Magli-limang araw nang hindi ako pinapansin ni Damon simula n'ung dumating kami rito galing sa kasal ng pinsan niya.
Nabaling ang tingin ko kay Sawyer na pumasok ito sa sala dala-dala ang sniper na baril kaya nanlaki kaagad ang mga mata kung nakatingin sa dala niya. Natigilan rin ito ng nang nakita ako.
"Sorry, I thought you went with them to the mall." Tukoy nito sa mga bata na kasama nito si Berta at Nay Ema. Nagpaalam kasi sila kanina na pupunta muna sila sa mall.
Umiling naman ako at napalunok.
"Pinapakita mo ba 'yan sa mga bata?" Takang tanong ko. Umiling naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag.
"No. Kapag andito ang mga bata hindi basta-basta maglabas ng mga baril. That's Damon's number one rule here."
Kumunot naman ang noo ko nang may naalala ako. "Eh bakit tinutukan niya ako ng baril sa harap ng mga bata?"
"Maybe he's shocked when the first time he saw you. Hindi kasi basta-bastang makapasok sa kwarto niya." Aniya. Dahan-dahan naman akong tumango. "Did he say sorry?"
"Oo." Kita kung ngumisi ito na parang hindi makapaniwala. Pero unti-unti iyong nawawala at napalitan nang lungkot. Mariin naman niya ako tinignan.
"Gusto mo subukan?" Tukoy nito sa sniper na hawak-hawak niya.
"Na ano? Subukan kung ipatama sayo?" May halong sarkastiko kung tono. Napatawa naman ito kaunti.
"Minsan lang sa buhay mong makahawak ng ganitong bagay. Why not to try it. Tsaka wala naman dito ang mga bata, wala ka naman ding gagawin ngayon."
Tama naman siya. At tsaka gusto ko ring maka experience ng baril o sniper na makikita ko lang sa pelikula. Ang cool nga tingnan ng mga babae kung makahawak sila ng mga baril.
"Saan mo naman ako turuan niyan?"
"Come with me." Anito. Hindi na ako nagsalita at sumama lang sa kanya.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang bakarating kami sa green house sa likod ng mansion. Nagtataka naman ako pero hindi nalang nagsalita.
Tinignan muna ako saglit ni Sawyer na para ba sinasabing. 'Tingnan mong mabuti babae ka'
Hinawakan niya naman ang kulay itim na paso at may kung anong pinindot don. Napaatras naman ako dahil sa gulat ng biglang may bumukas sa harap niya. Ang ibang halaman naman ay nasa gilid na.
"A-akala ko design lang ang pader na 'yan?" Turo nito sa pader.
Bato kasi ito na nakapatong-patong at akala ko normal lang na pader pero may secret door pala...
"Sinadya ito ni Damon, para hindi mahalata ng mga bata. Palagi pa naman silang pumupunta dito para kumain ng berries." Tukoy nito sa isang sanga ng berries.
Tumango naman ako sa kanya. "Akala ko normal lang na pader."
"Normal lang naman ito na pader ah." Sabay iling nito.
"Aysh! Tara na nga!"
Medyo nakaramdam ako ng excitement pagpasok pero unti-unti iyong nawala at napalitan ng takot dahil sa nakita ko ngayon.
Ano 'to? Andaming ibat ibang klase ng baril.
Tinignan ko si Sawyer na lumapit sa kahakilang aparador at binuksan iyon. Nanlaki tuloy ang mata ko ng nakita kung andaming granada at mga pan-pasabog na kung ano-ano. May kinuha siyang baril sa ibaba ron.
Isang gintong armalite habang may nakapalibot na design nang ahas rito.
Tumingin naman si Sawyer sa 'kin ngumiti.
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire's Triplets
ActionCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...