Maaga akong nagising para makapagluto ng agahan. Napatingin naman ako sa orasan at malapit ng mag alas siete. Mukhang tapos na ata mag-agahan ang mga bata at si Nanay ang nagpakain sa kanila. Napatingin naman ako sa kwarto at wala na rin si Damon. Pumunta muna ako sa banyo at nagbihis bago lumabas.
Ipina-renovate kasi ni Tatay ang buong bahay kaya medyo maluwag-luwag na ang bahay. May sariling kwarto na a ng mga bata dito at kwarto namin ni Damon.
Pagpasok ko lang sa kusina ay nakita ko si Damon na nagluluto, pero bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay napa-akto akong naduduwal. Parang gusto kung sumuka dahil sa amoy ng niluto niya.
"Are you okay?" lalapit sana ako kay Damon pero pinalayo ko kaagad ito. Ang mabahong amoy ng niluto niya ay parang dumikit rin sa kanya.
Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"Anong ba 'yang niluto mo?! Amoy imbornal!" reklamo ko.
Hindi naman itong makapaniwalang tumingin sa 'kin. "That's your favorite! Shanghai! Don't you want to eat shanghai?"
"Paano ako kakain niyan eh amoy imbornal! Itapon mo 'yan! Pati mabahong amoy niyan kumapit sa'yo, hindi talaga ako lalapit sa 'yo pag hindi mo 'yan itapon!" sinamaan ko ito ng tingin bago tumalikod. Magsasalita na sana ito pero pinakitaan ko ito ng nakakuyum kung kamao.
Biglang pumasok si Fey at Dayan sa kusina at natigilan rin kung anong nangyari sa 'ming dalawa ni Damon. Nilampasan ko na lang ang dalawa. Pero bago ako tuluyan makaalis ay narinig ko na lang dalawa kung paano lumandi sa asawa ko.
"Gwaps! Pwede pahingi?!"
"Oo nga! Ang sarap-kasing sara-sa ano, sa Shanghai na palaging niluluto ni Nay Poring!"
"Yeah... you can have it all."
Dali-dali naman ako bumalik sa kusina at agad kung nakitang kinain na ng dalawang impakta ang niluto ni Damon. Natigilan naman si Damon na napatingin sa 'kin kaya tinaasan ko ito ng kilay.
"Ano? Namimigay ka nang pagkain ng hindi mo sinabi sa 'kin? Akala ko ba para sa 'kin 'yan? Bakit mo pinakain sa dalawang 'yan?" mataray kung sabi.
Napaluwa naman nila Dayan ang shanghai na nasa bibig nila at tumingin sa 'kin. "Kayo! Umalis kayo dito! Bumalik kayo sa pamamahay niyo! Ikaw Fey! Isusumbong kita kay Pedro na kumain ka sa pagkain na niluto ng asawa ko pero sa niluto niya ay hindi mo kinakain!" tinignan ko naman si Dayan. "Ikaw Dayan! Isusumbong ko talaga kay Dodoy na doon ka tumatae noon malapit sa taniman ng saging na pagmamay-ari nila!"
Kita ko kung paano bumagsak ang mga panga nila dahil sa sinabi ko. Napalunok naman ang dalawa at napanguso.
"Ito naman. Kumain lang eh."
Napa 'tsk' naman ako. "Umalis na kayo. Kaka-gising ko lang umiinit na ang ulo ko sa inyong tatlo." Inis kung sabi. Nabaling naman ang tingin ko kay Damon na napaturo sa sarili niya.
"Kasali ako?"
"Tumahimik ka. Naiinis ako sa pagmumukha mo," inirapan ko ito at tumalikod na. Narinig ko pa itong tinawag ako pero hindi ko na iyon pinansin.
Napunta ako sa likod ng bahay at nakita ko si Sebastian kasama si Ching na may dala-dalang hilaw na mangga na nilagay nila sa t-shirt nila. Hindi ko mapigilang maglaway sa mangga na nakita ko kaya tinawag ko ang dalawa.
"Pahingi." Aniko. Hindi naman nagdadalawang isip si Sebastian na bigyan ako at nilapit ang t-shirt niya para papipiliin ako.
Tinignan ko ang mangga at namili tsaka kumuha ng anim. Bigla na lang tinapik ni Ching ang kamay ko at tinaasan ako ng kilay.
"Andami naman niyan! Apat lang!" reklamo nito.
"Bakit, sayo ba 'tong mangga?" mataray kung sabi.
"Hindi pero pinaghirapan ni Sebastian 'yan." Reklamo nito. Bumaba naman ang tingin ko sa dala niyang mangga at mas madami iyon kaysa kay Sebastian. Hindi ko naman mapigilang mapatawa dito.
ESTÁS LEYENDO
Babysitting The Billionaire's Triplets
AcciónCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...