CHAPTER 07 : Sawyer's Blood

17K 465 72
                                    

"Tulog na, dito lang ako. Okay?" Dahan-dahan naman tumango ang tatlo at pinahiga ko sila sa kama. Nakayakap si Azriel sa bewang ko, si Avyx ay naka unan sa kanang braso ko, si Axciel naman at sa kaliwang braso. Ilang minuto ay naramdaman ko na lang na nakatulog na ang tatlo.

Agad nakunot ang noo ko nang narinig ko ang ingay sa labas. Medyo nakabukas kasi ang pinto kaya rinig na rinig ko.

Dahan-dahan kung inalis ang yakap ng tatlo tsaka bumangon. Kinumutan ko muna sila. Rinig na rinig ko pa rin ang ingay na parang may nababasag. Kinuha ko ang flashlight sa drawer at lumabas sa kwarto ko. Sinira ko muna ng maayos ang pinto, baka papasukin pa sila don kung sino.

Sumalubong naman kaagad ang dilim ng buong mansion at flashlight lang ang dala ko.

"Hello? Nay Ema?" Tawag ko pero wala ni isang sagot.

"Berta?"

May nakita akong walis sa gilid kaya kinuha ko 'yon, kung may multo, may pamukpok na ako.

"Sawyer?" Pero wala akong narinig. Nasaan na kaya ang taga-bantay? Dapat nandito na sila sa loob dahil sa ingay.

"Ahh!" Napasigaw ako ng narinig kung nabasag na vase! Galing 'yon sa third floor at nabagsak! Hindi binagsak! Agad ko 'yon nilapitan at tama nga ako! Yong vase na palaging sinabi ni Nay Ema sa 'kin na 'wag na 'wag kung gagalawin!

"F*ck!" Nanlaki ang mata ko ng narinig ko ang baritong boses na 'yon!

Patakbo akong pumunta sa hagdan hanggang makarating ako sa third floor! Ang kalat! Binuksan ko ang ilaw pero ayaw bumukas! 

Impossible namang may magnanakaw dito dahil andaming bantay sa labas!

Agad akong lumapit sa kwarto kung saan malapit sa kwarto ng mga bata. Nakabukas pa ang ilaw don. Pero bago pa man ako makahakbang ay biglang may yumakap sa likod ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng naramdaman kung suminghot sa leeg ko.

"You're back..." Pilit kung inalis ang braso niya nakapalibot sa kamay ko pero mas lalo niyang hinipitan 'yon.

"B-bitawan mo 'ko!"

"N-no... please..."

Dahan-dahan akong humakbang pero nakayakap pa rin ito sa 'kin. Mas nilakihan ko ang hakbang ko at nilakihan rin nito ang hakbang na hindi naputol ang yakap nito sa 'kin.

"Sino ka ba ha?"

Narinig ko pang napatawa ito kaunti.

Siya pala ang lintik na ama ng tatlo! Gusto ko siyang sapakin ng bigla niyang hinalikan ang pisngi ko at naramdaman kung unti-unting gumapang ang kamay nito sa dibdib ko. Pero bago nakarating ay agad kung tinapik 'yon.

Amoy alak ang putik! Kaya pala!

Napagkamalan pa akong asawa niya!

Pero kailangan kung sumabay para hindi ako matangalan ng trabaho. Total hindi niya naman maalala.

"Pumunta na tayo sa kwarto mo."

"Kwarto natin." Pagtatama nito kaya napaikot tuloy ako sa mata ko. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa kwarto niya habang nakayakap pa rin ito sa likod ko.

Natigilan ako ng nakita ko si Sawyer na nataranta at kinabahan mga mata nito habang nakatingin sa 'kin. Napalitan iyon ng pagtataka nang nakita ang posisyon ng ama nila Axciel. Dahan-dahang lumapit si Sawyer sa 'min at nilayo ako rito. Nagulat na lang ako ng bigla na lang niyang sinigawan si Sawyer.

"F*ck you Sawyer! Don't touch my wife!" Sigaw nito kaya dahilan binitawan ako ni Sawyer. 

"Damon! hindi siya ang asawa mo!" Sigaw din ni Sawyer kay Damon. 

Babysitting The Billionaire's TripletsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz