CHAPTER 15 : Don't Care

17K 520 95
                                    

Kaagad naman lumaki ang ngiti ko tsaka kinuha ang party hat na nasa ulo ko at lumapit kay Sir Damon.

"Sir Damon! Nakauwi ka na!" Nakangiting sabi ko.

Bumati naman ang mga kalaro ng mga bata sa kanya. Pero agad silang napatawa nang pinasuot ko sa kanya ang party hat ko. Magsasalita na sana ito pero kaagad kung tinakpan ang bibig niya.

"Shhh, kumain ka muna bago magsalita," plastik kung ngiti. Alam ko namang magagalit ito ng walang paalam siya kanya. "...tara-tara hindi din ako kumakain kaya sabay na tayo!" Tinignan ko naman si Berta. "Berta! Ikaw muna papalit sa 'kin bilang mc ng mga bata!" Sigaw ko rito.

Dali-dali naman siyang lumapit sa 'min at kinuha sa microphone ko. Napansin ko pa itong nag-iwas ng tingin kay Sir Damon.

Kinaladkad ko naman si Sir Damon sa kusina kung nandon ang pagkain habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig niya.

"Sino ang mga bata na 'yon?" Agad na tanong nito habang nakakunot ang noo. Tinaasan ko naman kaagad ito ng kilay na para bang hindi makapaniwala.

"Hindi mo alam?"

"No!"

"Eh gonggong ka pala eh!" Singhal ko rito kaya natigilan ito. "Mga kaibigan at kalaro 'yon ng mga anak mo tapos hindi mo kilala? Hindi mo siguro alam na birthday nila ngayon?" Natameme naman ito kaya mapakla akong tumawa.

Binigyan niya lang ako ng blangkong tingin.

"Maglaan ka naman ng oras para sa mga anak mo hindi puro trabaho lang." Seryusong sabi ko tsaka tinalikuran siya.

Kaya pala nawalan na ng respeto ang mga anak niya sa kanya. Ilang beses ko na 'yon sinabi sa kanya pero mukhang hindi naman nakikinig sa 'kin. Mas matigas pa siguro ang ulo niya kaysa sa bato. O kailangan pang pokpokin ng dospordos ang ulo niya para naman matauhan.

Bumalik kaagad ako sa labas at sumabay na sa mga laro ng mga bata.

"Sebastian!" Natatawang sigaw ko ng biglang napagulong si Sebastian habang nakasuot ito ng sako hanggang bewang niya. Sack race kasi ang nilaro. Rinig na rinig ko namang lakaw ng tawa ni Azriel at Axciel.

Natatawang tumawa si Sebastian para makapunta sa finish line at agad namang pumalit si Avyx rito. Kita ko ang determinadong mukha ni Avyx sa larong 'to.

Mukhang siniryuso niya ang larong 'to ah.

"Go baby Avyx! Woohoo!" Sigaw ko at napatingin naman ito sa 'kin tsaka ngumiti, pero bumalik naman ito sa pagiging seryuso.

Ngayon ko lang siyang nakitang gan'un ka seryuso.

Lintek na batang 'to pinakaba pa ako sa hitsura niya. Manang-mana sa tatay.

Maya-maya ay nanalo ang groupo nina Avyx kaya nagsitalunan ang mga ka-groupo nila. Napatingin ako kay Sawyer na buhat-buhat pala si Sabrina na pumalakpak pa ito habang nakatingin sa Kuya Avyx niya. Napanguso namang lumapit si Sebastian sa kapatid dahil sa pagkatalo pero hindi ito pinansin ng kapatid.

"Mga chikiting, malapit ng mag alas otso baka gusto niyo ulit kumain?" Rinig kung sigaw ni Berta sa microphono.

"Kakain ulit po ulit kami!"

"Okay! Bumalik na kayo sa mesa niyo." Nakangiting wika nito.

Nagsilabasan naman ang ibang katulong na may dala-dala itong mga marshmallow at chocolate fountain kaya kita ko ang malaking ngiti ng mga bata.

Hays, ang sarap tingnan nila.

Napahangad ako at titingin sana sa mga butuin pero nahagip ko ng tingin si Sir Damon na nasa bintana ng kwarto niya at nakatingin pala sa mga bata na masayang kumakain.

Babysitting The Billionaire's TripletsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang