the moment  we were away from the crowd.

“What do you mean? Pwede ba klaruhin mo na ang lahat. Bakit sobrang bait mo sa akin noong tumuntong tayo ng grade 7? Bakit mo ako binigyan ng signs na may gusto ka sa ‘kin? Alam ko sobrang kapal na mukha akong mag-assume pero hindi naman ako mag-a-assume kung hindi mo ako binigyan ng signs 'di ba? Siguro naman may idea ka na gusto na kita noon pa ‘di ba?” tanong ko. Madilim pero kita ko parin ang kanyang gwapong mukha sa dilim.

“You liked me?” gulat niyang tanong. “Don't tell me wala kang ideya na gusto kita, dati pa?” parang nagulat yata siya. Hindi niya ba talaga alam na nagkagusto ako sa kanya dati?

“I didn’t know if i had known I would have told you what i truly feel.” he frustratingly mess his hair. He sigh and he suddenly hugs me. My heart beats even crazier. “I swear to God if I had known I would have told you what I truly feel.”

“Pero may girlfriend ka noon, Nicholai.” tinanggal ko ang yakap niya.

“May girlfriend ka noon 'di ba?” yumuko siya.

“Oo, meron akong girlfriend noon pero naalala mo ba yung umalis ako at nagmamadali ako? I went to her because I want to end things with her.” sabi niya. It was the time when I also knew she had a girlfriend.

“I was ready to end everything with her. Kasi una sa lahat wala naman akong nararamdaman sa kanya noon. I was in love with someone else. And I want to be with that someone else and that someone else is you. Ang kaso natatakot ako na baka hindi mo ako gusto. I was not ready. Pinag-isipan ko ng mabuti ang gagawin ko pero umalis ka. Akala ko nga babalik ka kasi 'yun ang sabi ni Iska eh. Pero hindi ka bumalik. I was scared when you were there. Paano kung nahihirapan ka do’n? Paano kung may nakilala kang iba na magugustuhan mo at hindi mo gustohing bumalik dito? Alam mo bang sising sisi ako? Sinabi ko sa sarili ko na sana sinabi ko ang totoo kung nararamdaman para sayo. I want to be with you. I always did. I like you since the first time i saw you, Nicole until now I still do.” a tear fell from my eye.

“I—” he cut me by hugging me. I couldn't help but to cry.

“I like you too, Nicholai. Until now.” i felt him shake.

He’s crying...

——

a/n: two updates this morning? Wow, this is a first take note. I just also wrote this two just this morning of  feb 25.

TEARDROPS OF TOMORROW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon