"Good morning po Lola, kailangan niyo na pong kumain kaya tutulungan ko na po kayo umupo sa wheelchair niyo," masiglang sabi ko at tumango lang ito.
Inalayan ko itong tumayo para maka-upo kaagad sa wheelchair tsaka dahan-dahan ko na itong tinulak papunta sa sala para makakain na.
Kailangan pa kasing niyang uminom ng gamot.
Naabutan namin si Tita na kumakain. Wala si Tito dahil maagang pumunta sa ibang bansa dahil may meeting daw. Kami na lang tatlo dito at ibang katulong. Tatlong araw ko ring hindi nakita si Genesis simula nung nakita ko siyang pumasok sa kwarto niya para kunin ang folder nito.
Bumati naman ako rito kaso hindi man lang ako pinansin. Mukhang galit ata eh. Teka, ba't ko naman hinahanap ang lalaking iyon?
"Sumabay ka nang kumain dito ihja," alok ni Tita kaya agad namang akong tumango. Ako na ang naglagay ng pagkain sa pinggan ni Lola at narinig ko namang itong nagpasalamat.
Sabay kaming napatingin kay Tita ng biglang tumunog ang cellphone nito.
"Excuse me, tumawag si Di," tukoy nito kay Tito at tumalikod na. Tahimik na lang kaming kumain ni Lola. Muntik na akong mabilaukan dahil sa tanong nito.
"Napag-isipan muna, Ihja?"
Pilit ko itong ningitian at napa kamot sa batok. "Lola, 'wag ka pong malulungkot Lola ha? hindi pa kasi ako ready sa mga ganyan eh... pwede n-naman...kaibigan ko?" nagulat na lang ako ng bigla nalang itong tumawa dahil sa sinabi ko.
"Ihja, sinusubukan lang naman kita! nakakatuwa kang bata ka," natatawa na sabi nito dahilan napanguso ako.
"Eh Lola, sa loob ng isang linggo niyo na kasi palaging tinatanong sa akin 'yon na aakitin ang apo niyo. Nakakakaba. Alam ko namang gwapo ang apo niyo pero hindi ko naman kayang ako ang uunang aakit sa kanya. Nakakatakot naman po ang hiling niyo," napakamot tuloy ako sa ulo ko pero tumawa lang ito. Okay sana kung siya ang aakit sa 'kin.
Tumingin ito sa likod ko at natigilan. Nagulat lang ako sa sinabi ni Lola.
"Oh, kanina ka pa dyan Genesis?" kibit-balikat na sabi nito.
Nanlaki tuloy ang mata ko dahil sa narinig. Narinig niya ba ang s-sinabi ko?
"Yeah..."
Para akong binuhusan ng isang timba na naglalaman ng ice dahil sa sagot nito. Sa buong buhay ko parang ngayon ko lang gustong tumalon sa tulay.
"Sit down, eat with us," alok ni Lola sa kanyang apo kaya agad naman itong sinunod ni Genesis. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya habang nanlaki pa rin ang mga mata ko dahil hindi ko akalain na tatabi ito sa 'kin! sa dinami-daming upuan dito bakit sa akin pa siya tatabi!? pwede naman kay Lola ah!
"Nabalitaan kung muntik ng bumagsak ang kompanya mo?" pormal na sabi ni Lola.
Pagkasabi niya n'un ay dahan-dahan kung inusog ang upuan ko kay Genesis dahil nahihiya ako sa kanya. Buti na lang hindi niya ito pinansin at sinagot lang ang mga tanong ni Lola.
May pinag-uusapan sila tungkol sa company kanya nag-excuse muna ako pupumunta sa labas dahil may sasabihin ako kay Tita. Nakita ko naman itong papasok na sana.
"Tita?"
Agad naman itong napatingin sa 'kin. "Oh, bakit ihja?"
"Pwede ko bang dalhin si Lola sa labas? 'yong may playpark sa kabila? may nakita kasi akong magandang lugar don kahapon kaya naisipan kong dalhin si Lola don para naman makalanghap ng sariwang hangin. Palagi na lang kasi siya nasa loob."
Ngumiti na lang itong tumango sa sinabi ko. Mukhang gusto niya ang sinabi ko.
"Maganda iyon Ihja. Matagal na 'yong hindi lumabas. Basta mag-ingat lang kayo ha? tawagan mo kaagad ako kung may nangyari."
ESTÁS LEYENDO
Babysitting The Billionaire's Triplets
AcciónCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...