CHAPTER 01: Sudden Favor?

34.2K 729 92
                                    

Binuhat ko kaagad ang gamit ko at dalawang maleta papunta sa sala. Nakita ko kaagad sina Nanay at Tatay na kasama pa nito ang kapit bahay namin na nakatingin sa bintana namin habang naluluha. Pati si Pareng Loloy at Nay Poring ay malungkot na tinignan ako.

Agad napunta ang tingin nila sa maleta na dala-dala ko. Napaluha na lang ang lahat nang biglang umiyak si Ching tsaka agad naman 'yon sinundan ng tatlong batang lalaki, ang mga pinsan ko.

"Ate, b-balik ka po kaagad, ha?" Panay punas naman nito sa pisngi habang humihikbi. Binitawan ko kaagad ang maletang dala ko at lumapit sa mga bata.

"Ching, huwag ka ng umiyak uuwi naman ako kapag pasko, eh, tsaka birthday ninyo," at tinignan ko si Boy, Yokyok at As-as. "...uuwi din ako sa birthday ni Tatay," dugtong ko.

Agad naman itong tumango kaya niyakap ko ito hanggang sa tuluyang nagyakapan naman kaming lahat.

Napatingin kaagad ako sa pinto ng nakita ko si Dayan at Fey na hinihingal at mukhang kakagaling sa pagtakbo. Agad naman itong tumingin sa 'kin habang naluluha na.

"Tres! Wag mo kaming iwan! Maawa ka!" bigla na lang itong sumigaw at nag-drama pa sa harapan ko. Napasapo naman ako sa ulo ko.

"Hindi ko kaya!"

"Tres! Please! Don't let us leave together with us, please! Tres for sake!" Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Sumama naman kaagad ang mukha ko dahil sa pinagsasabi ng dalawa.

"Yes! Yes! Don't ever come there–"

"Hoy! Tumahimik nga kayo!" Singhal ko sa dalawa. "Kung ano-ano lang 'yong pinagsasabi niyo," putol ko pero hindi ako pinansin ng mga 'to. Sabay silang sumugod sa 'kin nang yakap at paluha-luha pa.

"Oa na kung oa! Wala kaming pakialam!"

"Oo nga!" Singit ni Dayan. Agad naman nitong tinignan si Nanay at nagmakaawa. "Nanay! Wag niyo hong paalisin si Tres! Ayaw ko pong si Fey ang number one beauty dito sa bayan natin!"

Natigilan naman ang isa tsaka sinamaan ng tingin. "Hoy, Dayan! Hindi ko pwede palitan si Tres kahit umalis man siya!"

"Mabuti naman." Inirapan kaagad niya ito. Napakamot naman ako sa buhok at inis na tinignan ang dalawa.

"Bitaw na nga kayo kailangan ko ng umalis." Aniko. Bumitaw naman kaagad ang dalawa sa sinabi ko. "Babalik naman ako dito kaya huwag kayong umiyak. Ang pa-panget niyong tingnan."

Lumapit naman kaagad si Nanay at malungkot akong niyakap. "Pasensya kana anak, ah? Kung may pera lang tayo edi sana hindi kana kailangan lumayo samin papunta sa syudad at mag-trabaho." Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya.

"Nanay, paulit-ulit niyo naman 'yan sinabi. Wala namang problema sa 'kin 'yon," malambing na sabi ko. Agad namang lumapit si Tatay sa 'min.

"Nak, ang daming masasamang loob at mga manipuladong tao don kaya mag-ingat ka ha? Kung magkaroon ka man ng kaibigan, piliin mo 'yong hindi basogarela anak. Hindi–"

"Hindi naman masamang mamili ng kaibigan," putol ko kaagad sa kanya. "Tatay paulit-ulit niyo rin 'yan sinabi sa 'kin." Aniko kaagad ang sinabi niya.

Sabay kaming napatingin lahat kay Pareng Loloy ng bigla itong nag-salita. Lumabas na pala siya.

"Tres! Nasa labas na ang sasakyan. Kailangan na nating lumabas dahil naghihintay na ang driver don," anito.

Tumango naman kaagad ako at sabay kaming lumabas lahat. Si As-as at Yokyok pa ang nagdala sa mga gamit ko tsaka binigay 'yon sa driver para ilagay sa loob ng sasakyan.

"Mag-ingat po kayo don, Ate," wika ni Ching at niyakap ko ito.

Malungkot naman niya akong tinignan kaya binigyan ko lang ito ng ngiti tsaka ginulo ang buhok nito.

Babysitting The Billionaire's TripletsWhere stories live. Discover now