Maaga akong gumising para paglutuan si Lola ng suman. Ginising kasi niya ako kaninang madaling araw dahil gusto niya kumain ngayon ng suman dahil matagal na siyang hindi nakakain n'un. Syempre hindi ko pwedeng tanggihan iyon, nami-miss ko ring kumain ng suman.
Nasa iisang kwarto lang kasi kami ni Lola. Bali dalawang kama ang nandon, sa akin at sa kanya. Mas madali kasing maalagaan ko si Lola kung nasa iisang kwarto lang kami at para na rin hindi siya ma-bored tsaka may kachikahan rin siya.
Nang matapos kung lutuin ang suman ay napag-desisyon akong, ako na lang ang magluto ng agahan nila Tita. Nakita kung papasok si Tita sa kusina kaya tinimplahan ko kaagad ito ng kape at nagpasalamat din naman ito.
"Ihja." Agad akong napatingin kay Tita ng tinawag niya ako. Nakatalikod kasi ako habang nagluluto.
"Bakit ho Tita?"
Kita kung nagdadalawang isip itong sabihin ba o hindi. Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita.
"Balak sana namin dalhin si Mama sa Amerika para sa treatment niya... naawa din kasi ako sa asawa ko dahil laging buma-biyahe para makita lang ako. Nandon kasi lahat ang negosyo namin..." Agad naman akong natigilan sa sinabi niya. "Gusto ko sanang dalhin ka din don... Kung papayag ka..."
"T-tita medyo malayo po ang Amerika..."
Ningitian niya naman ako. "Hindi naman kita pinipilit. Ikaw lang kasi ang mapagkakatiwalaan ko pagdating sa pagbabantay ni Mama. Alam ko namang ayaw mong pumunta sa medyong malayong lugar para tuluyang malayo sa pamilya mo."
Napayuko naman ako sa sinabi niya.
"Wag kang mag-alala. Hindi ko naman sinabing mawawalan ka ng trabaho pag pupunta kami don. May kakilala akong kaibigan ni Di na naghahanap ng tagabantay sa apo niya. Malaki rin ang kikitain mo don," dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya at tumango.
Parang magi-guilty ako kung hindi ako sasama sa kanila para bantayan si Lola. Ayaw ko naman kasing malayo kina Nanay... Medyo malayo ang Amerika...
Sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok don si Tito. Agad naman itong lumapit kay tita para halikan ang pisngi nito.
"Good morning po," bati ko tsaka bumati naman ito pabalik.
"Kakarating mo lang dito?" Takang tanong ni Tita sa kanya. Tumango naman si Tito at tsaka umupo.
"Dumiretso na ako dito para makita naman makita kita," anito tsaka nakita ko pang kinindatan si Tita. Kita ko namang namumula ang pisngi nito at nag-iwas tingin.
Mukhang na third wheel ako ngayon ah. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Tita, gigisingin ko lang muna si Lola," aniko at nagpaalam. Para naman ang time sila sa isa't isa ni Tito, mukhang nami-miss din nila ang isa't-isa.
Ngumiti akong pumasok sa kwarto namin ni Lola at nakikita ko itong mahimbing na natutulog. Kahit may ka-edaran na siya kita mo pa rin ang ganda ng mukha niya.
"Lola... gising na..." May paglambing na boses ko.
"Kanina ko pa natapos ang ni-request niyong suman, lola. Nakita ko pang kinain pa ni Tita ang isa don. Baka maubos 'yon." Natatawa kung sabi.
"Lola gising na kailangan niyo ring uminom ng gamot." Aniko pero hindi pa rin ito gumising kaya nagsimula na akong kinabahan.
"Lola? Gising na ho. Kailangan niyo na pong kumain..." Dahan-dahan ko itong niyugyog kaso hindi pa rin.
Kinabahan na ako kaya naramdaman ko nang may namumuong luha sa mga mata ko.
"Lola? G-gising ho..."
Mas nilakasan ko ang pagyugyog nito kaso hindi talaga gumising. Dali-dali kung hinawakan ang kamay nito, agad kung naramdaman ang lamig ng kamay niya dahilan napasigaw ako ng malakas.
VOUS LISEZ
Babysitting The Billionaire's Triplets
ActionCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...