Hindi mapakali si Damon ng sinundan ng tingin si Tres na papalabas sa bahay habang kasama nito si Eloise. Pinagmasdan nito ang paligid na naramdamang may tatlong sniper na nakatutuk sa gawi nila.
Ilang segundo ang nakalipas ay sabay nila ni Sawyer pinutok ang baril sa gawi ng tatlong sniper na nakatago sa pinto, malapit sa kwarto ni Tres. Agad itong natumba at bumagsak. Dali-daling tumakbo si Damon sa labas at nagbabakasakali na maabutan ang sasakyan kina Eloise pero huli na.
Napansin niya na lang na dumating na pala ang backup nitong tauhan niya at sa kanyang ama na nakikitapag laban sa rin sa mga tauhan ni Eloise.
Hindi niya mapigilang mapamura ng malakas dahil nag-alala ito kay Tres na baka may mangyaring masama dito. Hindi siya basta-basta sumunod kaagad sa kanila dahil sisiguraduhin niya muna sina Azriel na nakatago sa kwarto niya.
Dahil sa galit ay hindi niya ay sumali na rin si Damon sa pakikipaglaban hanggang unti-unti ng bumagsak ang lahat ng mga tauhan ni Eloise.
"Stop it." Saway ni Sawyer dito ng nakita ni Sawyer si Damon na sinu-suntok ang isang kalaban na wala ng malay. Halos hindi na makilala ang mukha nito dahil sa dami na ng sugat at dugo. Isang mabigat na hininga ang pinakawalan nito at itinigil ang ginawa. Napatingin si Damon sa paligid na puno na ng dugo ang buong bahay niya, sa sala, sa kusina at sa harap ng mansyon.
"They're already gone?" kalmadong tanong nito kay Sawyer at dahan-dahan naman itong tumango.
"S-son..."
Narinig niya na lang ang boses ng ina na nanginginig na sa takot. Blanko lang tumingin si Damon sa ina. Hindi ito pinansin at nilampasan lang ni Damon.
"S-son..."
"Don't call me that!" hindi mapigilang mapasigaw ni Damon sa ina. Galit niya itong tinignan habang pinipigilan ang sarili na gumawa ikasasama ng ina. Nakita niyang unti-unting may tumulong luha sa pisngi nito at yumuko.
"S-son, I'm sorry...I'm sorry... I d-didn't know... I'm r-really sorry..." pagmamakaawa nito.
"Mom! They took Tres! Kinuha nila ang taong mahal ko! Paano kung may mangyaring masama don?! Paano?! Paano ako?! Paano ang mga bata kung mawala ang babae'ng 'yon sa buhay namin?! M-mom! A-ang sakit nun... ayaw k-ko ulit maramdaman na mawalan ulit ng babae'ng m-mahal ko..."
"S-son, I swear... I didn't know! W-wala akong alam, anak... kung alam ko pa lang edi sana m-matagal ko ng hindi lumapit kina Eloise."
"I don't want to talk to you right now." anito at tuluyan ng tumalikod sa ina. Narinig pa nito ang tawag ng kanyang ina pero hindi na niya ito pinansin.
Agad pumunta si Damon sa kwarto niya at binuksan ang hideout sa kwarto nito. Pinagawa niya talaga ito para kung sakaling may mangyari ay maligtas ang mga bata. Siya lang at ang tatlo lang ang may alam dito. May humaplos sa puso nito ng nakita ang apat niyang anak na natutulog sa sahig. Nasa gitna si Sabrina habang pino-protektahan ng kanyang mga kapatid.
Unti-unting nagising si Axciel at kaagad napatingin sa ama. Agad itong bumangon at lumapit rito. Nakatingin lang si Damon sa anak na papalapit sa kanya.
"Daddy, si mommy, nasaan?" unang tanong nito.
Walang nagawa si Damon kundi niyakap ito.
"Mommy is not here. Umalis m-muna si mommy..."
Hindi niya alam. Hindi niya alam kung saan ang mommy nila. Andaming tinanong ni Axciel sa kanya tungkol kay Tres pero wala siya ni isang sinagot. Dahil hindi niya rin alam kung anong isasagot sa anak.
Napahiwalay na lang siya sa yakap ni Axciel nang biglang sumigaw si Sabrina at tuluyang umiyak. Nagising naman sina Sebastian at Azriel at tumingin sa kapatid. Lumapit si Damon kay Sabrina at binuhat ito para patahanin.
ESTÁS LEYENDO
Babysitting The Billionaire's Triplets
AcciónCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...