CHAPTER 26 : WARNING

18.1K 457 167
                                    

Warning SPG

Mag gagabi na ay wala pa ring nagpapakitang Damon sa bahay. Hindi ito nagpapakita sa 'kin simula nung nangyaring usapan namin don sa bukid. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya nagsimula na akong kinabahan.

Wala pa naman iyon alam dito. O baka naligaw.

Napatingin naman ako sa mga bata na nasa mesa, kumakain. Si Nanay ang nag-asikaso sa kanila dahil kapag pagpapakain sa mga bata talaga ang pag-uusapan ay siya talaga ang mag-asikaso.

"Tay."

Tawag ko kay Tatay ng papasok na ito sa bahay. Nagtataka naman itong tumingin sa 'kin.

"Ano?" Aniya

"Nakita niyo si Damon? Kanina pa 'yon hindi nawawala." Nag-alalang sabi ko.

Napatingin naman siya sa mga bata na nasa mesa hanggang napunta ang tingin nito kay Sawyer na natutulog sa mahabang upuan gawa sa kahoy. Natutulog ito habang nakabuka ang mga hita nito at naka-bukas ang bibig na natutulog.

Pagod na pagod sa ipinagawa ni Tatay sa kanila kanina. Kanina pa siya natutulog hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.

Si Damon kaya? Hindi ba siya napagod kanina?

"Hindi ko alam kung saan 'yon nagpunta pero kanina nanghiram sa 'kin ng lampara."

"Sge, hahanapin ko muna 'yon. Malapit ng mag alas otso ng gabi baka maligaw pa iyon dito." Aniko. Tumango naman si Tatay.

Pumunta muna ako sa kwarto at kumuha ng flash light.

Aanhin niya naman ang lampara? At tsaka saan naman nagpunta ang lalaking 'yon. Napadaan pa ako sa basketball court na andon ang nakaparadang helicopter. Sumilip naman ako saglit, nagbaba-sakaling andon si Damon pero wala.

Mga tauhan lang niya na natutulog habang nakabukas ang bibig. Pagod rin katulad kay Sawyer.

Maliwanag din ang buwan. Kinuha ko muna si Whitey para isama. Nilibot ko ang palayan ay wala siya don. Pumunta naman ako sa batis ay wala siya don. Napadaan ako sa niyugan at nakita ko si Manong Kado. May dala-dala itong kahoy, gawin atang panggatong.

"Manong Kado!" Tawag ko rito. Napatingin naman ito.

"Oh, Tres, bakit? Gabi na bakit nasa labas ka pa?"

Napakamot naman ako sa batok. "Nakita niyo po si Damon? Hindi pa kasi umuwi sa bahay kanina pa, baka naligaw 'yon."

"Iyon boyprin mo ba ang tinutukoy mo?" Tanong nito. Nagdadalawang isip pa akong tumango rito.

"Ah-h oho, nakita niyo po?"

Tinuro niya naman ang daan papuntang bukid. "Nakita ko siyang papunta sa bukid. May dala pa 'yong lampara. Binati niya nga ako, tapos tinanong ko kung anong gagawin niya, may naiwan lang daw."

"Ah sige Manong Kado, maraming salamat." Tumango lang naman ito.

Agad akong pumunta sa bukid para tingnan siya don. Natigilan nalang ako ng biglang huminto si Whitey at pumunta sa damuhan para kumain.

Napakawala ako ng hininga at bumaba. Medyo malapit na lang naman kaya mag-lalakad na lang ako. Pagdating ko ay agad kung nakita sa unahan si Damon na naka-hilig sa may maliit na puno habang nasa tabi niya ang lampara. Nakasuot ito ngayon ng t-shirt, jacket at pantalon.

Mabuti't nakabihis siya.

Ang lalim ng iniisip niya. Hindi naman gaano kadilim kasi medyo maliwanag ang buwan.

Hindi ko mapigilang pagmasdan siya sa malayo. Andaming tuloy pumasok sa isip ko. Mga tanong tungkol sa buhay niya. Tungkol sa mga bata. Ina ng mga bata. Mga pinagdaanan niya noon nung wala pa ako sa buhay nila.

Babysitting The Billionaire's TripletsWhere stories live. Discover now