Alas singko palang ng umaga ay ang ingay na sa labas kaya maaga na ring nagising ang mga bata. Si Nanay ang nag asikaso kay kina Sebastian. Nakunot naman kaagad ang noo ko ng hindi ko nakita si Damon.
Tumingin naman ako kay Nanay. "Nay punta na ako sa labas. Tutulungan ko na sila sa labas." aniko. Tumango naman ito.
"Sge, kanina ka pa hinanap nina Dayan."
Hindi na ako nagsalita at lumabas na. Nakita ko kaagad sina Pareng Loloy at mga kapitbahay namin na nagbubuhat ng baboy para mamaya. Medyo marami-rami kasi ang pupunta mamaya kasi Birthday na ngayon ni Tatay.
Nakita ko sina Fey na nagluluto malapit sa may mangga kaya nilapitan ko ito.
"Fey, Dayan, nakita mo si Tatay?"
Tumango naman sI Dayan. "Nasa sakahan." aniya at bumalik sa paghahalo ng pagkain. Nakakunot naman ang noo ko. Ang aga-aga pupunta sa sakahan? Ano naman ang gagawin niya ron?
"Anong ginawa niya don? Malamig pa ang hangin!"
Sumingit naman si Fey.
"Kasama si Gwaps. Pinaararo ng Tatay mo." Natatawang wika nito dahilan napatawa rin ng malakas si Dayan. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nila. Dali-dali akong tumakbo papunta sa sakahan at hinanap ang dalawa.
Nagulat ako ng nakita ko si Damon na tulak ng tulak sa pang-araro ng kalabaw habang pinapunta ito kung saan. Wala itong pang-itaas at nakapantalon lang na itinupi hanggang tuhod. Napatingin naman ako sa gilid ng nakita ko naman si Tatay na nasa maliit na kubo habang nakapamewang na nakatingin kay Damon. May dala lang itong flashlight habang itinutok iyon kay Damon.
"Tatay!" malakas na sigaw ko dahilan itinutok naman ni Tatay ang flashlight niya sa 'kin dahilan napapikit ako.
"Oh?" rinig kung pabalik na sigaw nito.
Dali-dali naman akong lumapit sa kanya at nagtataka naman itong tinignan ako. Nakita ko si Damon na napatingin sa 'kin pero agad iyon ibinalik ang tingin sa ginawa niya.
Kunot ang noo kung humarap kay Tatay.
"Anong ginawa mo kay Damon?" reklamo ko. Tinuro ko naman ang langit. "Tingnan mo oh? Hindi pa nga sumikat ang araw pinaararo mo na! Hindi 'yan sanay dito Tay! Tsaka anlamig pa ng hangin!"
Sarkastiko naman itong napa 'oh'.
"Tinanong niya ako kanina kung may gym raw dito. Sabi ko wala 'yan dito. Sinabi ko mag-araro nalang siya kaya 'yon pumayag kahit di naman alam." kabitbalikat nitong paliwanag.
"Eh hindi niya pala alam, 'bat mo pina-araro?"
"Sinabihan ko lang kung paano. Kaya ayon, marunong na." Mariin niya naman akong tiningnan. "Bat ba parang galit na galit ka? Concern ka sa lalaking iyon?"
"Malamang Tay! Hindi iyan sanay sa mga ganito baka mapa'no 'yan."
Iniripan lang ako nito at tinignan ulit si Damon.
"Hoy bilisan mo dyan! May dalawang hektarya ka pang tatapusin mamaya!" sigaw ni Tatay rito. Nanlaki naman ang mata ko.
Tumingin lang sa 'min si Damon at tumango lang sa sinabi ni Tatay.
"Tay!"
"Oh ito." binigay niya naman sa 'kin ang hawak niya. "Flashlight-tan mo 'yon. Baka mapunta na niyugan, baka maligaw pa 'yan." Supladong wika nito at tinalikuran ako. Sinundan ko naman siya ng tingin. Tumulong naman ito sa pag-iihaw ng manok sa unahan.
Bumaling naman ako ng tingin kay Damon na nagpatuloy lang sa pag-aararo habang itinutok ko sa kanya ang flashlight sa hawak ko. Buntong-hininga tuloy ako at umupo na lang. Hihintayin ko na lang sumikat ang araw bago ko siya pauwiin. Baka hindi rin sanay si Damon gumising ng maaga na hindi nakapag-work out.
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire's Triplets
ActionCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...