CHAPTER 11 : Back Again

17.2K 502 73
                                    

Unti-unti kung inimulat ang dalawang mga mata ko at bumalik kaagad sa kakapikit. Unang nakita ko ay ang liwanag, baka nasa kabilang buhay na ako ngayon. Hindi pwede! Dahan-dahan kung ginalaw ang mga paa ko at sa kamay, may naramdaman nalang akong may nakasabit rito.

"Wake up."

May narinig akong boses na ginising ako. Hindi ko pa rin inimulat ang mga mata ko. Hindi pwedeng ang demonyong boses na narinig ko ngayon.

"I said wake up." May halong galit na tono nito. Unti-unti ko namang minulat ang mga mata ko tsaka napatingin sa gilid. Agad ko namang nakita ang taong kailanman ay hindi ko gustong makita sa buong buhay ko.

"B-bakit ka nandito?" Hindi niya naman ako sinagot. Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas 'yon at pumasok ang tatlong chikiting!

"Mommy!"

"Gising kana mommy!"

Sabay-sabay silang lumapit sa 'kin at ningitian ako ng malaki. Napangiti naman akong sinuklay ang mga buhok nila at hinalikan sa pisngi.

"Mommy, ang tagal mong gumising." Nakangusong sabi ni Avyx. Sumang-ayon naman ang dalawa niyang kapatid.

"Ilang oras ba akong natulog?" Takang tanong ko.

"Mag f-four days na po."

Nanlaki naman kaagad ang mata ko dahil sa sagot niya. Nangiwi kaagad ako ng biglang sumampa si Exciel sa kama kasabay n'un ay sumakit ang gilid ng dibdib ko kaya napahawak tuloy ako rito.

"Axciel, hindi na gumaling ang sugat ng mommy mo." Seryusong sabi ni Demonyo. Pero inirapan lang ito ng mga anak niya. Binulungan naman ako ni Axciel kung kamusta na ba raw ang sugat ko kaya agad naman akong nangiti at tumango sa kanya.

Pero nakapagtataka lang kung bakit lumabas 'yon sa bibig ng tatay nila.

Mommy?

Tanggap na ba niya na tinawag ako ng mommy ng mga anak niya?

"Why are you still here dad? You can go now. Nagising na si Mommy, si Brother Sawyer na lang maghatid sa 'min sa bahay." Blankong sabi ni Azriel sa ama. Napatingin naman kaagad ako kay Azriel dahil sa tono na parang may halong pagtitimpi habang sinabi 'yon sa ama niya.

Napabuntong hininga naman ang ama nila.

"Azriel, galangin mo pa rin ang tatay mo kahit masamang tao siya," aniko. Lumambot naman ang itsura ni Azriel sa sinabi ko at dahan-dahang tumango. Nabalingan ko naman nang tingin ang ama nila na parang hindi gusto ang huling kung sinabi.

Totoo naman ah.

Napakasama niya.

Tumikhim naman ang ama nila at tinignan ako.

"You okay now?" Hindi ko alam kung totoo ba siyang concern sa 'kin pero tumango naman ako. "Thank you for saving my kids." Sinserong sabi nito.

"Kahit naman ikaw, kung andoon ka sa posisyon ko gan'un din ang gagawin mo."

"Yeah, right."

Ilang minuto rin nakalipas ay may pumasok na doctor at agad naman akong tinignan.

"Pwede ba akong kumain o uminom ng tubig doc?" Tanong ko. Tinignan niya naman ako at tumango.

"Yes, just don't eat meat," aniya kaya tumango ako at nagpapasalamat na rin. Agad ko namang tinignan ang tatay ng tatlo na natahimik lang nakatingin sa 'kin habang nakaupo sa sofa.

"Bili ka ng pagkain." Tinaasan niya naman kaagad ako ng kilay.

"No wa-"

"Gutom ako." Putol ko. Napatingin naman ang tatlo sa kanya at sinamaan ng tingin. Kita ko namang natigilan ang ama nila habang nabaling ang tingin niya sa mga anak niya.

Babysitting The Billionaire's TripletsWhere stories live. Discover now