A/N: Tried to write with 2k words and I'm glad I succeed. Enjoy!
Nandito kami sa kainan ni tita Felicar. Ang may-ari ng FMB Barbeque sa balintawak. Bumili ako ng big shot at isang paklay. Tig bente ang big shot habang ang paklay ay tig sampu. Nicholai bought bihon, pancit, dalawang piraso ng big shot, 'saka dalawang buko juice. Haluh, ba't ang dami? Kami lang ba ang kakain o may kasama darating siyang kasama?
"Uhm, Nic?" umangat ang tingin niya sa akin. Nag aantay sa tanong ko. I cleared my throat and ask. "May darating ka bang kakilala?" lakas loob kong tanong. Kumunot ang noo niya at umiling. Siguro na weirdohan sa tanong ko. "Why?" agad akong nagpalusot. "Ah wala. Akala ko lang. Teka nga pala, bibili muna ako ng C2—" nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "B-bakit?" kinakabahan kong tanong. My heart is beating so fast.
"This is for you, mamaya kana mag C2." inilagay niya sa harap ko ang buko juice. Nanghihina akong bumalik sa pagkakaupo. "P-pero..." umiling siya.
"Just eat." napanguso akong tumango. May nakita akong munting ngisi sa mukha niya. "Here, don't be shy to take anything. If you won't touch any of the foods I bought, I swear, I'll do anything to make you."
Si Nicholai ba 'tong kaharap ko? He seems really different.
Madaming foods sa harap. Kinain ko ang big shot ng una at ganoon din siya.
"Hey guys!" nagulat ako ng sumulpot si Jasmin. Napaubo ako ng humarang ang pagkain sa lalamunan ko. Akmang aabotin ko ang buko juice ng maunahan na ako ni Nicholai na buksan ito. Binigay niya agad sa akin ang buko juice. "Oh my G! Sorry Nic!" natatarantang paghingi ng paumanhin ni Jasmin ng tawad. Nang okey na ay napahinga ako ng malalim. "O-okey lang. Nagulat lang ako."
"By the way, kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at kinakabahang tinignan si Nicholai na ngayon ay walang ka reak-reaksyon ang mukha. "Ahh Nic! Aalis na ako. B-bumili lang ako ng tubig. Sige bye!" nagmamadaling tumakbo si Jasmin papalayo.
"Okey." mahinang usal ko. Binalingan ko si Nicholai. "Kain kana." ani niya. Agad naman akong tumango at yumukong kumain. Grabe! Ano kayang itsura ko kanina noong nabilaukan ako? Siguro ang pula ng mukha ko. Kasi naman eh. Ba't ba ang gulatin ko?
Natapos kami ng kain at grabe, sobrang busog ko. Nicholai only touch the big shot and the sabaw while me? I finished all the food without any leftover. Gosh, sumikip yung palda ko ah. "Let's stay here for a moment." tumango ako. We stayed there silently. Nicholai's eyes were on me. Ano bang meron?
"Uhm, may dumi ba ako sa mukha?" ngumisi siya at umiling. "Nothing, tara na?" tumango ako. I was about to grab my bag when he did it first. "Ako na."
Nakarinig ako ng singhapan ng madaanan namin ang grupo ni Jenny. They're looking on us eyes wide open. Jenny's mouth parted and so was her friends. I couldn't help smirking. Oh my gosh! Feeling ko tuloy ang haba haba ng hair ko.
Nagulat ako ng hawakan ni Nicholai ang siko ko at huminto kami. "Tumingin ka sa daan." napakagat ako ng labi at tiningnan ang daan. Ang tanga mo Nic. Kung wala si Nicholai ay baka napano kana. May dumaan pa namang motor. "Thanks." he just look at me then nod. I couldn't help but to blush.
Never in my existence I thought that Nicholai would eat lunch with me in reality, never did I thought that he'll hold my bag as we walk, and never did I thought that I will have the chance to be this near to him.
Now, it's happening and I don't know what to feel. Nicholai was still holding as we walk pass the road. Students eyes are on my, but I don't care. I just want to feel his warm hand on my arms.
Nakaramdam ako ng lungkot ng bumitaw siya sa akin pero napangiti parin ng makitang hawak hawak niya ang aking bag. Pagkarating namin sa classroom ay inilagay niya ang bag ko sa upuan ko at ganoon din sa kanya. Napakagat ako ng labi at huminga ng malalim. I will thank him for his treats and kindness.
BINABASA MO ANG
TEARDROPS OF TOMORROW
RomanceNicole thought it was okay to like her neighbor, Nicholai Herrera silently. She's been in love with Nicholai for almost a decade. For Nicole, it was enough to see him and talk to him even for a second. When she turns into a high school student, she...