CHAPTER 30 : Fights

15.6K 418 99
                                    

"Good morning . . ."

Agad kung binuksan ang mga mata ko ng narinig ang boses na iyon. Bumungad kaagad sa 'kin ang mukha ni Damon na nahiga din sa kama ko at tinignan ako.

Napabangon naman kaagad ako at tinaasan kaagad ng kilay. Nakita ko naman itong napatawa sa reaksyon ko.

"Bakit na nandito?" aniko ko. Kagabi sinabi niya sa 'kin na sa kwarto niya ako matutulog kaso tumanggi kaagad ako. Baka anong pang sasabihin nila Nay Ema sa 'kin pag nakita nila ako.

"I just want to say good morning. Masama ba 'yon?" reklamo nito kaya inirapan ko lang ito. Tumayo ako at walang pasabi-sabing lumabas sa kwarto ko. Narinig ko pang tinawag niya ako kaso hindi ko na iyon pinansin.

"Bakit ba ang hilig mong mag-walk out?" aniya at sumabay sa pag lakad ko.

"Ewan ko. Kusang lumakad ang mga paa ko papalayo eh." Kibit-balikat kung sabi ko kanya.

Binuksan ko kaagad ang pinto ng mga bata at bumungad kaagad sa 'kin ang nagsusuntukan na Axciel at Sebastian habang si Avyx at Azriel ang umawat sa kanila. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita.

Agad lumapit kaagad si Damon sa kanila para ipalayo.

"What's happening here boys?" Seryosong tanong ni Damon sa kanila.

Napatingin ako sa gilid nang nakita ko ang color red na Ipad ni Sebastian na sira na.

Tinuro naman kaagad ni Sebastian si Axciel. "Daddy! Bigla niya lang sinira ang Ipad ko habang nakipag video call ako kay Ching! Tapos bigla niya lang akong sinuntok ng walang pasabi-sabi!" Umiiyak na wika ni Sebastian kay Damon. Napansin ko pang nanginginig ito.

Galit namang tinignan ni Axciel si Sebastian.

"He's not your Daddy!"

"AXCIEL!" sigaw ni Damon kay Axciel dahilan natigilan kaming lahat. Nakita ko kaagad si Axciel na nagulat sa sigaw ng ama niya at unti-unti itong umiyak ng malakas.

Lumapit naman kaagad ako kay Axciel at binuhat ito. Seninyasan ko si Damon na siya na bahala kay Sebastian.

"M-mommy..."

"Tahan na," aniko at hinimas ang likod nito para tumahan. Pumunta naman kami sa kusina at pinaupo ko siya. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi nito para punasan ang luha nito. Panay naman hikbi nito kaya hindi ko mapigilang maggalala sa kanya.

"I hate Daddy, Mommy..." humihikbing wika nito kaya hindi ko mapigilang mapa buntong-hininga.

"Bakit naman?"

"H-he shouted at me, mommy..." niyakap ko naman ito.

"Bakit ka naman sinigawan ng daddy mo?" aniko kaso hindi ito sumagot. Kaya nagpatuloy ako sa pagsalita. "Sabihin mo nga sa 'kin ang totoong nangyari..."

"N-nakita kung nagkipag tawanan siya kay Ching sa video call..." Nakaunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "...and I don't like it." dugtong niya.

"Crush mo ba si Ching, Axciel?" tanong ko dahilan binaon niya ang mukha niya sa tiyan ko at dahan-dahang tumango. Napasapo naman ako sa noo ko dahil sa nalaman.

May magkagusto naman pala sa dugyoting batang iyon.

"Pero may sinabi kang mali," aniko.

"Sorry mommy..." hinalikan ko naman ang noo nito.

"Kay kapatid ka mag sorry hindi sa 'kin. Mag-sorry ka rin sa Daddy mo dahil hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig mo kanina." Hinawakan ko naman ang pisngi nito at pinaharap sa 'kin. "Alam mo ba masakit sa parte ni Sebastian ang sinabi mo? Ito ang tandaan mo Axciel, kahit hindi niyo kadugo si Sebastian ay dapat ituring niyong kapatid si Sebastian. Paano kung nasa posisyon ka ni Sebastian at sasabihin iyon? Magugustuhan mo ba? Diba hindi? Masasaktan siya Axciel."

Yumuko naman ito at tumango.

"Wala ng pamilya sina Sebastian kaya andito tayo ang tatayong pamilya sa kanila. Kaya, kahit ano man ang problema niyo at ikakagalit niyo sa isa't isa, huwag niyong iparamdam kay Sebastian na iba sa pamilyang ito, ha?"

"Opo, mommy."

"Sige, tulungan mo akong magluto ngayon tapos mamaya mag-sorry ka, okay ba 'yon?" agad naman itong tumango-tango.

Maya-maya ay pumasok na sina Damon na buhat-buhat si Sabrina. Sumunod naman dito ang mga bata. Nakita ko si Sebastian na namumugto ang mga mata nito dahil sa iyak. Mukhang may sinabi rin si Damon sa kanya. Si Azriel at Avyx naman ay tahimik lang nakamasid sa dalawang kapatid.

Tahimik lang silang umupo at hinintay matapos ang niluto namin.

Nahagip ko ng tingin si Axciel na panay tingin kay Sebastian, mukhang na-guilty sa sinabi niya kanina. Tanging kumukulong sabaw ng sinigang lang ang narinig namin hanggang may bumasag don.

"Panget kayow."

Hindi ko mapigilang mapatawa ng malakas ng narinig ang boses ni Sabrina ng binanggit ang salitang iyon. Nakita ko namang pigil na tumawa ang dalawang nag-aaway.

Nang matapos ay sabay-sabay na kaming kumain. Pumasok naman sa kusina si Swyer at nakisabay pang kumain sa 'min kaya kaagad itong sinamaan ng tingin ni Damon. Sinamaan ko naman ng tingin si Damon.

"Tres and I will leave later, bantayan mo ang mga bata baka magsu-suntukan na naman ang mga iyan." Walang emosyon na wika ni Damon kay Sawyer. Natigilan na naman sa pagsubo si Sawyer at nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Sinong nagsusuntukan?"

Dahan-dahan namang tinuro ni Avyx ang dalawa at nag-iwas pa ito ng mga tingin kaya napatawa na lang si Sawyer.

"Nagpatayo ka na lang sana ng boxing ring," natatawang sabi ni Sawyer kay Damon.

"Eh ikaw kaya ang boxingin ko?" inis kung sabi rito kaya na tahimik naman ito.

NAPATINGIN AKO kay Damon habang ang tingin nito ay nasa daan. Napatingin naman din ito saglit sa akin.

"What?"

"Saan tayo pupunta?" taka kung tanong.

"Office."

Nakakunot naman ang noo ko. "Ano naman ang gagawin ko don?"

"I don't know. You can play there." Kibit-balikat nitong sabi.

Inis akong nag-pakawala ng hangin at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Ginagago niya ba ako? Anong akala niya sa 'kin? Five years old na hindi pwedeng maiwan sa bahay? Hindi na lang ako sumagot at binalik ang tingin sa daan.

Narinig ko namang tumawa ito kaya inirapan pero unti-unti napalitan iyon ng gulat.

"Damon!"

"Christy!"

Nanlaki ang mata ko ng biglang may sumalubong na sasakyan sa amin kaya agad iniliko ni Damon ang sasakyan sa gilid. Mahigpit akong kumapit sa seatbelt kung sakaling may mangyari. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nangyari. Pero mas pumasok sa isip ko ang sinigaw na pangalan ni Damon.

Sino si Christy?

Naramdaman ko na lang na inis at kirot sa dibdib ko ng narinig ang pangalan na iyon. Una si Eloise ngayon si Christy naman?

"F*ck, Chris-Tres," narinig ko itong natigilan at bumuntong hininga. "Tres, are you okay?"

Hindi ako tumingin sa kanya at dahan-dahan na lang tumango. Mahigpit ang kapit ko sa seatbelt. "Ah-h oo."

"That scumbag." Galit na wika nito.

Tahimik lang akong tumingin sa kanya. Kinuha naman nito ang cellphone niya at may tinawagan. Nag-iwas kaagad ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon. Dahil lang ba sa pangalan na iyon? Gusto kung malaman kung sino ang babae'ng iyon.

Siya ba ang babae na pinag-agawan nila ni Sir Genesis noon? Iyong sinabi ni Nay Ema sa 'kin?

Iyon babaeng mahal niya?

Binanggit niya ang pangalan na iyon habang ako ang kasama niya?

Naramdaman ko na lang na tumakbo ulit ang sasakyan at tumahimik na lang hanggang makarating kami sa opisina ni Damon. Mapakla ko namang tinawanan ang sarili ko.

Tanginang buhay to.

Follow/Comment/Vote

Babysitting The Billionaire's TripletsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora