"Kailan po kayo nakabalik Nay Ema?" Tanong ko rito. Nang nakarating kasi kami galing sa kasal ay si Berta lang ang nandito. Sinabi niya naman sa 'kin na hindi sila magkasama ni Nay Ema kasi inatake sa puso ang asawa ng anak niya. Kailangan din niya munang bantayan saglit.
"Kaninang madaling araw."
Tumango naman ako at tinulungan na rin itong manghugas ng pinggan.
Nasa labas ang mga bata, naglalaro. Sa susunod na buwan na pala ang pasukan. Kailangan ko rin silang tatanungin ko saan nila gustong pumasok. Tatanungin ko din sana si Damon sa bagay na 'yon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin mula ng nakarating kami dito.
Paggising ko sa umaga ay nasa trabaho na siya tapos tatanungin ko ang mga bata, alam na nilang nasa trabaho na ito dahil gigisingin raw sila ng kanilang ama at nagpapalam na pupunta na ito sa trabaho.
Mas mabuti na nga 'yon.
Pumasok si Berta sa kusina. Napatingin naman ito sa 'kin tsaka biglang ngumiti. Kumunot naman kaagad ang noo ko sa inasta niya.
"Tres." Ngiting aso na wika nito.
"Ano?"
"Binigyan ako ni Sir Damon nang touch screen na cellphone. May basag kaunti pero binigyan niya ako ng pera para daw mapaayus ko." Aniya. Tumaas naman ang kilay ko.
"Talaga?" Tumango naman ito. Kinuha niya naman ang cellphone nito sa bulsa tsaka ipinakita sa 'kin. Nanlaki ang mata ko ng nakita kung cellphone iyon na bigay sa 'kin ni Sir Genesis!
Nasa drawer ko lang ito nilagay!
"Akin 'yan eh!"
Nilayo niya naman kaagad ito tsaka umiling-iling. "Nako, nako, sabihin mo nalang gusto mong mapasayo ito dahil galing 'to kay Sir Damon." Nakangising wika nito.
"Sa akin nga 'yan. Si Sir Genesis pa ang nagbigay niyan. Hindi sinadyang nabagsak ni Damon ang cellphone nayan kaya ayun pinalitan niya. Tapos 'yan naman ay nilagay ko sa drawer."
Kita kung natigilan siya sa sinabi ko. Napansin ko rin gan'un din si Nay Ema.
"G-genesis? Anak ni Yuni?" Dahan-dahan tanong ni Nay Ema. Tumango naman ako rito. "Nasa kasal ba ni Jayven si Genesis?" Dugtong nito kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Oo Nay, ba't niyo alam? Di ko naman sinabi sa iyo ah tsaka kilala mo si Sir Genesis?"
"Oo naman. Matagal na. Nakita si Damon at Genesis don?" Curious na tanong nito. Nagtataka naman ako ng lumapit si Nay Ema at mariin akong tinignan.
"Oho."
"Anong nangyari?"
"Wala naman. Hindi lang sila close? Gan'un?" Patanong kung sagot.
Tumingin naman ako kay Berta ng bigla itong nagsalita. "Anong nangyari sa kasal? Okay ba?" Pagc-change topic nito. Ngumiti naman ako tsaka ikwenento ko sa kanila ang nangyari sa kasal. Ikwenento ko rin kung paano kami nagkakilala ni Sir Genesis.
Kita ko ang gulat na reaksyon ni Nay Ema nung sinabi ko n'ung nag-usap kami ni Sir Genesis at andon din sa gabing iyon si Damon.
"B-buti hindi sila nagsusuntukan..."
"Bakit ganyang reaksyon niyo kay Sir Genesis at Damon? Bakit may problema ba sila?" Tanong ko. Kitang kung tumango si Berta. Bumuntong hininga naman si Nay Ema bago nagsalita.
