Chapter Fifteen

29 7 0
                                    


Pagkatapos nang araw na ‘yun, hindi na sila ulit nagkasamang tatlo. Feeling ko may hindi sila pinag uunawaan at feeling ko isa ako sa may kinalaman doon but then... Ano?

Clark is no longer teasing me like he did before and so was Rod. Masaya nga ako na hindi na pero i don't really understand anything. I sigh harshly. Bakit ba ang hirap basahin nang mga tao?


“May gagawin ako mamaya, Nic. Hindi ako makakasama sa’yo pauwi.” medyo dismayado man ay tumango ako at ngumiti. “Okay.” I said. Feeling ko sobrang pagod ko ngayong araw na’to. Salamat nalang at byernes na.


Nang dumating ang hapon ay naglinis ako ng classroom. Si Nicholai ay umalis at mukha siyang nagmamadali. Gusto ko siyang tanungin kung saan siya pupunta pero feeling ko wala naman akong karapatan— wala pala talaga akong karapatan.



Umalis na ako ng classroom at pansin kong wala na masyadong studyanteng kagawa ko sa campus. Tiningnan ko ang relo ko at ngayon ko lang napansin na ala sinco y medya na pala. I sigh for the nth time today at tinali ang buhok ko dahil sa sobrang init.



Pikit mata akong naglakad dahil sa pagod at antok pero bigla akong muntik matumba mabuti nalang at may humawak sa akin. “Tsk, ba’t ka natutulog habang naglalakad?” napakurap ako at inayos ang pagtayo. Si Clark...



“Wala ka nang pake do’n” I said and walk pass him. Nag tsk ulit siya. “Do you really like him?” natigilan ako.


“Wala ba talaga akong chance?” nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig. “I like you, Nicole. I like you since day one. I like you even before he noticed you! I like you so much. Pero paano mo naman mapapansin ‘yun? Kung ang nakikita mo ay walang iba kundi si Nicholai! I hate this feeling! Kung alam ko lang na wala akong chance sana hindi ko hinayaan ang sarili kong lumapit sa’yo! Alam mo ba kung gaano kasakit makita ka kasama si Nicholai! Hindi dahil wala kang pake! Puro Nicholai! Nicholai! Nicholai!” nilingon ko siya kahit kinakabahan ako.


“How? Palagi mo nga akong binubully.” sabi ko. “Don’t answer that... I’m sorry Clark. I can't force myself to like you. I just want to be friends with you because i only sees you as one. I’m really sorry—”



“He’s in a relationship with someone Nic.” napaupo ako sa gulat at panghihina. Agad siyang lumapit at akmang iaabot ang kanyang kamay sa akin pero itinaboy ko yun. I felt numb all of the sudden. I know Clark, he always make fun and bully me but he's never a liar.


“Okay lang ako. Nagulat lang ‘saka a-ano naman d-di ba? Wala namang kami.” tumayo ako at naglakad ng walang paalam. Ramdam kong nakasunod siya at nagpapasalamat akong hindi na siya nagsalita pa. I can't hear any more words about Nicholai. I just can't.


Nakakapagod naman.

Ano ba Nicole! Stop thinking about him! May girlfriend na ang tao! Dapat lumayo ka sa kanya. Nakakahiya sa girlfriend niya kung makita niyang palagi kayong magkasama ni Nicholai. Sumakay ako ng tricycle at hindi pinansin ang tumabi sa akin na si Clark. Sarap itulog, para kahit papano ay ‘di ako makapag isip dahil hindi ko naiintindihan si Nicholai.


How can he be friends with a girl and give her things that costs thousands? Instead of giving me those things and paying for our foods bakit hindi niya iyun ibili for his girlfriend?



Nagulat ako ng may humawak ng pisngi ko, na realize kong umiiyak na pala ako. Bakit ba ako umiiyak? Wala naman akong karapatang umiyak. Nag assume ako, oo. Pero sino namang hindi di ba? “Shh...” ipinatong ni Clark ang ulo ko sa kanyang balikat at mas lalo akong napaiyak. Sana hindi nalang ako nakipaglapit ‘kay Nicholai. I should have stayed away from him in the first place.




Dumiretso ang tricycle papunta sa amin pero hindi nagsalita si Clark. Hindi siya pumara. I sighed at inayos ang upo ko kahit na umiiyak parin ako ay pilit akong umakto ng normal. Bumaba ako ng tricycle at ganun din si Clark. Magbabayad na sana ako kaso naunahan niya ako. Wala akong lakas para makipag talo sa bayad kaya naglakad nalang ako. “You don't need to send me home Clark. Babayaran nalang kita sa Monday. Pagod na ako.” I heard him sigh. “Dadaan ako sa lugar niyo. Pupunta ako kina Rod.” I nod. Naglakad ulit ako pero mahina lang. Wala na talaga akong lakas.


Nang makarating sa amin ay hindi ko tinapunan ng tingin si Clark pero nagpasalamat ako. Pagpasok sa bahay ay bumuhos ang luha ko mabuti nalang at wala sina Mama at Francisca. Pumunta ako sa kwarto at padapang humiga. Iyak ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako.


Alas otso nang gabi ng ginising ako ni mama para maghapunan. Wala sa sarili akong kumain ng hapunan. Pagkatapos ay humiga ako ng kama at natulog. Alas onse na nang tanghali akong nagising kaya pagbangon ay kumain ako ng pananghalian. Pansin kong wala si mama, siguro ay may pinuntahan. Wala rin ang kapatid kong si Francisca. Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng mga pinggan at naglinis ng bahay bago naligo. Wala akong planong lumabas ng bahay.


“Tao po!” sumilip ako sa pinto at nakita ko si Janna. “Ano ‘yun?” tanong ko. “‘Te, sino kasama mo?” tanong niya. Naguguluhan man ay sumagot ako. “Wala, bakit?” tanong ko.


“Ate, sabi ni kuya Lai, okay lang ba daw pumunta ka sa kanila. Birthday niya po kasi.” natigilan ako.


B-birthday niya?


Bakit niya ako ipapatawag?

Umiling ako at mapait na ngumisi. “Sabihin mo na may sakit ako, ‘di ako pweding lumabas ng bahay. Ayokong makahawa.” tumango si Janna at umalis. Humiga ako sa kama. “Ano bang gusto mo Nicholai? Bakit mo ba ‘to ginagawa?” bulong ko at pinikit ang mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.



Gabi na ng magising ako. Agad akong bumangon ng napansin na sobrang dilim ng bahay. Binuksan ko ang ilaw at nakita kong may papel na nakalagay sa ibabaw ng maliit na lamesa namin sa sala. Binasa ko ito.


Nak, dito kami ni iska sa kay tito toto mo. Hindi ka na namin ginising dahil pagod ka. Uuwi kami mamaya. May bday kasi dito at tutulong ako. Bili ka nalang ng ulam sa kay labas.

May pera na nakalagay sa mesa. Ayaw ko mang lumabas para bumili ay wala akong choice lalo na’t gutom narin ako. Lumabas ako ng bahay at salamat dahil gabi na. Tumungo ako kay tiya Sandra dahil baka may ulam siyang tinda. Malamig pala, hindi ako nakapag suot ng jacket. Niyakap ko ang sarili ng dumaan ang malakas ng hangin. Dumaan ako kila Nicholai at mukhang marami silang bisita.



I want to greet him for his birthday. Pero... I can't face him.


“Tao po!” tawag ko. Lumabas ang asawa ni tiya Sandra. “Meron pa po kayong ulam na tinda?”

“Wala na Cole. Kakaubos lang.” nanghina ako sa narinig. “Ahh okay po salamat—”

“Coke po. Tatlong litro.” natigilan ako ng marinig ang boses niya. Sobrang lapit niya. Nakakapanghina.


Akmang aalis ako ng humarang siya. Lumiko ako sa kung saan hindi siya nakaharang pero bigla ulit siyang humarang. “Padaan.”

“Pagkatapos kong makabayad.” bulong niya. I hate this. I hate being so weak in front of Nicholai Herrera.


Pero kahit anong panghihina ay humanap ako ng madaanan, nang kinuha niya ang tatlong litro ay nagmamadali akong lumakad papalayo sa kanya. Pero... may pumigil.



Pinigilan niya ako. Bakit mo ‘to ginagawa Nicholai?



“Wala tayong dapat pag usapan Nicholai. Uuwi na ako.” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. “No. Not until you tell me what the problem is. Obviously you're not sick. So why did you tell Janna that you were? I did something that made you upset ‘cause if i didn't then you shouldn't be acting like this.” nilingon ko siya.


“You did nothing. I’m the problem. Okay? So let go.” he shook his head but then...



“I’ll let you go.”





“Because this is bad.” he said and let go of me.




ANONG BAD NICHOLAI? WHY CAN'T YOU JUST TELL ME A THING! I want to ask him so many questions but then... I give up.

TEARDROPS OF TOMORROW Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon