CHAPTER 36 : Play Victim

13.2K 365 141
                                    

Paggising ko ay agad akong pumunta sa banyo para maligo. Kailangan kong maligo dahil ayaw kung makita nila na ganito ang hitsura ko lalo na sa mga bata. Malapit na palang mag alas dyes kaya binilisan ko ang galaw ko papunta sa kusina medyo nagugutom na rin ako.

Wala akong nakita ni-isang tao pag labas ko. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya mag-isa na lang akong kumain. Sunday ngayon kaya wala sina Nay Ema. Dapat nandito si Damon at wala 'yong pasok.

Napabuntong-hininga na lang ako ng nakita ko ang mga pinggan na hindi pa nahuhugasan. Bago pa lang itong ginamit kaya sigurado akong ito ang pinagkainan nila kaninang umaga. Hindi na lang ako ng reklamo at hinugasan na lang ito.

Napatingin na lang ako sa likod ng narinig ko ang boses ni Avyx. Nakita ko naman itong dala-dala ang aso niya.

"Mommy."

Lumapit naman ako dito at hinalikan ang noo nito.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" aniko.

"Nasa pool mommy, naglalaro sila kasama ang mga dogs." Aniya.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" takang tanong ko. "Ayaw mong kasama maglaro ang kapatid mo?" natigilan naman ako ng hindi ito sumagot sa tanong ko. Sa tanong ko kasi parang ayaw niya iyon tanungin. Nagtataka naman ako sa reaksyon niya. "Avyx, nag-aaway ba kayo magkakapatid?"

"Mommy, hindi ko alam. Feeling ko andali nilang mauto."

Kumunot naman ang noo ko. "Ano ang ibig mong sabihin, Avyx?"

"Nothing. Gutom na ako mommy, hindi pa ako kumakain mula kanina kasi hinihintay kita. Ang himbing kasi ng tulog mo kanina kaya hindi kita ginising." Pag-iibang topic nito. Nagpakawala naman ako ng hininga at tumango.

Hindi na ako sumagot at pinaghandaan na lang siya ng pagkain.

Pagkatapos naming kumain ang nangyaya si Avyx na ipakita niya sa 'kin ang mga alaga niyang ahas. Nanganak na raw kasi ang babae nito. Nagdadalawang isip pa akong pupunta ba o hindi kasi takot ako. Hindi ko naman alam na may bahay bahayan ang ahas niya malapit sa garden. Marami kasing mga damo at puno kaya hindi gaano kita ang bahay bahayan.

Pagpasok pa lang namin ay kaagad bumungad sa pagmumukha ko ang ahas na nakasabit sa chandelier kaya hindi ko mapigilang mapasigaw.

Tinawanan lang ako ni Avyx!

"Mommy, ni-welcome ka lang ni Ere." Parang gusto kung sapakin si Avyx sa sinabi niya. Ni-welcome?! Eh, parang tuklawin na ako sa ginawa ng alaga niya!

Ang higpit ng kapit ko sa kamay ni Avyx. Napayuko kasi ako konti dahil may mga ahas sa taas, natatakot akong baka isa sa kanina ay babagsak. Baka mabagsakan pa ako!

May nilapitan si Avyx na isang pugad. May kinuha muna siyang gunting at gloves tsaka parang professional na sinuot iyon. Hindi ko mapigilang napahanga sa kanya. Grabe, parang sanay na sanay na siya sa ginagawa niya.

Kinuha niya muna ang ina ng mga ahas at nilagay iyon sa isang drawer. Pagkatapos ay kinuha niya ang itlog sa pugad at ginunting iyon tsaka kinuha ang maliit na ahas dito, hindi ko mapigilang mapatingin sa maliit na ahas dahil kulay puti ito. Ngayon lang din ako nakakita ng puting ahas. Tumingin naman si Avyx sa 'kin na nakangiti at pinakita niya ang ahas.

"This is Leucistic, comes from the Greek word 'leukos' which means white, a ball python snake, mommy." Paliwanag nito.

"Bakit parang expert mo sa mga ahas, ha?"

Pinagpatuloy niya naman ang ginagawa niya. "I have books about snakes. Minsan iyon ang palaging pinapabili ko kay Kuya Sawyer and then noon pa si Lolo ang kasama ko pagbibili kami ng ahas."

Babysitting The Billionaire's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon