Chapter Eight

23 12 4
                                    

HABANG pinapatakbo ni Nicholai ang tricycle ay 'di ko mapigilang kiligin. Ba't sobrang pogi niya? Kahit naka sideview siya, grabe ang gwapo niya! Matangos na ilong, red lips, may mahabang pilik mata at makapal na kilay. Wala akong kilalang lalaking kasing gwapo niya— meron pala. Pero para sa akin, si Nicholai lang. Aaminin ko gwapo rin naman ang barkada ni Nicholai; si Clark at Rod pero ewan ko... mas malakas ang tama ni Nicholai sa akin. Para sa akin, siya lang at wala ng iba. Napangiti ako sa iniisip ko. Bakit baliw na baliw ako 'kay Nicholai?

He's really different.

"Cole, sama ulit tayo pag uwi mamaya ah?" tumango ako 'kay Jasmin. Nahatid na namin ang mga bata sa Elementary. Ang naiwan ay ako, si Jasmin at Nicholai. Sa harap kaming dalawa ni Jasmin, ako katabi ko si Nicholai kaya nagtatama ang balat namin. Grabe ang lapit ko sa kanya. Kahit na pinapawisan siya ay sobrang bango niya while ako, nevermind.

Nakarating kami sa school at nakita kong nag aabang si tito Nico sa labas ng school. Bumaba si Jasmin at may kinuha sa bag niya ako naman ay may nakahanda ng bayad at nang akmang magbabayad ako ng biglang umiling si Nicholai. Haluh, bakit?

"T-teka—" napanguso ako ng lagpasan ako nito. Tumungo ito 'kay tito at ibinigay ang susi. "Pa, pasok na kami." nakangiti namang tumango si tito. Nagdadalawang isip ako kung magbabayad o hindi kaso hinila na ako ni Jasmin kaya wala na akong nagawa.

"T-teka Min... nakapagbayad ka?" umiling siya. "Libre lang yun." napangiwi ako. "S-sigurado ka?" tumango siya. Sabay kaming dalawang naglakad habang si Nicholai ay nasa unahan namin. "Alam mo Cole, gusto kita. Kaso parang ayaw mo naman sa akin." umiling ako.

"Akala ko ikaw itong may ayaw sa akin." sabi ko. Agad siyang suminghap. "of course not! Gusto kaya kitang maging friend since noong makabalik kayo from Pulupandan kaso parang ang seryoso mo sa buhay. Ayaw naman kitang guluhin kaya ayun... iba nalang kinaibigan ko."

"So we're friends now then."

"English! Ayaw ko nang english pero yes naman 'no! Friends na tayo." nagtawanan kaming dalawa.

"Eto na pala classroom ko. Bye friend! See you later!" tumango ako at nag wave. Nagsimula akong maglakad habang ang mata ay nasa classroom nina Jasmin ng tumama ang mukha ko sa likuran ni—Nicholai! He's still here? I thought he went to our class already.

"Nic." said he then he face me. I swallowed my saliva and bit my lip. "Y-yes?" I asked him. "Sabay tayo mamayang hapon sa uwian." tumango lang ako.

Tumalikod na siya. "Let's go." tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Chubs!" biglang sumulpot si Clark sa tabi ko at inakbayan ako. Agad ko naman siyang tinulak. Nicholai stop and face us. "Clark, I have something to tell you." ani nito.

"What is it dre?" tinanggal ni Clark ang kanyang braso sa balikat ko at llumapit 'kay Nicholai. Ako naman ay napatingin 'kay Nicholai. He seems serious and I think they're going to talk something private. I walk and went to class by myself. Ano kayang pinag uusapan nila?


As I enter the classroom, my eyes roam around. Crystal's nowhere to be found. She's not yet here. Tumungo ako sa upuan ko at agad umupo roon. Tumingin ako sa pintuan at 'saktong pumasok si Nicholai kasunod si Clark at Rod na nakangisi.

Ano kayang meron?

"Cute! Good morning!" letsugas naman eh. Kay aga agang mang bwesit ng dalawang 'to. Umupo si Rod at Clark sa likuran at sumunod naman si Nicholai. "Usog." ani nito. "Usog daw Clark." ani ni Rod.


Si Nicholai ay nasa likuran ko?


Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko kaya agad akong yumuko at tinakpan ang mukha ko ng libro. Haluh, pa'no kung tinitingnan niya ako? Mapagkamalan pa akong timang. Kainis naman! Ba't tumayo lahat ng balahibo ko. Grabeng goosebumps naman 'to.


"Nga pala Lai, practice tayo later?" tanong ni Clark 'kay Nicholai. "Sa susunod na. I'm going home early today. " aniya.




"Cute, ayos kalang? 'Di ka ba nahihirapan d'yan? Mukhang ang pula pula mo na ah. Baka naman balak mong malagutan ng hininga. Parang ang diin ng libro eh." lintik ng Rod naman eh. Panira. Umayos ako ng upo. "Okey lang ako." sabi ko at kinuha ang libro na hiniram ko ulit sa tita Jen ko. It's Heartless by Jonaxx. The story's amazing. So amazing. 'Di ko mapigilang kiligin sa 'kay Rozen Elizalde. The leading guy of the story.


"What book is that Chubs?" tanong ni Clark. I don't want to answer him but I don't want to be rude. "Can I borrow it after you're done with it?" nagulat ako sa pagsalita ni Nicholai. He wants to borrow this? But why?


Even though I'm confuse. I nod. "When did you became a fan of wattpad Nicholai?" Rod asked. "Just now."


Now? As in right now?


Nicholai Herrera's really confusing. "Good morning class." all of us stood up and greeted our teacher back. I put the book inside my bag and then, the discussion started.


FINALLY, it's lunch time already. Ako lang mag isa. Absent na naman si Kulit. That girl didn't even told me that she won't join our classes for today. I pout when I saw my classmates left the classroom. "Uuwi ako ngayon pre, kayo?" tanong ni Rod kina Clark at Nicholai na ngayon ay nasa likuran ko parin. "I brought lunch with me today." tumango naman si Rod. "What about you cute?" bahagya pa akong nagulat ng tanongin ako nito.


"Uhm, I'm going to eat outside." sabi ko. Ang totoo niyan, plano ko talagang dito nalang sa classroom pero gusto kong bumili ng c2 kaya sa labas nalang.

"Okey, ikaw Clark?" baling nito 'kay Clark. Nakatitig si Clark sa akin at bumaling siya 'kay Nicholai. Then he suddenly sigh. "I'm going home as well. I forgot to take my allowance from mama."


"Kung ganoon, tayo na." tumango si Clark at walang lingon o paalam na umalis sa classroom, kasunod naman niya si Rod na ngayon ay nagtataka rin.


"So, you're eating alone? Your friend is not here." nagulat man ay nagawa ko paring tumango. "I-ikaw rin?" tanong ko. "Yeah," he nod.


He close his eyes and swallowed hard, he open his eyes and his eyes met mine. "Can we eat together Nic?" I didn't answered right away, instead, I just stares at his handsome face.


He asked me to eat lunch with him! How am I supposed to decline it?


"Why not?" I asked, not minding the nervousness I'm feeling at the moment. He smirk and walks towards me. I froze. He suddenly took my bag from my seat and said; "let's go then," then he walks first.

TEARDROPS OF TOMORROW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon