It has been three days since I gave my gift to Nicholai.
I was so nervous. And I was on the verge of telling him what I really feel when I saw a familiar figure from a far walking. And that was my cue to leave. Si papa dumating. "Nicholai, sorry but I need to go. I hope you like my gift and see you around." I said panicking and starts running. I heard him calls my name but I just wave my hands.
"Papa's coming!" I said when I got home. Mama just shrug and continue to watch television. I went to my room and just read ebook through my keypad phone. I am currently reading "He's Into Her" season 1. The story is funny and sad. I am actually almost done.
"Pa!" I wasn't surprise when I heard Francisca. "Mga princess ko!" ani niya. Linya niya palagi. 'Di ko na pinansin si papa at nag continue sa pagbabasa.
Nakita na kaya ni Nicholai ang gift ko? Ano kayang reaction niya?
Kinakabahan ako sobra pero bahala na si Batman. My family celebrate the Christmas together. After eating I decided to sleep.
KINABUKASAN ay late na akong nagising dahil ala una ng nang madaling araw ako nakatulog. Mabuti nalang rin at nandito si papa kaya hindi ako nakapag igib ng tubig. Tumayo ako at inayos ang kama ko 'saka tumungo sa banyo at maghilamos at sipilyo. Habang ginagawa iyon ay 'di ko mapigilang mapaisip.
Nagustuhan kaya niya?
Ipinilig ko ang ulo ko at huminga ng malalim. Kumain ako pagkatapos ng tinapay at uminom ng gatas. Agad naman akong naglinis pagkatapos mag agahan para makalabas ng bahay.
"Hi ate!" ngumiti ako 'kay Princess. "Hello. Ang aga mo yatang lumabas ah?"
"Kasi po, nautusan ako." nakangiti niyang sabi. "Anong utos?" tanong ko.
"Sabi po ni kuya Lai na thank you at ito rin po pala." nagulat ako ng abutan ako ni Princess ng isang kahon. "A-ano 'to?" tanong ko.
"Hindi ko po alam. Alis na po ako ate." tumango ako at nagpasalamat. Mabuti nalang at wala si mama, siguro umalis. Si papa naman narinig ko kaninang pupunta kina Lola.
Pumasok ako sa kwarto at umupo sa kama. May kalakihan ang box at may kabigatan rin at kulay blue ito. Kumabog ang dibdib ko. Para sa akin ba talaga 'to? Parang ang hirap paniwalaan na binigyan ako ni Nicholai ng regalo.
Hindi ako huminga ng unti unti kong binuksan ang box. At ganoon nalang ang gulat at pagsinghap ko ng makita ang laman no'n.
Apat na libro!
And for goodness' sake! Sobrang sikat ng mga ito; Diary ng Panget, Worthless, Hell University at Montello High. Ang mamahal nito! P-papano? At kelan?
Imposibleng pumunta pa siya sa Cadiz para lang bilhin ang mga ito. Sobrang bago talaga. Mukhang hindi pa nabubuksan at ang amoy ay bagong bago. Nagulat ako ng pagkuha ko sa mga libro ay meron envelope sa ilalim nito.
Binuksan ko ito at sinimulang basahin.
I hope you like my gift. Please don't mind the price, okey? It's no big deal. —N.H
Ps. Thanks for your gift, I liked it. Btw, Merry Christmas, see you after NY.
Naguluhan ako sa huli. New year? Umalis ba sila? Nalungkot ako sa naisip at mas lalong nanlumo ako sa narinig ko kinahapunan 'kay Francisca.
"Umalis sila ate, sa cebu sila mag n-new year."
Malungkot man ay pinilit kong ngumiti. Babalik naman sila Nic! Akala mo naman umalis siya at hindi na babalik!
DUMAAN ang mga araw ng mabilis. Bukas ay New Year na. Kelan kaya exactly babalik si Nicholai? Oh well, I hope nag e-enjoy sila roon. "Ate, computer tayo." tumango lang ako. Gusto ko ring makinig ng music at manood ng random vids.
BINABASA MO ANG
TEARDROPS OF TOMORROW
RomansaNicole thought it was okay to like her neighbor, Nicholai Herrera silently. She's been in love with Nicholai for almost a decade. For Nicole, it was enough to see him and talk to him even for a second. When she turns into a high school student, she...