CHAPTER 12 : Krushy

17.2K 504 134
                                    

"Relax okay? Ang pangit mong umiyak." Pabiro nito pero wala akong oras sabayan ang biro niya!

"Sina Sebastian! K-kailangan ko silang hanapin!" Nag-alalang sabi ko sa kanya.

"Lalaki ba 'yan?" Kita ko pang dumilim ang paningin nito habang nakatingin sa 'kin.

"Oo! Batang lalaki kasing edad lang ng nila Avyx. Si Sabrina, two or three years old! Please naman oh, hanapin mo ang dalawa, nangako akong babantayan ko sila..." natigilan naman ito sa sinabi ko tsaka nakunot ang noo.

"Siblings, right?" Tumango naman ako sa sinabi niya. Bumuntong-hininga ito at nagsalita. "Don't worry. Nasa mansion sila, kinuha ni Sawyer," aniya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Napatingin ako sa pinto pumasok ang tatlo at agad nanlaki ang mata ng nakita ang hitsura kung umiyak.

Galit naman nilang binalingan ang ama tsaka wala pa sabi-sabing tumakbo at pinagkarate ang ama nila.

"Ouch! Axciel!"

"Your making mommy cry again!" Sigaw ni Axciel sa ama.

"What? Hell no! Ouch!"

"You promised!"

"Liar!"

"I didn't do anything!" Sigaw din ng ama nila sa kanila. Pero mukhang hindi naman naniniwala ang tatlo sa sinabi ng ama.

"Hoy! Hoy! Tama na 'yan." Awat ko sa apat at pinaghihiwalay sila. Agad naman lumapit ang tatlo sa 'kin at yumakap.

"Mommy, did he hurt you?" Agad naman akong umiling sa tanong ni Avyx.

"Basta-basta nalang kayo sumugod sa ama niyo jusko. Tara na nga." Sabi ko tsaka tumango naman ito. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla nalang nagsalita si Sir Damon.

"Saan kayo pupunta?" Tinignan ko naman ito at binigyan ng 'what' look.

"Sa labas?" Aniko. Tumingin naman ito sa 'kin tsaka tinignan ang mga bag na nasa kama ko.

"Dalhin mo ang mga gamit mo," aniya. Napaturo tuloy ako sa sarili ko tsaka tinaasan ko naman kaagad ito ng kilay.

"Bakit ako? Ikaw ang lalaki dito kaya ikaw dapat ang gumawa n'un." Reklamo ko sa kanya. Tinignan ko naman ang tatlo tsaka ninguso ang tatay nila. Agad naman nilang tinignan ang ama tsaka sinamaan ng tingin.

Hindi ko pagiling napatawa ng siya na mismo ang nagkuha sa mga bag ko tsaka binuhat ang mga 'yon.

"Let's go," aniya tsaka labag sa loob niyang binuksan ang pinto para sa 'min, sa akin pala. Pagkalabas namin sa labas ng hospital ay may pitong itim na sasakyan ang nagkahilira.

"Bakit andaming sasakyan, sir?" Taka kung tanong kay Sir Damon.

Hindi niya lang ako pinansin at binigay lang ang mga gamit ko sa lalaking nagkahilira ring nakatayo katabi sa sasakyan.

May binigay naman itong susi at umalis kaagad dala-dala ang gamit ko.

"Get in," anito at binuksan ang sasakyan.

"Mommy, get in. Ladies first." Rinig ko kay Avyx kaya tumango naman ako at pumasok na. Sumunod naman ang tatlo na katabi ko at tumabi sa 'kin. Hindi naman pwedeng tatabi sa passenger seat uupo ang isa sa kanila.

Ayaw ko namang tumabi sa ama nila.

Duh.

Ilang segundo ay pina-andar na niya ang sasakyan. Nakunot nalang ang noo ko dahil may tatlong sasakyan sa harap at sa likod ng sinasakyan namin.

Ano 'to?

"Sir, bakit pinalibutan tayo ng sasakyan?" Takang tanong ko.

"It's for security." Sagot nito habang nagd-drive. Tumango naman ako. Kailangan din 'yon para na rin sa kaligtasan ng mga bata. Bakit ba kasi ang yaman-yaman niya kaya tuloy.

Babysitting The Billionaire's TripletsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang