Magdadalawang araw ng hindi ko nakita si Damon sa bahay. Siya kasi ang pinabantay ng Nanay niya kay Eloise sa hospital. Simula nung nangyari ay napapansin kung lumalayo na si Axciel at Azriel dahil sa ginawa ko raw na pagtulak kay Eloise sa hagdan. Pilit kung ipinaliwanag sa kanila ang lahat pero ayaw nilang maniwala sa 'kin.
Hindi ko mapigilang masaktan kasi parang ako na ang masama dito. Naawa na ako sa sarili ko. Gusto kung umalis pero may parte sa puso ko na pumupigil.
"Tres."
Napatingin kaagad ako kay Sawyer ng nakita ko itong hawak-hawak si Sabrina. Hindi ko alam kung pati si Sawyer ay naniwala sa kasinungalingan ni Eloise.
"S-sawyer..."
"Mabuti pang kumain ka muna. Hindi magugustuhan ni Damon na makita kang ganyan."
Pero agad akong umiling-iling sa sinabi niya.
"Sawyer, n-naniwala ka ba na kaya kung gawin ang bagay na 'yon?" hindi ko alam dahil nasasaktan ako ng hindi ito sumagot. Isa lang ang ibig sabihin nun. Napabuntong-hininga naman ito at mariin niya akong tinignan.
"Don't stave yourself. Uuwi na sila dito mamaya," aniya at tinalikuran ako.
Napayuko naman ako at wala sa sariling pumunta sa kwarto ko. Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong umiyak.
Una, hindi na ako pinansin ng mga bata.
Pangalawa, galit sa 'kin ang nanay ni Damon.
Pangatlo, alam kung nag-iba ang tingin ni Damon sa 'kin dahil sa ginawa ko raw pagtulak ni Eloise sa hagdan.
Hindi ko alam kung naniwala ba siya o hindi, alam niya naman siguro na hindi ako ganung klaseng tao na manakit ng kapwa. Alam niyang nagseselos ako kay Eloise pero hindi ko kayang saktan ang babae'ng iyon kahit galit ako sa kanya.
Binagsak ko naman ang sarili ko sa kama at kasabay nun ay tumunog ang cellphone na bigay sa 'kin ni Genesis noon. Pinaayos ko kasi pero hindi ko palaging dala dahil nakalagay lang ito palagi sa drawer. Pinunasan ko naman muna nag pisngi ko bago sinagot ang tawag.
"H-hello Sir Genesis?" magalang kung sabi nito. Nilayo ko naman kaagad ang cellphone ng bigla akong napasinghot.
Narinig ko pang napabungtong-hininga ito sa kabilang linya.
["How are you?"]
"Ahh, okay lang ho s-sir." Hindi. Magiging okay na ako pag-aalis si Eloise sa buhay namin. At maibalik na sa dati ang lahat.
["May gagawin ka ngayon?"]
"Wala naman ho, bakit?"
["Aayain sana kitang mag-lunch, if that's okay with you."]
Marahan naman akong napatango. "S-sige ho.
["I'll pick you up. Sa labas ka mag-hintay."]
Nagpaalam naman ako rito bago pinatay ang tawag. Nagbihis kaagad ako tsaka lumabas na. Nakita ko pa si Sawyer kaya nagpaalam ako sa kanya ni tanging tango lang ang binigay nito sa 'kin. Nagpaalam na rin ako kay Nay Ema at tuluyan na akong makalabas.
Nakita ko kaagad ang kotse ni Sir Genesis na kakarating lang tsaka ito lumabas. May halong lungkot na ngiti ang binigay niya sa 'kin.
"Let's go?"
Tumango naman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka ako pumasok.
"Birthday ng pamangkin ko." Anito at napatingin kaagad ako sa kanya habang kumunot ang noo ko.
"Sino ho?"
"Unang anak ni Lucas."
"Ah-h Sir, wala ho akong regalo." Aniko. Napatawa naman ito sa sinabi ko.
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire's Triplets
ActionCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...