"Magkababata si Genesis at si Sir Damon. Mag best friend pa nga 'yon hangggang high school pero n'ung tumungtong sila nang college ay napansin kung hindi na sila nagkikita at nag-uusap. Palagi pa nga 'yon pumupunta si Genesis dito para maglaro ng computer kasama si Damon. Masayahing bata iyan si Damon n'ung kabataan niya tsaka pala-kaibigan. Kung may bago siyang kaibigan papupuntahin niya dito para maglaro at kumain, andami ko ngang lulutuin pag pumupunta sila at si Genesis dito. Pero nagulat na lang ako nang sinabi sa 'kin ni Stefano ang nangyari kung bakit hindi na pinapunta ni Damon ang mga ito. Dahil raw sa babae nagkasira ang pagkakaibigan nila. Naging kasintahan nga ni Damon ang babae na pinag-aagawan nila ni Genesis pero pagkatapos ng dalawang taon nilang pagsasama ay bigla na lang itong naaksidente sa pinagmanehong sasakyan."
"Hala." Hindi makapaniwalang sabi ko. Nawala na nga ang pagka-kaibigan nila ni Sir Genesis, nawala pa ang babae'ng mahal niya...
"Pagkatapos nang burol ng babae ay nakita na lang namin na nagsusuntukan na si Damon at Genesis. Sinisisi ni Genesis ang pagkamatay ng babae kay Damon."
N'ung nasa simbahan kami. Nakatingin pala si Damon kay Sir Genesis na nasa likod. Pero bakit si Damon pa ang galit? Sinisisi diba ni Sir Genesis ang pagkamatay ng babae? Kalmado lang si Sir Genesis sa mga oras na 'yon.
Nagtataka naman ako. "Bakit niya namin sinisisi ni Genesis ang pagkamatay ng babae? Si Damon ba ang nagmaneho nang sasakyan?" Kunot kung sabi. Umiling naman si Nay Ema.
"Iyan ang hindi ko masasagot."
Nagpatuloy naman ito. "Sa loob ng isang buwan ay hindi nga lumabas si Damon sa kwarto niya pagkatapos ng burol sa kasintahan niya. Wala ni isang naka-pagpalabas sa kwarto niya. Araw-araw rin akong naghahatid at naglalagay ng pagkain labas ng kwarto niya. Buti't kinakain niya din ito, minsan naman hindi, at tubig lang ang iniinum. Lahat kami nagulat ng bigla siyang lumabas sa kwarto na may dala-dalang bag. Puno ng mga damit niya. Hindi naman namin alam kung saan siya pupunta kaya pinabayaan lang namin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pinigilan ni Stefano ang anak niya n'ung araw na umalis si Damon..." anito at bumuntong hininga. Napalitan naman iyon ng ngiti at ipinatuloy ang pagk-kwento.
"...paglipas ng isang taon. Ansaya ko ng nabalitaan kung umuwi na si Damon dito kaya agad kung nilagyan ng mga bagong damit ang kwarto niya pa n'un. Naghintay nga ako sa labas ng isang oras para salubungin siya sa sasakyan... Unang bumaba si Stefano sa sasakyan, nagtataka ako ng may dala itong sangol. Nang bumaba din si Damon ay laking gulat ko ay may dala-dala na siyang dalawang sangol. Pinagmasdan ko ang mukha ng tatlo dahil kamukhang-kamukha nila si Damon n'ung bata pa siya. Alam ko na kaagad na anak niya ito dahil ang itsura ng mga bata ay kapareha niya nung bata pa siya, doon ko kaagad nakilala si Avyx, Azriel at Axciel." Nakangiting banggit nito sa pangalan ng triplets.
Wala akong masabi kundi tumahimik lang. Dalawa lang ang pumasok sa isip ko.
Sino ang ina ng mga bata?
Kung patay na ang kasintahan ni Damon, sino ang nabuntis niya?
Follow/Comment/Vote
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire's Triplets
ActionCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...