CHAPTER 16 : Feelings

18.9K 528 191
                                    

"Oh? Sir Damon? Hindi po kayo papasok sa opisina?" Taka kung tanong ng nakita ko itong nakaupo sa sofa habang may binabasa sa laptop niya. Kakagising lang nito, eh tanghali na. Saglit niya naman akong binalingan at ibinalik kaagad ang tingin sa laptop niya.

"Sir?" Ulit ko kasi hindi ito sumagot!

Lentek na among 'to. Sigurado naman akong hindi 'to bingi ah.

"No." Maikling sagot nito.

Inikutan ko lang 'to ng mata at nagpatuloy lang sa paglalakad patungong kusina. Hindi ko tuloy mapigilang mapakanta ng mahina. Sure naman akong matatamaan ang isa na 'andito pag kinanta ko 'to.

"Isang himala . . . nasa langit ba-"

"Naririnig kita." Rinig kung sabi nito kaya dali-dali kung inihakbang ang mga paa ko para makalayo kaagad sa kanya.

Babarilin pa ako n'un.

Wala lahat ang mga kasambahay rito dahil sabay-sabay nagsialisan-day off pala. Si Berta at Nay Ema ay wala rin kaya ako dapat ang magluluto ngayon. Wala namang ibang gagawa n'un kundi ako lang. Ang mga bata ay nasa swimming pool, naglalaro kasama ng mga aso nila.

Nagulat nga ako nang nakita kung marunong pa lang lumangoy ang mga aso nila.

Magpaturo kaya ako sa mga aso na 'yon kung paano lumangoy.

Pakanta-kanta ako habang kinuha ko na ang mga kailangan kung ingredients. Nag request na naman ang mga dawinde na sinigang at pritong isda ang gusto nilang kainin. Buti nalang may isda pa.

"Hey."

"Lintek!" Napatalon ako sa gulat at tumingin kung saan nanggaling ang boses na 'yon. "Ano ba sir? Palagi ka na lang sumusulpot kung saan-saan ah!" Reklamo ko rito. Hindi niya naman ako pinansin.

"Bihisan mo ang mga bata, may pupuntahan tayo," anito.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Saan ho?"

"Somewhere over the rainbow."

Nakita ko pa itong hindi rin makapaniwala sa sinabi niya.

"Joke ba 'yon Sir? kanta 'yon iyon hindi lugar." Naguguluhan kung sabi. Blangko niya naman ang tinutukan na para bang sinusuri ang buong mukha ko.

Iba.

Iba ang tingin eh! Kakaibang tingin na hindi ko maintindihan!

"Don't call me sir." Napakamot naman ako sa batok ko.

"Eh? Ano po itatawag ko ho sayo? Damon?"

Tumango naman ito kaya napangiwi ako. "Damon?" Tanong ko. Tumango naman ito ulit. "Satanas?" Hindi ko mapigilang mapalakas ang tawa ko sa harap ng pagmumukha niya. Kung makikita ko pa ang mukha sa salamin ko siguro para na akong si Angry Bird dahil sa sobrang pula. Iyong tawa ko naman ay boses ni Daffy Duck.

Nakita kung hindi makapaniwalang tingin ni Satanas sa mukha ko.

Bakit hindi ko mapigilan ang tawa ko. Parang may komo-kontrol sa tawa ko! Pagtitingnan ko naman ang mukha ni Satanas ay matatawa na ako.

"Fuck." Rinig ko rito pero hindi ko na 'yon pinansin at nagpatuloy lang sa pagtawa.

Litsugas.

Tinalikuran lang ako ni Satanas at lumabas na. Mukhang natatakot na 'yon sa nangyari sa 'kin.

Habang ako ay patuloy lang sa pagtawa at sinundan siya ng tingin hanggang mawala ito sa paningin ko.

Unti-unting nawawala ang tawa ko ng naramdaman kung parang puno na pads ko sa ibaba. Mukhang na sobrahan na ata ang pagtawa ko. Marami tuloy jelly fish na nailabas.

Babysitting The Billionaire's TripletsWhere stories live. Discover now