"Nak..." agad bumitaw si Tatay sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya pa ang mga luha ko.
"Mabuti pang sundan mo sila." Aniya. Natigilan naman ako sa sinabi ni Tatay. Ningitian lang ako nito. Nabaling naman ang tingin ko kay Nanay na tumango-tango rin at nakangiti. "Sundan mo, sabihin mo sa kanya ang totoo mong naramdaman, hindi pa huli ang lahat kung hindi ka gagalaw ngayon."
Napayuko ako konti at niyakap pabalik si Tatay. Lumapit na rin ako kay Nanay at yumakap. Naramdaman ko na lang na hinihimas ang likod ko.
"Puntahan ko si Pareng Loloy para makaalis ka kaagad." Lumabas naman si Tatay sa bahay.
"Kumain ka muna para makapag bihis kaagad."
"Nay, s-salamat..." umiling-iling naman ito.
"Salamat din sa lahat, anak." May humaplos sa puso ng narinig iyon.
Umupo naman kaagad ako at kumain. Hindi ko na sinayang ang oras at pumunta sa kwarto para makapag bihis. Ang pinag-usapan namin ni Tatay kaninang madaling araw ay nakapag-desisyon na akong sasama sa kanila.
At aamin ako sa kanya.
Pero hindi ko akalain na aalis dila ngayon ng hindi man lang nagpaalam. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit sumama ang mga bata na bumalik sa mansion ng hindi ako kasama.
Lagot kayo sa 'kin.
Lumabas na kaagad ako ng narinig ko ang boses ni Tatay sa labas. Nakahanda na ang sasakyan.
"Mag-ingat ka don," nakatingiting wika ni Nanay. Tumango naman ako at nagpaalam na sa kanila bago pumasok sa sasakyan.
Habang tinahak ang daan pabalik sa mansion ay ang utak ay nasa mansion na. Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabiiin ko pag nakita ako ni Damon.
Maging masaya ba siya?
Galit 'yon sa 'kin. Kung hindi siya galit sa 'kin, magpapaalam sila sa akin.
Hindi ko alam anong eri-react ko pagdating ko. Baka sasabihan niya akong, bakit pa ako bumalik? Ang daming pumasok sa utak ko kaya naisipan ko na lang matulog baka sakaling mawala.
Unti-unti naman akong kinain ng antok at pumikit na.
Nagising na lang ako ng huminto na ang sasakyan sa harap ng mansion. Narinig ko na lang na may kumatok sa bintana at nakita ko si Sawyer. Siya pala ang kumatok. Lumabas naman kaagad ako.
Parang gusto kung sampalin si Sawyer ng nakita kung nakangisi ito ngayon at tinignan ang kabuuan ko.
Bigla naman kaagad akong tinaasan ng kilay nito. "Ses."
Umakma naman akong susuntukin ito dahilan tinawanan niya lang ako. Nagpaalam muna ako sa driver at nagpasalamat. Binalingan ko naman ng tingin si Sawyer.
"Wala akong dalang gamit." Aniko.
Sabay naman kaming pumasok sa gate ng mansion.
"I know. Pinaipon nga ni Damon lahat ng gamit mo para susunugin mamayang gabi." Biglang sabi nito kaya nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Ano?!" Kung hindi ako bumalik, susunugin niya ang mga gamit ko.
Tumawa lang ito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nauna naman itong pumasok sa loob. Nang makarating ako sa pinto ay nagtataka akong nakasira iyon. Palagi kasing nakabukas ang sa harap na pinto.
Nagsimula na akong kinabahan at dahan-dahan binuksan ang pinto. Napaigtad na lang ako ng may narinig akong sumigaw.
"April fools day!"
KAMU SEDANG MEMBACA
Babysitting The Billionaire's Triplets
AksiCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...