"Let's go?" napatingin kaagad ako kay Damon at tumango. Binigyan niya naman ako ng ngiti bago iginiya papasok sa sasakyan.
Mag-iisang linggo na naming hindi nakita ang mga bata dahil nasa probinsya sila ngayon at doon kasama nila Nanay, mas gusto kasi nilang magbakasyon don kaysa dito sa syudad. Bumalik lang kami ni Damon sa mansyon para kunin ang mga gamit at ilipat sa bago naming bahay.
Bagong bahay. Bumili ng bagong bahay si Damon. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nangyari ay hanggang ngayon ay hindi pa rin namin makakalimutan. Kaya bumili si Damon ng bagong bahay para makalimutan na namin ang lahat. Sa nangyari noon ay hindi namin makakalimutan pero hindi na iyon mauulit pa.
Dahil wala ng gugulo sa 'min. Wala na.
Nang makarating kami sa probinsya namin ay hindi muna kami pumunta sa bahay, dumiretso kami sa cementeryo para may bibisitahin.
Hinawakan ni Damon ang kamay ko bago kami pumunta sa dalawang puntod. Nilagay ko naman isa-isa sa puntod nila ang bulaklak na dala ko at ganun din kay Damon tsaka nagsindi din ito ng kandila.
"Happy Anniversary Ate... Sawyer..." nakangiting sabi ko.
Ang puntod ni Ate at kay Sawyer ay pinag-tabi namin. Mas mabuti nga iyon para makasama ni Sawyer si Ate. Sigurado akong matutuwa iyon. Ngayon kasi ang araw kung kailan sinagot ni Ate si Sawyer. Ikwenento noon 'yon ni Sawyer sa 'kin na paborito ni Ate ang tulips na bulaklak pag-anniversary nila. Gusto ni Ate ang tulips kaysa sa rosas.
Wala ng nangyaring masama pagkatapos ng nangyari noon. Naging tahimik na ang buhay namin. Lalong-lalo na wala na ang dalawang magkapatid na sumira sa buhay namin.
Pero hindi namin maiwasang magdusa ng ilang araw ng iniwan kami ni Sawyer. Lalong-lalo na ang mga bata. Natagalan na tanggapin nila ang pagkawala ni Sawyer. Malapit kasi sa kanila. Pero ngayon ay unti-unti na nilang tinanggap dahil palagi ko namang sinabi at pinapaliwag sa kanila ang lahat ng nangyari. Saka na siguro ko ipaliwanag sa kanila ang buo pag malaki na sila.
Sa lahat ng nangyari ay sinabi ko lahat kay Nanay at Tatay. Alam kung masakit sa kanilang parte ng nalaman ang totoong pagkawala ni Ate. Hindi sila makapaniwala na namana ni Ate ang sakit na nangyari rin pala sa asawa ni Nay Poring. Cancer din ang dahilan ng pagkawala nito. Ang naging mas malala pa ay nabuntis si Ate sa triplets.
Si Damon ang nagpaliwanag kina Nanay at Tatay. Umiyak pa ito na nanghihingi ng tawad dahil sa nangyari kay Ate. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Pinatawad naman siya nila Nanay dahil wala rin siyang alam. Hindi naman nito intensyon na gawin iyon. Lahat kami ay nag-kapatawaran, lahat sinabi lahat ng hindi namin alam sa isa-t-isa.
Nagdasal muna kami ni Damon bago bumalik na sa sasakyan. Napangiti naman ako ng hinawakan niya ang kamay ko papunta sa sasakyan. Sigurado kaming naghihintay na ang mga bata sa 'min don.
"Mommy!"
Narinig ko kaagad ang mga sigaw nila ng makababa kami sa sasakyan. Papatakbo pa silang lumapit sa 'min at dinamba kaagad ng yakap. Binuhat naman ni Damon si Axciel at Azriel. Naplinga-linga ako ng hindi ko makita si Avyx.
"Nasaan si Avyx?" tanong ko kaagad kay Sebastian.
"Mommy, nasa likod, kumukuha ng mangga kasama sina As as." Sagot nito. Hindi naman ako mapakali at nagpaalam muna kay Damon para puntahan si Avyx sa likod. Papatakbo akong pumunta sa likod ng nakita ko itong aakmang aakyat na sana ay agad ko itong tinawag dahilan natigilan ito.
Nakita ko pang may manggang kinagat pa siya sa bibig.
"Avyx!"
Umakto pa itong patingin-tingin sa taas na para bang walang ginawang kalokohan. Kabado itong ngumiti sa 'kin.
DU LIEST GERADE
Babysitting The Billionaire's Triplets
ActionCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...